Chapter 7

2.7K 59 0
                                    

Chapter 7

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hinid pa rin makuhang sundan ni Tristan si Angheles.

She was nearly choked to death by her own father! Si Tito Alejandro...muntik nang sakalin ang anak nito? Hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa lalaki.

Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang utak ang mga salitang iyon. Nagtatalo ang kanyang kalooban kung susundin pa rin ba niya si Bryan o rerespetuhin niya ang desisyon ng babae.

THAT jerk! How dare him! Ngayon, dahil sa lalaking iyon, muli na namang bumukas ang kanyang mga sugat.  Pagdating niya sa bahay, dumiretso siya sa kwarto at nanatili doon.

Biglang may kumatok. “Teacher, hindi pa po ba tayo aalis?”  Bakit ba siya nagkakaganito? Bakit niya hinahayaan ang sariling maapektuhan ng kanyang nakaraan? Akala niya nakapagmove on na siya. Na hindi na siya ulit masasaktan. Ayos lang naman kung palagi siyang inaatake ng papapanic sa tuwing daraan siya sa mga nag-iinuman. Naka-survive siya. Hindi pa ba sapat ang tatlong taon? “Teacher?”

Pinahid niya ang mga luha. “Sandali lang, Ven.”

“ANGHELES, we need to talk.

Humugot ng malalim na hininga si Maria Angheles. Ano bang dapat niyang gawin upang tumigil na ang lalaking ito? Hindi niya sukat akalain na makulit pala ang Tristan na ito.

Umakto siyang walang narinig. Patuloy niyang inayos ang mga coloring books na ginamit ng mga bata at isa-isang binalik sa shelves. Para siyang buto at si Tristan naman ang aso. Hindi sila pwedeng magkahiwalay.

Anong drama na naman niyan? Kailan ka pa naging buto? Kung kakainin ka na ng lupa, pwede ba. Pero buhay ka pero naging buto?

“Akala ko tapos na tayo sa pag-uusap natin? Kahit anong sabihin mo, hindni na magbabago ang pasya ko. Magsasayang ka lamang ng oras,” kalmado niyang saad.

“Hindi ka ba naawa sa daddy mo?”

“Hindi siya naawa sa akin nang muntik na akong mawalan ng hininga sa sobrang takot na baka makalimutan niyang anak niya ako,” kibit-balikat niyang tugon. She forced down the tears that threatened to fall. He’s not worth it.

Suddenly she was spun around. Kasintigas ng bakal ang kamay na humawak sa kanyang pulupulsuhan. She was then aware on their close proximity. Naramdaman niya ang init na nagmumula sa lalaki. She felt vulnerable around him.

She won’t felt this way around this hermit. Matalim niya itong tinigan na ginantihan naman nito. His eyes became cold and deadly.

Pilit niyang kinukuha ang hawak nito ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kanya. Halos bumaon ang kuko nito sa kanyang balat subalit tila hindi iyon napansin ng lalaki. Pinigilan niya ang sariling mapakislot.

“Wala na akong pakialam sa namagitan sa inyo ng daddy mo. I once approached you nicely but you turned me down. Akala ko mabisa iyong estratehiya para mapasunod kita ngunit matigas ka, Angheles. Ngayon gagawin natin ito sa paraang gusto ko.”

Nagsimula siyang mataranta. Anong plano ni Tristan sa kanya? “You can’t force me against my will. Sisigaw ako kapag pinilit mo ako sa gusto mo sa akin. Tutulungan ako ng mga tao dahil sa ginawa ko para sa kanila,” puno ng kumpiyansa niyang sabi.

Amusement was written all over his face. “Huwag kang mag-alala. Madali lang kitang mapapatahimik ng mga halik ko. Gusto mo bang mangyari ulit iyon, Angheles? I may be a hermit but I am an expert in the kissing department. I will gladly demonstrate it if you want.”

Calming the StormWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu