It's tiring to diet. Gusto kong kainin kung ano man yung gusto kong kainin, nung bata ako wala akong alam about sa kung ano yung tama o mali.

Gusto ko lang pumayat, maging maganda, but I realized that I'm already pretty, I'm already enough.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa, they are now just across our classroom this time.

Transferee? Kung transferee bakit kailangan niyang maging close kay Alexander?

Ang lapit nila, tawa pa sila.

Ano bang nakakatawa? How is she able to make him smile and laugh like that? It's driving me crazy, mad, upset... baliw na 'ko.

Gusto ko lang si Alexander, gusto nga lang.

"I..." huminga ako nang malalim, masyado akong galit, naiinis, at naiirita.

"I need to go borrow some books... from our school library..." nakatayo kong sabi at tinapon ang plastic ng fudgee barr sa basurahan.

"Libro? E 'di ba kakabili mo lang nang libro sa National bookstore?"

"I know and it's not enough." I told her.

Dinala ko yung wallet ko kung nasaan yung library card ko at pambayad nang baon ko kung bibili man ako mamaya sa canteen. I don't think I would like to eat lunch, I'm too tired and I just ate a fudgee barr.

Ang nasa isip ko lang ay makapagbasa bago mag-ring yung bell tapos klase na ulet. Kailangan kong mag-isip at i-distract ang sarili ko.

I avoided Alexander since he seems to be busy with that girl with him.

Tinali ko yung buhok ko nang mahigpit habang nakatitig sa'kin yung mga ibig estudyante sa bawat tapak ko pababa at papunta sa school library.

Since that day, I was not able to think clearly. And hindi lang nakakatulong na ngayon pasukan at nakikita ko nanaman siya, yun nga lang iba na ang seksyon na'ming dalawa.

Same grade but different sections, of course nakikita pa rin na'min ang isa't-isa sa canteen. Magkasama kaming kumakain sa canteen kasama sina Jaxon, Yael, Ryland, at Silas.

But of course, pag gustong kumain ni Genevieve, kumakain kaming dalawa lang sa canteen o sa likod ng library.

Genevieve nowadays doesn't feel like eating for some reason and I'm a bit worried.

"Bridgerton." basa ko sa title ng libro.

Natapos ko na yung mga libro ng Bridgerton, it's really good. I'm wondering kung meron silang mga libro na sinulat ni Jane Austen, I've heard so many good things about her books. I do want to watch the movies based on her books pero feeling ko mas maganda kung babasahin ko muna yung libro niya.

"It Ends With Us...huh." I smiled.

It's a novel written by Colleen Hoover. Marami akong narinig na maganda raw 'tong librong 'to, narinig ko rin na marami ring umiyak sa storya. Mas lalo lang lumaki ang ngiti ko, now I'm excited to read something like this.

I finished The Seven Husbands of Evelyn Hugo yesterday, it's a good story and I genuinely love Evelyn Hugo, how I wish I could be just like her.

I borrowed four books: It Ends With Us, Kingdom of the Wicked, Love Hypothesis, and We Were Liars.

Excited na 'kong basahin sila mamayang gabi, o baka babasahin ko na lang mamaya sa PE since wala pa rin naman kaming ginagawa sa PE kung hindi puro lesson lang tungkol sa ibang mga sports.

American Boy ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora