Chapter 10

180 10 0
                                    

ZACHARY'S POV

Kasalukuyan akong nasa condo ni Kevin, umalis si Cassandra at nagpahatid ako dito.

Ipinaliwanag ko sa kan'ya lahat ng nangyari and as usual gulat s'ya at nagtanong tanong pa.

"You mean yung lolo n'ya? Gustong pakasalanan mo si Tania?" Tanong n'ya napairap naman ako ng banggitin n'ya ang Tania.

"It's Cassandra Clare Morgan. Stop calling her Tania, it's not her name." Tinignan n'ya naman ako ng nakakaloko saka ngumisi.

"Type mo yang Cassandra na yan no?" Tanong n'ya, inambaan ko naman s'ya na ikinatawa n'ya.

"Hindi s'ya basta basta Kev, nakakatakot at makatindig balahibo." Ani ko tinignan n'ya naman ako na parang hindi makapaniwala.

"Psh! In love ka lang natatakot ka na? Kabaklaan mo kamo!" Natatawang ani n'ya na ikinainis ko.

"Anak ng talong ka ah! Edi wag kang maniwala mukha kang pwet tangina mo!" Singhal ko sa kan'ya, tumawa naman s'ya ng tumawa.

Tumayo ako at kumuha ng beer sa ref n'ya.

"Zach! Pag may nangyaring masama sa'yo, akin na lang si Cassandra ha?" Nabuga ko ang beer na ininom ko saka binato sa kan'ya ang lata ng beer.

"Alam mo itikom mo na lang bibig mo p'wede? Para kang ano ng manok putak ka ng putak!" Singhal ko sa kan'ya at tumawa naman s'ya.

"Ano? Sige anong ano ng manok? Sabihin mo!" Natatawang ani n'ya, napailing na lang ako.

"SHUT UP KEV!" Inis na singhal ko sa kan'ya.

"Paano kung mapahamak ka sa pagpasok mo sa buhay nila? Alam mong hindi ako makakapayag d'yan Zachary." Seryosong ani n'ya, napabugtong hininga naman ako.

"Kev, nandito na ako aatras pa ba ako?" Lumapit naman sya at binatukan ako.

"Kahit kailan talaga Zachary Dale ang tanga mo! Hindi ko tuloy maisip kung bakit naging bestfriend kita." Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

"Kahit ako ay hindi ko maisip kung bakit naging kaibigan kitang gung-gong ka." Binatukan n'ya naman ako at gumanti ako.

"Tangina! ang bigat ng kamay mong depunggal ka!" Singhal n'ya sa'kin na ikinatawa ko.

Sa kalagitaan ng asaran namin ni Kevin ay nag ring ang phone ko.

'Dalia?'

Agad akong nagpaalam kay Kev para sagutin ang tawag.

"Dalia? Is there a problem?" Bungad ko.

"Si Dalia yan? Dalia! Dalia! I miss you!" Ani ni Kev habang inaagaw ang phone.

"Kev! Ano ba! Mamaya ko na s'ya ipapakausap sa'yo!" Asik ko, bumugtong hininga naman s'ya.

"Kuya..." Sa tono ng boses n'ya ay parang may mali.

"Ano yun? Sabihin mo na!" Pagmamadali ko sa kan'ya.

My Girlfriend Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now