Prologue

121 3 0
                                    

WHO'S MI? Prologue

"Saan mo gustong magpakasal?"

Nag angat ng tingin si Mina sa nobyong si Chaeyoung. Nakahiga siya sa hita nito at binasag ang katahimikan sa pamamagitan ng tanong na iyon.

Mina: Pakakasalan mo ako?

Chae: Oo naman! Mula nang sagutin mo ako, sinigurado ko nang ikaw ang babaeng pakakasalan ko.

Mina: Sweet naman ng boyfriend ko! pakiss nga!

Chae: Wow, ang lakas ng loob ah?

Mina: Syempre wala si papa e.

Mina pouted her lips as if reaching for his lips. Chaeyoung then bow down to put his lips against her. It was a quick kiss, they're still anxious even if there's no one around.

Legal naman sila sa both sides pero naiilang sila kapag may kasama sila dahil nacocornyhan ang mga ito sa kanilang dalawa. At tsaka baka kurutin ang mga singit nila kapag nakita silang naghahalikan sa pampublikong lugar. Nasa balkonahe kasi sila dahil bawal silang pumasok sa bahay ng sila lang dalawa. Ganoon kaistrikto ang tatay ni Mina kapag wala ito sa bahay at walang magbabantay sa dalawa.

Mina: Kung magpapakasal tayo, gusto ko sa pinakamatandang simbahan!

Chae: Saan naman yon?

Bumangon si Mina at halatang naexcite sa usapan. One of her favorite topics is about their "future".

Mina: Alam mo, nagresearch na ako about dyan. The oldest church is the San Agustin Church sa Intramuros! First Roman catholic church at oldest stone church sa bansa!

Natawa si Chaeyoung sa pagliwanag ng mukha ni Mina. Halata ang saya sa mata at boses nito. Natutuwa naman si Chaeyoung dahil kahit gaano na sila katagal ay hindi pa rin nagbabago si Mina. Excited pa rin siya makita, makasama at makausap. Na kahit mag aanim na taon na sila ay ganoon pa rin siya, mahal na mahal siya at wala ng iba.

Mina: Tapos ang dream wedding dress ko ay lace sleeves siya tapos trumpet style.

Chae: Anong trumpet style?

Tumayo si Mina at humarap kay Chaeng.

Mina: Ganito yon. Yung fit mula sa upper body ko hanggang sa tuhod tapos pabuka na siya.

Ipinadausdos ni Mina ang dalawang kamay sa katawan niya hanggang tuhod upang ilarawan ang gusto niyang style ng gown na pinapangarap niya.

Mina: Ganoon, para kahit papaano ay malaya pa rin akong makapaglakad kapag nasa aisle na ako.

Chaeng smiled. He literally imagined her walking down the aisle, wearing that kind of gown and the wide smile. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa naisip. Parang gusto na niya agad pakasalan si Mina.

Mina: In 5 years, siguro kasal na tayo ne?

Chae: Hmm, 25 years old na tayo non, gusto mo na ba agad?

Mina: oo naman! Gusto ko na nga ngayon kaso baka palayasin ako agad sa bahay nito.

Chae: Loko, kailangan muna natin grumaduate. Diba nga, yun ang kondisyon ni Tito sa atin?

Mina: Oo nga e, pangarap daw ni mama na makatapos kami e ni hindi ko nga kilala si mama.

Chae: Kahit hindi mo kailanman nakilala ang mama mo, paniguradong may pangarap siya para sayo. Tingnan mo ngayon, palagi sinasabi ni tito na gusto ng mama mo grumaduate ka. Basta grumaduate muna tayo saka natin pag usapan ang kasal.

Mina: excited na akong makasal sayo. Kahit maging full time housewife lang ako basta ikaw ang aking asawa, okay na okay sa akin! At kahit pa hindi ko maapply ang pinag aralan ko!

Chae: Loko, gusto ko rin namang matupad mo ang pangarap mong maging fashion designer.

Niyakap ni Chaeng si Mina. Punong puno sila ng pagmamahal, siguro nga ay ganoon kapag nasa 20's palang.

Mina: Basta i-promise mo sa akin na sa akin ka lang magpapakasal.

Tumingin si Chaeyoung sa kanya at hinalikan ang ilong.

Chae: Promise.

~

Naalala pa rin ni Mina ang pangakong iyon. Na siya lang ang pakakasalan pero limang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin sila nagpapakasal.

Bakit?

Dahil may nangyari. May nangyari bago pa sila grumaduate.

Ano kaya ang nangyaring iyon? Bakit hindi sila nagpakasal kahit limang taon na ang lumipas? 

Who's MI?Where stories live. Discover now