Chapter 23

131 7 0
                                    

KEVIN'S POV

Kasalukuyan akong nasa harap ng bahay nina Zachary at Cassandra pero walang tao dito.

"Nas'an ba tao dito?" Ani ko sa sarili.

"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?!" Ani ng isang boses, nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

Para akong nasa teleserye, bumagal ang paligid ko nang tuluyan kong masilayan ang mukha n'ya, masungit man tignan ay maganda s'ya.

"HOY!!" Sigaw n'ya na ikinabalik ko sa sarili.

"A-Ah, I was looking for Zachary." Ani ko, kumunot naman noo n'ya at parang kinakausap ang sarili.

"Ano mo ba sila ate Clare?" Tanong n'ya, kumunot naman ang noo ko sa pangalan na binanggit n'ya.

Hindi ito pamilyar sa'kin.

"Hindi ko kilala ang tinutukoy mo." Ani ko, kumunot naman noo n'ya at ilang sigundo akong tinitigan.

"Magnanakaw ka no?!" Singhal n'ya na ikinalaki ng mata ko at tinaas ko ang kamay ko saka umiling.

"N-No! You got me a wrong idea!" Ani ko, akmang susugurin n'ya ako nang mapatid s'ya, dali-dali akong lumapit at sinalo s'ya pero sa kasamaang palad ay hindi ko kinaya ang bigat n'ya kaya nawalan ako ng balance.

Ramdam ko ang pagbagsak ko at bigat ng pagkabagsak sa'kin ng babaeng ito, dahan-dahan kong minulat ang mata ko deritsyo s'yang nakatingin sa'kin at gulat na gulat.

Dali-dali s'yang tumayo at umiwas ng tingin, tumayo ako at pinagpagan ang damit ko.

"A-Are you alright miss?" Tanong ko dito pero 'di s'ya umimik bagkos ay iniyukom ang kamao.

"Mi---"

*PAK*

Nagulat ako nang lumapat ang palad n'ya sa mukha ko at dali-dali s'yang tumakbo sa isang bahay na katapat ng bahay nila Zachary.

Napakapit naman ako sa pisnge ko, ramdam ko ang init at hapdi ng sampal n'ya.

Napangisi ako, kasabay ng pagdating ni Dalia na maarte at masamang nakatingin sa'kin.

"What are you looking at asshole?!" Inis na singhal n'ya sa'kin saka deri-deritsyong naglakad papasok sa bahay.

"Where's Zach? Hey! Dalia!" Pagtawag ko dito pero hindi n'ya ako pinansin.

Sinundan ko s'ya, nang marating ang pinto ay muli kong tinanaw ang bahay sa tapat at walang alinlangang napangiti saka deritsyong pumasok sa loob.

"Hindi pumasok si Zchary, nas'an ang kuya mo?" Walang gana n'ya akong tignan.

"Hindi ako hanapan ng nawawalang tao Kevin." Maarteng ani n'ya.

"Well maybe you know something, because he's your brother? And you live together." Ani ko, umirap lang s'ya at mas binigyan ng atensyon ang cellphone.

Hindi makapaniwalang umiling ako saka lumabas ng bahay, nakita kong may lumabas na batang babae sa katapat ng bahay.

Tumakbo s'ya papunta sa gawi ko habang tinatanaw ang bahay, tinignan n'ya ako at sinuri.

"Nand'yan po ba si ate Clare?" Pinantayan ko ito at nginitian.

"Pasensya na hindi ko alam kung sinong Clare ang tinutukoy mo." Ani ko saka s'ya kumunot ang noo.

My Girlfriend Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now