"Oh? Anyare sa 'yo? Bakit mukha kang sasabak sa digmaan?" basag trip ni Zia. Napaayos tuloy ako ng upo.

"Bakit? Magulo ba buhok ko? Pangit ba ako?" tarantang tanong ko.

"Hindi, Bes. Maganda ka nga, eh. Kaya lang para kang may pinapatay sa isip mo. Kulang na lang bigyan kita ng itak. Ano ba'ng iniisip mo?"

Lumabi ako. "Wala, ah. Iniisip ko lang kung kailan mo sasagutin si Patrick. Dead na dead 'yon sa 'yo, eh."

Sumimangot si Zia. "Sira! Wala pa sa isip ko 'yon, 'no. Isa pa, bawal pa akong mag-boyfriend."

Pinanlakihan ko siya. "Weh? Paano kung may manliligaw sa 'yo na mukhang artista tapos mayaman pa? Tapos mahal na mahal ka, hindi mo sasagutin?"

Napatigil siya at saglit na nag-isip. "Alam mo, nasobrahan ka na sa kakapanood ng telenobela, Divina. Malayong mangyari 'yon, 'no. At saka hindi ko naman bet mag-boyfriend ng mayamang lalaki. Baka ipagpalit lang ako no'n sa iba. Isa pa, mostly ng mga mayayaman na lalaki ay napapaligiran ng mga magaganda at mayayaman din na mga babae. Kaya kung magbo-boyfriend ako, 'yong simpleng lalaki lang, masipag, responsable, at siyempre mahal ako."

Napangiwi ako. Patay. Wala na talagang pag-asa si Payatot. Mukhang may magpapabura ng tattoo sa dibdib. Sinasabi ko na nga bang hindi magandang ideya 'yon.

"Alam ko na kung ano'ng ideal man mo, Bes."

"Ano?"

"E 'di driver."

Binato ako ni Zia Lynn ng notebook. Buti na lang nasalag ko. Napatigil ako nang marinig kong kumakahol 'yong puppy ko. Mukhang hinahanap ako.

"Gaston! Come here, Baby!" tawag ko sa kanya.

Kumawag ang buntot niya at saka pumasok sa kubo. Binuhat ko siya at saka pinaghahalik-halikan. Maamoy na siya kahit kapapaligo ko pa lang sa kanya kanina.

"Saan ka na naman nagsuot, ha?" kausap ko sa kanya.

Nakita kong umiling-iling si Zia. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maintindihan na sa dinami-dami ng pangalan, Gaston pa talaga ng naisip mong ipangalan diyan sa alaga mo," sabi niya.

Napangiwi ako. "Eh, ano namang mali sa Gaston? Maganda naman, ah."

Niyakap ko si Gaston. Nakita ko lang siya noong nakaraang buwan na pagala-gala sa gilid ng kalsada. Asong kalye, ang dungis pa nga niya no'n at sobrang payat. Akala ko nga mamamatay na siya. Mukhang walang may-ari kaya kinuha ko at inuwi. Tapos pinangalanan ko siyang Gaston.

"Eh, sa liit-liit niyan at sa sobrang cute niyan pero ang pangalan pangbarako," bulalas niya.

"Talaga? Pang-barako ang Gaston?"

Napangisi ako. Kinunutan ako ni Zia. Na parang sinasabi niyang ang weird ko.

Barako naman talaga si Puppy Gaston. Kumusta na kaya siya? Kailan kaya siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss ko na siya. Wala rin kasi akong communication sa kanila. Tiyak na lalo siyang gumuwapo.

Nalaglag ang mga balikat ko nang maalalang may girlfriend pala 'yon sa Amerika. Bakit pa ba ako umaasa na babalik pa sila? Magsama silang dalawa ng dyowa niyang kana. As if naman hindi ako mabubuhay nang wala siya.

May cellphone nga ako pero hindi ko naman alam ang numero nila. Ibinili rin kasi ako ni Tiyang Sol nito, 'yong may keypad na maingay kapag pinipindot. Nahihiya naman akong magtanong kay Tiyang tungkol sa kanila kasi baka magsuspetsa siya.

"Tapos na ako, ito ang topic mo," sabi ni Zia saka iniharap sa akin ang laptop.

Tumalon si Gaston mula sa kamay ko. Kumakawag-kawag ang buntot niya habang nananakbo palabas. "Gaston, 'wag kang lalayo!" sigaw ko.

Against the WindWhere stories live. Discover now