"Bigyan ko kaya siya ng singsing?" Napaisip ako. Hindi ko pa siya nabibigyan ng mga jewelry if ever eto yung first na bibigyan ko siya. "Tama. Singsing na lang ibigay ko sa kanya."



"Bakit singsing?"


Napatingin ako kay Christy. Napakibit ako ng aking balikat "Bakit hindi? A promise ring. I'll give her a promise ring." Nakangiting sambit ko.



Napatingin si Christy sa daliri ko "Kanino galing yang singsing na suot mo? Kay Mindy?"



Napatingin din ako sa daliri ko. Ang totoo niyan di ko alam kung pano napunta sa daliri ko tong singsing basta nagising na lang ako nun meron na ako nito sa daliri ko at kahit anong gawin ko di ko siya matanggal-tanggal.




"I know it's weird pero hindi ko alam kung pano napunta to sa daliri ko eh."




"What do you mean?"



"May afterparty kasi kami nun sa Prom dati and halos lahat kami nakainom na. Naalala ko nawalan na ako ng malay nun then kinabukasan nagulat nalang ako na meron na akong singsing sa daliri ko." Explain ko sa kanya.



"Weird nga." saad niya.


"Alam mo kung ano ang pinakaweird? Hindi siya matanggal sa daliri ko." share ko pa sa kanya.



"Imposible."



"Posible kamo. Try mo." Pinatry ko sa kanyang tanggalin ang singsing at gaya nga ng sinabi ko hindi nga siya matanggal.




"Bakit ayaw matanggal?" Kunot noong tanong sakin ni Christy.




"I don't know."


"Alam ba yan ni Mindy?"



"Oo. Hindi niya rin matanggal eh." Nakwento ko kasi kay Mindy about dito sa singsing. Nagtataka din nga siya kung bakit ayaw matanggal at kung paano napunta sa daliri ko ang singsing.




"So, ano? Forever nalang yan sa daliri mo?"



"Di ko talaga alam eh."



"Pacut mo nalang kaya yang daliri mo?" Suggest niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin "Haha eto naman biro lang." natawa naman siya "Well, balik tayo dun sa regalo na ibibigay mo. Wala ba siyang mga nakahiligan lately?"


"Hmm? Bukod sa pagmemake-up ng mga patay? Wala eh." Bahagya naman natawa si Christy.



"Loko ka talaga. Sige kung singsing na talaga ang gusto mo ibigay...Go." Pagkumbinse pa ni Christy sakin.



Nginitian ko nalang siya.





After ng trabaho ko ay sakto naman na tumawag si Mindy. Napasmile naman ako nang makita ko ang litrato niya na ginamit ko for her contact. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay ganun pa din ang nararamdaman ko para kay Mindy. Hindi nawawala ang excitement at kilig ko sa kanya. Siyempre yung love ko for her ay mas lalo lang lumalim. I think I can't unlove her if ever man na merong ganun hehe. Imposible na mangyari yun.



"Milooooves!" Energetic kong bati sa kanya mula sa kabilang linya. "Kamusta kana?"



Narinig ko naman na medyo natawa siya "Ang saya ata ng mahal ko ah."



"Siyempre tumawag ang happiness ko eh." Sabi ko habang nakangiti.




"Ayee. Anyways, andito na ako sa labas ng building niyo. I'll wait for you na lang here."




"Okay Miloves. Pababa na." After nun ay ibinaba ko na ang phone at dali-daling nagtungo sa labas ng building.



Nang makalabas ay naabutan ko si Mindy na kausap si Gelo. Napairap nalang ako ng aking mata.



"Miloves!" Tawag ko sa kanya sa seryosong tono ng boses.



Sabay naman silang napalingon ni Gelo na nakangiti. Aba!



"Mahal." Tawag niya sabay lapit sakin at saka ako binigyan ng halik sa pisngi. Nakatingin ako kay Gelo. Napaiwas naman siya ng tingin sakin. "Kanina ka pa ba andito?"



Nabaling ang paningin ko kay Mindy saka siya binigyan ng malambing na ngiti "Kararating ko lang Miloves. Uwi na tayo?"



"Sure. Let's go." Napatingin siya sa gawi ni Gelo. "Gelo mauna na kami." Aba! At nagpaalam pa. Yung totoo? Close ba sila?




Nang nasa biyahe kami ay di ko naman maiwasan na tanungin si Mindy about kay Gelo "Close kayo?"



Napatingin siya sa side ko "Nino?"



"Gelo." Tipid kong sagot.



"Hindi ah. Kanina lang nga kami nag-usap."



"Ano pinag-usapan niyo?"



"Wala naman. May naikwento lang siya about sayo." Sagot niya. Napatingin ako sa kanya.




"Ano yun?" Curious kong tanong.





"Kung gaano ka kasipag sa trabaho at kung paano mo daw ako ipagmalaki sa kanila. Bukambibig mo daw ako eh." Napapangiti siya habang nagkukwento.



Napangiti naman ako sa kanya "Well, ganun talaga siguro pagmahal mo talaga ang isang tao."



"Love mo talaga ako no?" Nakangiti pa rin siya.




"Oo naman. Sobra." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya na nakarest sa manibela ng kotse. Napatingin siya sakin ng saglit. Hinalikan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya.




"Sana hindi mawala yang Love mo sakin..." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.




"Miloves, kahit kelan di mawawala ang Love ko para sayo. Imposible yun." Sabi ko pa.




Nginitian lang niya ako. I don't know why pero there's something in her smile. Yung para bang hindi buo yung ngiti na ibinigay niya. Ikinibit ko na lamang yun ng aking balikat. Baka pagod lang siguro siya sa trabaho kaya ganun.








🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now