Dali-dali kong tinignan ang laptop ko at sinuri ang kabuoan ng ginawa n'ya.

Hindi ako makapaniwalang tumigin sa pintong pinaglabasan ni Cassandra.

"H-How? What the fuck?" 'Di pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko.

"She's fucking unbelievable!" Singhal ko sa buong kwarto.

Agad kong niligpit ang pinagkainan namin, palabas ako ng kwarto para itapon ang basura sa kusina nang mapansin kong nasa sala pa din si Dalia.

"It's late, why you're still awake?" Tanong ko sa kaniya pero patuloy pa din s'ya sa ginagawa n'ya.

"I'm doing my presentation for tomorrow, I'm almost done anyway." Ani n'ya habang tutok sa laptop.

"Where's Kevin ?" Tanong ko dito, inis s'yang tumingin sa'kin.

"Dzuh! How am I supposed to know?! I don't have any care about your annoying bestfriend!" Inis na singhal n'ya sa'kin.

"Just shut up." Inis na ani ko, lumabas ako ng bahay at nag-unat unat.

Tumingala ako sa langit at napangiti ako sa magandang tanawin sa taas, naagaw atensyon ko nang may kotseng huminto sa bahay nila Jane.

Mas lalong nanlaki mata ko nang mapagtantong kotse ni Kevin yun.

Agad akong tumago sa puno at sinilip sila, pumasok na ng bahay si Jane habang si Kevin ay pabalik na ng kotse.

Agad akong tumakbo at kumatok sa bintana ng kotse n'ya.

"Zach?! What are you doing here?" Gulat na tanong n'ya sa'kin.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong n'yan sa'yo Kevin?!" Singhal ko sa kaniya pero sinenyasan n'ya akong wag maingay.

"Shut your fucking mouth! Hinatid ko lang ang kapit bahay n'yo." Tinaasan ko s'ya ng kilay na ikinairap n'ya.

"Hinatid? She's a minor bakit na sa labas pa s'ya?" Takang tanong ko.

"A-Ah, I don't know? I just saw her okay? Then give her a ride. Wag mo nga akong pag isipan ng masama!" Singhal n'ya sa'kin, umirap naman ako.

"Whatever, anyway mandidiri ako sa'yo kung papatulan mo yung bwesit na babae na yun!" Inis na ani ko dahil hindi ko nakakasundo si Jane.

"Why? She's nice though." Takang ani n'ya.

"I don't like her! Tch! As if naman na nakakatuwa ang ugali n'ya para s'yang palengkera!" Inis na ani ko, umirap naman s'ya.

"Tsk! Get lost. I'm going." Ani n'ya saka dali-daling pinaandar ang kotse palabas ng village.

Bumalik na ako sa loob at sinilip si Dalia na nakatulog sa sofa.

Kinuha ko ang laptop sa kandungan n'ya at nilapag sa center table, dumiretsyo ako sa kwarto n'ya para kumuha ng blanket.

Pagbaba ay inilagay ko ang blanket sa kabuoan n'ya saka sinuri ang itsura ng kapatid ko.

"Tsk! You literally look like mom. I kinda miss her." Bulong ko sa sarili saka tinungo ang kwarto ko.

Pagdating ay humiga ako at ilang segundong pinagmasdan ang kesame, tumayo ako at walang ano ay hinalungkat ang gamit ko sa study table.

"Ano bang hinahanap ko?" Tanong ko sa sarili ng matauhan.

"Tch!" Bumalik ako sa kama at humiga.

My Girlfriend Is A Mafia BossDär berättelser lever. Upptäck nu