Napangiti ako "Mahal ko? I love that one." Napangiti na din siya sabay halik sakin. Nasa kalagitnaan kami ng paghahalikan ng biglang bumukas ang pintoan.



"Ate- oh my gosh!" Agad napatalikod si Brent. "Wala po akong nakita."



Umalis na sa ibabaw ko si Mindy saka naupo sa gilid ko. I propped up my elbow "Brent alam mo naman ang purpose ng pinto diba?"


"Y-yes Ate. Sorry talaga. Kakatok na ako sa susunod." Sabi ni Brent habang nakatalikod pa rin samin.






Napabuntong ako ng aking hininga "Anong ginagawa mo dito?"




"Magdidinner na tayo sa labas." Sabi ni Brent.




"Okay. Sunod kami." At agad din naman umalis si Brent.




Pabagsak akong humiga ulit.




"C'mon! Get up. I'm hungry na." Sabi ni Mindy.




Naalala ko naman ang tinawag niya sakin kanina na Mahal ko. Ayeee.



"I will get up pero in one condition."



"Okay. What's that condition miloves." She playfully asked kaya naman natawa ako ng bahagya.




"Can you please say that to me again? Mahal ko?"




She smiled saka niya nilapit ang bibig niya sa bibig ko sabay bigay sakin ng isang matamis na halik. "I love you, Mahal ko." Mas lalong lumawak ang ngiti ko "Now, get up na kasi nagugutom na talaga ako." Tinulungan niya akong bumangon and lumabas na agad kami ng kwarto kasi nagugutom na talaga siya at ayokong magutom siya kasi mahirap na baka mabeast mode hahaha.




Nasa isang resto kami dito sa batangas. Ang sarap ng pagkain nila actually. Napadami nga kami ng kain lalo na si Mindy haha. Antakaw talaga.



Umorder pa si papa ng beer para sa aming tatlo ni Mindy.



"Asan yung akin pa?" Tanong ni Brent.


"Gusto mo makatikim sa mama mo?" Wala kasi si mama nag-CR saglit.



"Eh, nasa tamang edad naman na ako eh." Sabay kamot ni Brent sa ulo niya.


"Wag na. Saka ka na uminom pag wala ang mama mo." Sabi ni papa.



"Wala naman si mama ah." Napanguso na lang si papa sa paparating na si mama.



Natawa na lang kami sa kanila.


Pagkatapos namin kumain at uminom ng konti ay nagpaalam kami kina papa na maglalakad-lakad kami ni Mindy. Pinayagan naman nila kami. Wag lang daw kami masyadong lumayo.



Malapit lang naman yung Inn na stinestayan namin sa resto kaya kahit wag na kaming hintayin nila Papa ay okay lang. Alam naman namin pabalik sa Inn. For now, miloves time muna hehe.




Nakaakbay ako sa kanya habang naglalakad tapos nakapamulsa pa ang isang kamay ko sa hoodie na suot ko. Matchy kami actually. Nakahawak naman ang isa niyang kamay sa kamay ko na nakaakbay sa kanya.




"Mahal, look oh." Napaturo siya sa nagbebenta ng sweet corn. Napangiti ako sa kanya kasi naalala ko yung time na hindi pa kami. Palagi niya akong dinadala nun sa nagbebenta ng sweet corn para kumain kasi daw favorite ko yun haha.



Dinala niya ako malapit sa nagbebenta ng sweet corn saka bumili. Naghintay kami ng ilang segundo bago ibinigay samin ang binili namin. Isa lang ang binili niya kasi ganun siya pag kumakain kami ng sweet corn. Gusto niya share lang kami.




Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon