Chapter 24

119 7 0
                                    

ZACHARY'S POV

Alas dose na ng madaling araw heto ako tutok sa thesis na ginagawa ko.

Kumakalam na ang tyan ko pero hindi ko ito pinansin bagkos ay nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Bwesit! Bwesit!" Inis na ani ko nang mapagtanto kong mali ang natatype ko sa laptop ko.

*TOK*TOK*TOK*

Hindi ko pinansin ang kumatok bagkos ay pinagpatuloy ang ginagawa.

"Dale?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cassandra, tumayo ako at pinagbuksan s'ya ng pinto.

Gulat ako nang may dala s'yang dalawang box ng pizza at softdrinks, deritsyo s'yang pumasok saka nilapag ang dala sa sahig.

Sinara ko ang pinto at lumapit sa kaniya na nagtataka.

"Kaya mong matapos yan bago ang kinabukasan, kumain ka muna." Ani n'ya na ikinatigil ko.

Umupo s'ya sa sahig at sumunod na rin ako, binuksan n'ya ang box ng pizza at kumuha ng slice at kinain yun.

Tinitignan ko lang s'ya na ikinataka n'ya, sumenyas s'yang kumain na ako kaya kumuha ako.

"Hindi mo na dapat ginawa 'to, hindi naman ako gutom eh." Ani ko kasabay ng pagtunog ng tyan ko.

Tinaasan n'ya ako ng kilay na ikinaiwas ko.

"Kumain ka at tutulungan kita sa thesis mo." Ani n'ya.

"K-Kaya ko naman e." Ani ko.

"Tsk. Mas madaling matatapos kung may katulong ka, kaya wag ka na mag inarte." Ani n'ya saka umupo sa study table ko.

"You're messing up your work." Ani n'ya na ikinatayo ko.

"What?! What do you mean? I did it right!" Singhal ko sa kaniya, tinaasan n'ya lang ako ng kilay at tinuro ang sinasabi n'yang mali.

"H-How?" Tanong ko ng mapagtantong mali nga ang gawa ko.

Umiling s'ya saka tinipa ang keyboard, pinanuod ko lang s'ya at masasabi kong magaling nga s'ya sa bagay na ito.

Kahit hindi n'ya kurso ang ginagawa ay nakukuha n'ya ng tama.

"T-Teka! P-Pano mong nagagawa yan na parang gumagawa ka lang ng essay?" Takang tanong ko sa kaniya.

"I graduated from different courses." Ani n'ya na ikinalaglag ng panga ko.

"How the hell you did that?" 'Di makapaniwalang tanong ko, ngumisi lang s'ya saka tinuloy ang ginagawa.

"Kumain ka na muna d'yan, ako na tatapos nito. Sigurado naman akong maiintindihan mo ito." Ani n'ya saka tinutok ang atensyon sa laptop.

Hindi ako makapaniwalang sumubo ng pizza at uminom ng coke.

Hindi ko na napigilan sarili ko, kumain ako ng kumain habang pinapanuod s'ya.

Maya-maya pa ay natapos na s'ya sa pagtipa at humarap sa'kin, tinignan n'ya ang dalawang kahon na ngayon ay wala ng laman.

"Yan ba ang hindi gutom?" Tanong n'ya sa'kin, saka sinubo ko ulit ang last sliced ng pizza.

"Tapos na 'tong thesis mo, p'wede mo ng aralin at nang makatulog ka ng maaga." Ani n'ya saka deri-deritsyong lumabas ng kwarto.

My Girlfriend Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now