Chapter 20

130 6 0
                                    

ZACHARY'S POV

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Inis na ani ni Cassandra.

"Saan ka ba pupunta?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Aalis ako, pupunta ako sa Mansion. P'wede ba? Nagmamadali ako!" Inis na ani n'ya.

"Sama ako." Ani ko saka nilagay ang seatbelt.

Inis n'ya akong tinignan saka pinaandar ang kotse, maya-maya ay narating na namin ang Mansion.

Maraming sasakyan ang tumambad sa'min tila parang gusto kong umurong, bumaba na s'ya at deritsyong tinungo ang papasok ng Mansion, dali-dali akong bumaba at hinabol s'ya.

"Cassandra! Hintayin mo ako ano ba?" Inis na ani ko sa kaniya, huminto s'ya at pairap na tumingin sa'kin.

Nang magpantay ay tumambad sa'min ang sari-saring uri ng mga tao.

Naagaw namin ang atensyon nila dahilan para mangatal ang mga tuhod ko.

Sumunod ako sa likod n'ya hanggang sa marating namin ang table nina Don Lucio.

"Clare, I'm glad you came. Oh you bring Dale?" Ani ni Don Lucio, I awkwardly smiled at him.

"G-Good evening Don Lucio." Ani ko dito saka tumango, ngumiti s'ya at tumango.

"Diego, can you lead Dale to Cassandra's room?" Ani nito sa tauhan, napatango na lang ito at tumabi sa'kin.

Tumingin ako kay Cassandra tumango s'ya kaya sumunod na ako.

Nang marating ang kwarto at nakabantay lang si Diego sa pinto, kumatok ako at binuksan n'ya naman.

"Anong meron sa baba?" Tanong ko dito, malamig n'ya lang ako tinignan.

"Hindi ka na dapat sumama, marahil ay alam mo kung anong klaseng pamilya sina Ms. Cassandra hindi ba?" Ani nito, napalunok naman ako.

Tinungo ko ang higaan ni Cassandra napakalambot nito, parang isang buong bahay ang kwarto ni Cassandra.

Tinungo ko ang isang pinto sa kanan at tumambad sa'kin ang magagarang damit, pumasok ako dito at isa itong kwarto na puno ng suit, booths, at kung ano-ano pang gamit.

Lumabas ako at tinungo ang gitnang kwarto, namangha ako nang makita ang sandamakmak na iba't ibang klase ng armas, baril, kutsilyo at kung ano-ano pa.

Pumasok ako dito at hindi makapaniwalang nilibot ng mata ko ang buong kwarto, lahat ng mga armas ay nasa loob ng makapal na glass.

Lumabas ako at tinungo ang pang huling kwarto sa gawing ito, tumambad sa'kin ang computer, mga papel at kung ano-ano pang bagay.

"Office?" Tanong ko sa sarili.

Lumapit ako sa desk at nakabukas ang screen ng computer, wala akong naiintindihan sa mga nakikita ko kaya tumayo ako at sa 'di inaasahan ay nawalan ako ng balanse dahilan para mapakapit ako sa statue sa gilid ng desk.

Nagulanta ako nang bumukas ang cabinet sa likod ko, tinignan ko ito at pinasok.

Hindi katulad ng office kanina madilim ito, tumambad sa'kin ang malaking bulletin na puro litrato ng mga taong hindi ko kilala.

Ang iba ay may mga guhit na ekis, agaw pansin ang litrato ng isang lalaki na may nakatarak na kutsilyo.

Tinanggal ko ang kutsilyo at nakilala ko ang lalaking nasa litrato.

My Girlfriend Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now