Natawa siya sa sinabi ko sabay hampas sa braso ko. "Kaya ayaw ko kayong mag-usap ni mama eh kasi kung ano-ano pinagsasabi niyong dalawa." Natawa na din ako sa sinabi niya. Tama naman kasi siya. Actually, kakampi ko si tita sa pang-aasar kay Mindy. Ewan, yun siguro yung isa sa mga love language naming dalawa pagdating sa kanya. I was about to give her a kiss again nang may tumikhim. Sabay kaming napatingin sa taong yun kasunod nun ang bahagyang paglayo ni Mindy sakin.




"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ni mama nang makita si Mindy. Ngayon kasi ang araw na pupunta kami ng batangas at mag-oovernight dun.




"Hello po tita." Bati ni Mindy kay mama. Hinawakan ko ang kamay niya.




"Ma, ako ang nagyaya sa kanya na sumama sa atin ngayon." Sabat ni papa na nakasunod kay mama palabas ng bahay.




"Good morning po, tito." Bati din ni Mindy kay papa. Nginitian lang niya si Mindy sabay tango ng kanyang ulo.





"At bakit mo naman siya niyaya sa family outing natin?" Si mama.




"Wala namang masama dun." sabi pa ni papa.




"Hindi siya membro ng pamilyang to." Direktang sabi ni mama. "Kaya nga family outing kasi para sa pamilya."




"Ma, wag nga kayong ganyan." Suway ko sa kanya. Nakakasakit siya ng damdamin eh. "Girlfriend ko si Mindy so ibig sabihin parte siya ng pamilyang to."



Naramdaman ko naman ang marahang pagpisil ni Mindy sa kamay ko.



"Exactly. Girlfriend mo pa lang." ayaw paawat ni mama.



"O. Kalma lang kayo. Hindi tayo mag-oouting para mag-away." Saad ni papa.




"Si mama kasi...kahit ngayon man lang sana maging okay ka po kay Mindy." Tama naman kasi si papa. Mag-oouting kami hindi para mag-away kundi para mag-enjoy kaya sana man lang iset aside niya yung pagkaayaw niya sa miloves ko.





"Alam niyo guys bakit di na lang tayo umalis na baka kasi mag-away na kayo ng tuluyan diyan at di pa matuloy tong outing natin." Komento ni Brent.




"Tama si Brent. Umalis na tayo baka matrapik pa tayo sa daan." Pagsang-ayon ni papa.




"Alright! Let's go!!" Excited na sigaw ni Brent sabay pasok sa van na nirenta ni papa since di kami kakasya sa sasakyan niya.



Dun na kami umupo ni Mindy sa likuran ng kotse.



"O, ready na ba lahat?" Tanong ni papa.




"Yes! Pinanganak akong handa so G!" Sabi ni Brent.



Natawa si papa sa kanya. Napatingin naman sa salamin si papa "Eh ang dalawang lovebirds diyan?"




Nagkangitian kami ni Mindy. Seriously, pa? Sa harap pa talaga ni mama haha. For sure, napairap yun ng mata.




"Matagal na kaming ready pa. Kayo lang naman ang inaantay namin." na tanggapin kami lalo na si mama char hahaha. Siyempre di ko na sinabi yun.




"Eh, si madam kaya dito ready na?" Pangungulit ni papa kay mama.




"Pwede ba, Ernesto. Kakatanong mo samin kung ready na kami bakit di mo nalang paandarin tong van ng makaalis na tayo." Ang sungit talaga ni mama.




"Eto namang si mahal ang init ng ulo." Sabi ni papa.




"Palamigin mo nga pa. Eto oh. Cold water lagay mo sa ulo niya." sabi pa ni Brent. Lokong batang to.



Hinampas siya ni mama sa braso since lumapit nga siya sa harapan nila.




"Umupo ka na nga dung bata ka." Suway ni mama.




Natatawa na lang si papa. "Okay bago pa lalong uminit ang ulo ng mama niyo, umalis na tayo." Hinampas din ni mama si papa sa braso habang natatawa pa.




"Sige, tawa pa. Akala naman nakakatawa." Inis na sabi ni mama kasi naman natatawa si papa tsaka Brent.




Natatawa na din kami dito ni Mindy sa likod.




"Nakikita ko ang sarili natin kina tito at tita." Napatingin ako kay Mindy na kasalukuyang nakapatong ang ulo sa balikat ko. Napaangat siya ng tingin sakin ng mapansing di ako umimik sa sinabi niya. Nakapatong ngayon ang chin niya sa balikat ko. Automatic akong napangiti sa kanya.




"Ibig sabihin nakikita mo ang future kasama ako?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti pa rin.




Napangiti siya sakin sabay tango ng kanyang ulo. "Okay lang ba?"



"Anong okay lang ba? Siyempre okay na okay. Actually, nakikita ko rin yung future ko na ikaw ang kasama."



"Aww." Tanging sabi niya. Cute.



"Aww." Sabi ko din. Hinalikan niya ang shoulder blade ko kaya naman hinalikan ko ang noo niya. She rest her head on my shoulder.




Kinuha ko yung airpods ko saka ibinigay sa kanya yung isang pares. Hinawakan ko ulit ang kamay niya. Sabay kaming nakinig ng music habang nasa biyahe hanggang sa di namin namamalayan na nakatulog na kaming dalawa.




🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now