Chapter 7

212 12 0
                                    

ZACHARY'S POV

I was stunned, tinignan ko si Cassandra at gan'on din s'ya.

Napasabunot ako sa buhok at sinamapal-sampal ang mukha ko nagbabakasakaling hindi ito totoo.

"Fuck that!" Malakas na singhal ni Cassandra.

"What the fuck is wrong with you people?! Arrrrggghhhh!" Sigaw n'ya.

'Jeez! Ayaw mo bang makapangasawa ng g'wapong tulad ko tch!'

"Maybe you can change their mind." Ani ko, tinignan n'ya naman ako ng masama na para bang kasalanan ko lahat.

"Hoy babae! Wag mo akong titignan na para bang kasalanan ko lahat! Kung hindi mo'ko hinila dito edi sana walang gan'yan!" Singhal ko sa kan'ya at inirapan n'ya naman ako.

"Stupid " Ani n'ya saka umakyat papasok sa kwarto n'ya.

"Tch! Sungit!" Ani ko sa kawalan dahil sa inis.

Tumayo ako at lumabas, napapaligiran ng mga tauhan ang lugar na ito malabong makakatakas ako.

"Kuya? May garden ba kayo dito?" Tanong ko sa lalaking deritsyong nakatayo at may hawak na mahabang baril.

Hindi sa umimik na kinainis ko.

"Hoy! Bawal ba mag tanong? Snob ka? Tch akala mo g'wapo pangit naman!" Ani ko saka umalis para hanapin ang garden nila.

Sa kabila ng paghahanap ko ay napadpad ako sa isang parang gubat kung saan ang malalaking puno ay pantay-pantay at parang nilulumot na.

Napansin kong may maliit na sapa dito kaya tinignan ko ng malapitan.

"May ahas kaya dito?" Tanong ko sa sarili.

"Ang ganda ng lugar na ito ah? P'wedeng gawing park. " Ani ko pa sa kawalan.

"You look stupid." Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses, at ayun si Cassandra nakatayo at walang emosyong nakatingin sa'kin.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito at inirapan lang ako.

"Well, should I be the one who's asking that?" Pagbalik n'ya ng tanong.

"Tch! Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong?" Bulong ko sa sarili.

"Ano kamo? May sinasabi ka Mr. Lopez?" Tanong n'ya.

"Wala! Tabi nga! "Hinawi ko s'ya para makadaan, pero laking gulat ko nang hawakan n'ya ang pulsuhan ko at inikot iyon para dumikit sa likod ko.

"A-Aahh! Bitawan mo'ko putchaaaaa!!!!" Sigaw ko.

"Sinong nagsabi sa'yo p'wede mo akong hawiin na parang kurtina lang?" Inis na singhal n'ya sa'kin, halos maluha naman ako dahil masakit na.

"W-Wala! Aray! Bitawan mo'ko! Araaaaayyyyyy!" Sigaw ko pa, saka n'ya ako binitawan.

"Ano ba! Babaliin mo ba buto ko?" Inis na singhal ko sa kan'ya.

"P'wede naman kung gusto mo" nilagpasan n'ya ako nang hindi man lang nag sosorry.

Walang modo!

"Tch! Nagmumuni-muni ako nanggugulo ka? Bakit 'di ka na lang mag bigti ng may magawa ka?" Inis kong singhal sa kan'ya, nilingon n'ya ako ngumisi s'ya saka pinakyuhan ako at derideritsyong naglakad.

My Girlfriend Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now