Chapter 1

3.6K 73 0
                                    

Chapter 1

“Maria Angeles, don’t do this,” pagmamakaawa ng mommy ni Angheles. Maria sapagkat deboto ng Birheng Maria ang kanyang ina. At ang Angeles naman ay napulot lang nito sa isang papel na naiwan sa simbahan.

            Pinatigas niya ang puso. Patuloy niyang nilagyan ng damit ang backpack. Kung maaari ay kaunti lang ang dadalhin niya. May dala naman siyang pera at sa unang pinakamalapit na tindahan siya bibili ng mga damit. Kahit na wala ng brand na nakasanayan niya, ayos lang. She just wanted to go away from this house. Tumakas kung iyon ang gustong sabihin ng iba.

Tatakas siya sa mismong bahay na na nagsilbing tirahan niya sa loob ng dalawamput-tatlong taon. Ayaw na sana niyang umalis pero pinilit siya ng daddy niya. Ang ama niyang bigla na lang nagbago nitong huling mga buwan. She knew him as a sweet man but he suddenly changed. Bigla na lang itong naglalasing. What’s worst was that he was telling all the people in this house that she was an illegitimate child of Alejandro Cortez. Noong una hindi siya makapaniwala. She confronted her mother about it but she denied the allegations. Nagmana siya sa kanyang ina kaya ganoon na lamang ang pagdadalawang isip niya kung siya ba talaga ay isang Cortez. Para maniwala siya, nangako ito sa puntod ng kanilang mga ninuno. She believed her.

Kaya sa tuwing sasabihin ng Papa niya ang mga ganoong kataga, natutunan niya iyong ipagsawalang bahala. Subalit nang muntikan na siyang saktan nito, enough is enough. Without second thought, she gathered some of her belongings and put it in her bags.

“Ito naman ang gusto ni Daddy, ‘di ba? Sawang-sawa na ako, Mommy. I think we both need space at ayoko na ring tuluyan niya akong masaktan sa tuwing naglalasing siya.”

“Sabi ko namang intindihin na lang natin ang ama mo, ‘di ba? May pinagdaraanan lang siya.”

“Anim na buwan ko na siyang inintindi, Mom. Ako naman ang hihingi ng paunawa mo ngayon. Kaialngan ko munang magpalamig. Don’t worry. I will still call.”

Isinara niya ang zipper ng back pack. Humalik siya sa pisngi ng ina. Para siyang gumawa ng pinakamalaking kasalanan nang makita ang kalagayan nito. Ipinangako niya sa sarili niya na hindi kailanman magpapaiyak ng magulang ngunit ano ito?

“At least, bring your car.”

Umiling siya. Gusto na niyang tumayo sa sariling mga paa. May naipon na rin siyang pera sa bangko nang pumasok siya sa kanilang kompanya bilang isang General Manager. Kasalukuyang pinamamahalaan iyon ng kanyang Kuya Bryan. Napakaseryoso ng kapatid niyang iyon kaya wala pang asawa maging girlfriend man lang sa edad na twenty eight. Siya naman ay nagkaroon din ng nobyo noong second year college pa lamang siya ngunit hindi rin nagtagal. Hindi na rin iyon nasundan. Masyado lamang istorbo sa kanyang trabaho ang mga lalaki.

Lumayo siya sa ina. Humugot siya ng malalim na hininga. Ito na iyon. “Alis na po ako. Baka magising na si Daddy.”

PINUNTAHAN ni Angeles ang isa niyang kapatid na si KM sa Bar-O, isang bar sa Makati kung saan ito nagtatrabaho. Makikisuyo muna siya sa kapatid na patuluyin siya sa tinitirhan nito. Katulad ng kanyang Kuya Bryan, wala pa rin itong asawa although hindi naman ito kailangang magmadali.

Na-ispatan niya ito na inaasikaso ang mga costumer.

Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang counter. Hinintay niyang matapos ito bago siya nagsalita. “Kuya, kailangan ko ng tulong mo. Patuluyin mo ako sa bahay mo.” Masyado nang madilim kaya nagpasya siyang bukas na lang muna maghahanap ng matutuluyan. Isa pa, natatakot din siya sa taong makakasalubong niya habang naghahanap ng bahay ngayong talamak ang balita tungkol sa panggagahasa ng mga kaawa-awang babae. Yes, she could defend herself but she’s not yet...ready to face the world.

Calming the StormWhere stories live. Discover now