Napailing si Zia sa akin. Itinuro niya ang gagawin ko. Ginawan niya na lang din ako ng talking points dahil hindi talaga ako marunong mag-ad lib kapag nagpe-present sa klase.

Umuwi na rin si Zia pagkatapos namin gumawa. Nilibre ko na lang siya ng banana cue kasi paborito naming dalawa 'yon. At least may ambag ako sa paggawa ng presentation namin.

Kinahapunan ay nanakbo ako sa dalampasigan sa kahahabol kay Gaston. Ang hilig niyang pumunta roon at makipaghalikan sa buhanginan. Minsan tuma-tumbling pa siya. Hindi ko talaga minsan maintindihan ang trip ng asong 'to. Malapit kasi sa dalampasigan ang bahay namin.

"Gaston! Halika na, umuwi na tayo!" tawag ko sa kanya. Pero ang loko-lokong alaga ko ay dinilaan lang ako sa paa tapos nanakbo ulit na parang gustong makipaglaro.

"Gaston, kapag ako nainis sa 'yo, iiwan na talaga kita! Tutal iniwan na rin naman ako ng kapangalan mong barako!" Napasimangot ako. Kinahol niya lang ako na animo'y tinatawanan niya ako.

Mapang-asar din 'tong aso na 'to. Papalitan ko na lang kaya ang pangalan niya?

"So, Kuya Gaston is now a puppy?"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may nagsalita sa aking likod. Baritono iyon at parang Amerikano ang accent. Paglingon ko ay napasinghap ako nang makilala ang may-ari ng boses.

"Timothy! Ikaw na ba 'yan?!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Tumawa lang siya saka nagkibit ng balikat. Nakasuot siya ng navy blue na denim jeans na pinaresan niya ng polo na nakatupi hanggang sa siko. May suot siyang aviators. Maaraw pa kasi kaya masilaw.

Kumurap pa ako nang ilang beses para kumpirmahin kung nananaginip lang ba ako pero totoo talaga siya. "Hala! Hindi ka na payatot!"

Napasimangot siya. "What the hell? Hindi ka pa rin naka-get over sa tawag mong 'yan sa 'kin?" reklamo niya. In fairness, hindi naman siya naging bulol sa pananagalog.

Namangha ako. Lalo siyang tumangkad tapos may muscle na rin siya. Lumapad ang dibdib niya at nagkaroon na rin siya ng kaunting bigote. Bagay sa kanya.

"May abs ka na rin ba?" tanong ko habang nilalapitan siya.

Nangunot siya. "Ano'ng klaseng tanong 'yan? Seriously, Divine? It's been three years pero flat chested ka pa rin!" pang-aasar niya sabay hagod sa akin ng tingin.

Napatigil ako sa paglalakad palapit sa kanya. Mga dalawang dipa na lang siguro ang distansya ko mula sa kanyang kinatatayuan. "Aba't tarantado 'to! Ang yabang mo, ah!" singhal ko.

Humalakhak siya. "I'm just stating the fact. You didn't change a bit. Tumangkad ka lang nang kaunti. Humaba lang ang buhok mo pero gano'n ka pa rin. Kulang na lang pintura para maging tunay ka nang pader."

Hinampas ko siya pero mabilis siyang nakailag. "Bwisit ka talaga!"

Napansin yata ni Gaston na may kaaway ako kaya nanakbo siya papalapit saka kinahol si Timothy. Bigla siyang napatigil. "Nangangagat ba 'yan?" Umatras siya nang isang hakbang.

Kahit nakasuot siya ng aviators ay halatang natakot siya kaya natawa ako. "Seriously? Takot ka sa puppy? Wala ka pala, eh! Aso pa nga lang 'to, ano pa kaya kung itak na ni Tito Rosendo ang hahabol sa 'yo? Payatot ka pa rin talaga!"

"Seriously, na-miss kita," biglang sabi niya. Sumeryoso ang mukha. Binuhat ko si Gaston kaya tumahimik ito.

"Na-miss din kita, Payatot. Kailan pa kayo nakauwi? Nagulat ako." Kinurot ko pa siya sa pisngi para siguruhing totoo talaga siya pero agad niyang pinalis ang kamay ko.

"That hurts!" reklamo niya.

"Naninigurado lang na totoo ka. Ano na? Kailan nga kayo umuwi? Nasaan na pasalubong ko?"

"Just last week. Your gifts are at the car." Inginuso niya ang pulang kotse sa hindi kalayuan.

"Last week pa? Bakit wala man lang nabanggit sa amin si Tiyang Sol? Madaya!" bulalas ko.

Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-sink in na sa akin na nakabalik na nga si Timothy. Ibig sabihin ay nakabalik na rin ang kuya niya!

"We're kinda busy last week. Kaya hindi agad ako nakapunta rito. Glad, natunton ko ang bahay ninyo," aniya. Hinubad niya ang aviators niya saka sinabit sa collar ng polo niya.

Pero pansin ko na parang may nag-iba sa kanya. Parang malungkot ang mga mata niya. Hindi na siya katulad ng dati. Nakangiti nga siya pero parang hindi umaabot sa mga mata niya. O, baka namamalikmata lang ako. Baka pagod lang siya sa biyahe.

Nagpalinga-linga ako sakaling may makita akong ibang pigura na kasama niya pero wala.

"Kuya's not with me. Nasa Manila pa siya," sabi niya. Nahulaan niya yata ang nasa isip ko. Bigla akong nalungkot. Mahilig talagang magpa-special at mysterious effect si Puppy. Akala niya naman nakakatuwa siya.

"Hindi ko naman siya hinahanap," mariing tanggi ko.

Nginisihan ako ni Timothy sabay taas ng isa niyang kilay. "It's not that obvious though."

Napatakip ako ng bibig saka pinanlakihan siya ng mga mata. "Hindi nga! Hindi ko naman na crush ang kuya mo. Naka-move on na ako, 'no. May iba na akong crush."

"Oh, really? That's why you named your puppy after him?" tudyo niya pa ulit sabay namulsa siya. Umismid ako.

"Lahat nagbabago, 'no. Si Zia nga may boyfriend na, eh."

"What?!" Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang kanyang mga balikat. Halos mautot ako sa kapipigil ng tawa.

"You're pranking me, aren't you?" nakasimangot niyang tanong. Hindi ko na napigilan kaya natawa ako nang malakas. Paano kasi mukha siyang nalugi. Dinuro-duro ko pa ang mukha niya.

"Tss. Where's Zia Lynn's house?" pagkuwa'y tanong niya.

Inilahad ko ang palad ko sa kanya. Kinunutan niya ako at nagtatanong ang mga matang tiningnan ako.

"What's that for?"

Inikutan ko siya ng mga mata. "E 'di ten thousand para ibigay ko ang address ng bahay ni Zia."

Napaawang siya. Pasalamat nga siya hindi nagtaas ang talent fee ko, e.

©GREATFAIRY

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon