Chapter 17

146 7 0
                                    

CASSANDRA'S POV

Nagising ako sa hindi malamang dahilan, nilinga ko ang paligid at napagtanto kong na sa hospital ako.

Bumangon ako at napansin ko ang dalawa sa gilid, natawa ako sa posisyon nila.

Si Dale ay nakaupo habang nakahilig ang ulo sa sandalan habang si Kevin naman ay nakahiga sa kabuoan ng sofa at ang isang paa n'ya ay nasa balikat ni Dale.

Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang kirot sa tagiliran ko kaya hindi na'ko nagbalak na gumalaw muli, narinig ko naman ang mahinang ungot ni Kevin na ikinagising ni Dale.

"Putangina naman Kevin ! Kaya pala parang umaamoy ako ng durian sa panaginip ko?!" Singhal n'ya kay Kevin na ikinatawa ko ng mahina, tinapon n'ya ang paa ni Kevin paharap dahilan para malaglag si Kevin.

"Ano ba Zachary! Natutulog ang tao lumayas ka nga dito!" Inis na ani ni Kevin.

"Ah gusto mo yan ha!" Ani ni Dale saka akmang hihilahin ang paa ni Kevin ng tumikhim ako na ikinatigil nila.

Natatawa akong tumingin sa kanila habang sila ay natatarantang inaayos ang sarili at nag usap sa tingin.

"G-Gising ka na!" Utal na ani ni Dale.

"Bulag ka ba?! Kita mo na ngang deritsyo ang tingin satin di'ba? Tatanga-tanga talaga kahit kailan!" Masungit na ani ni Kevin na ikinatawa ko ng mahina.

"Sa tagal ng panahon ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganiyan." Natigilan naman ako nang marinig ang sinabi ni Dale.

Umiwas ako ng tingin na parang walang narinig, narinig ko naman ang pag kantyaw ni Kevin kay Dale.

"A-Ang kapatid mo Dale?" Tanong ko dito.

"Nand'on s'ya kila Jane, at mukhang ligtas naman sila doon." Ani n'ya.

"Mabuti, pero mas mabuti kung tatawagan mo para sigurado." Ani ko, agad n'ya namang kinuha ang phone n'ya at lumabas.

"May tanong ako Cassandra." Ani ni Kevin, nilingon ko s'ya at hinihintay ang susunod na sasabihin.

"May gusto ka ba kay Zachary?" Natigilan naman ako sa tanong n'ya, ramdam ko ang pagbilis at paglakas ng kabog ng dibdib ko.

Umiwas ako ng tingin at walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Narinig kong tumawa si Kevin kasabay ng pagpasok ni Dale na nagtataka dahil sa tawa ng kaibigan.

"A-Anong sabi?" Tanong ko dito.

"They're fine, wait what's up with you Kevin?" Takang tanong ni Dale pero umiling lang si Kevin habang nagpipigil ng tawa.

"Tch! Dati ka bang siraulo ha?" Inis na ani ni Dale kay Kevin.

"Whatever!" Natatawang ani pa din ni Kevin saka prenteng umupo sa sofa.

"Did Papa and daddy come over?" Tanong ko dito.

"Yep, they said I should take care of you. Like how the hell I will do that? Mas malakas ka pa sa'kin sumuntok." Hindi makapaniwalang ani n'ya na ikinangisi ko.

"Lampa ka kasi, simpleng suntok lang nanlalambot ka pa." Umiiling na ani ko, sinamaan n'ya naman ako mg tingin.

My Girlfriend Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now