Prologue

6.1K 103 2
                                    


Prologue

MALAPAD ang ngiti na bitbit ni Tristan ang isang bouquet ng bulaklak. It was roses. Red roses in fact just like the color of Meldred's soft lips. Those beautiful lips that was like a drug on him. At walang araw ang lumilipas na hindi niya ito nabibigyan ng atensyon.

Tatlong taon na silang may relasyon ni Meldred at lalo pa iyong tumitibay. Why not? Si Meldred ang pinakamabait na babaeng kanyang nakilala. Kapag may mga pulubi itong nakikita sa daan, uutusan siya nitong ihinto ang sasakyan. Papanaog ito at magbibigay ng pera. Sa bawat kabutihang ipanapakita nito sa kapwa, mas lalo lamang siyang nahuhulog dito.

Marami ng mga babaeng dumaan sa kanya subalit kakaiba si Meldred sa mga babaeng iyon. Ito lamang ang nag-iisa sa puso niya. He could say that they were perfect for each other.

Nagkakilala sila noon sa isang club na minsang pinilit ni Kadriel na isama siya. He was shocked when it was actually a stripper's club. Almost naked women were dancing. Hindi iyon ang mga lugar na malimit niyang puntahan. Aalis na sana siya nang mapansin ang isang babaeng masasabing may pinakadisenteng suot sa lahat. Her movement was almost innocent but very seductive. Halos maglaway ang mga lalaking naroroon sa club.

Ngunit ang takot sa mga nito ang nagpagising sa kung anumang emosyon sa kanya. Sa puntong iyon, gusto niyang pumunta sa stage at iuwi sa kanila upang hindi na ito sumayaw ng hubo't - hubad. Nang mapansin ng pinsan ang kanyang mga mata na tutok na tutok sa isang partikular na babae, binili nito ang serbisyo ng babae sa gabing iyon.

He was supposed to satisfy his needs and take a release, but he did not do it. Sabi nga nila, pera na naging bato pa. Nagkwentuhan lamang sila ni Meldred hanggang gabi-gabi na niya itong dinadalaw sa club. Umabot rin ng dalawang buwan hanggang makita niya ang sarili na mahal na pala ito. Hindi niya sinayang ang panahon. Niligawan niya si Meldred at nang sagutin siya, binilhan niya ito ng sariling bahay at doon na pinatira. Pinatigil na rin niya ito sa trabaho.

Humugot siya ng malalim na hininga. Relax, Tristan. Para siyang nagbalik bilang isang teenager. Nangangatog ang tuhod habang pinupuntahan ang bahay ng babaeng liligawan. Pero hindi isang simpleng panliligaw ang gagawin niya...He will propose.

Nakalagay sa ibabang parte ng bouquet ang singsing. May kakaibang ugali si Meldred na sa oras na makahawak ito ng isang bouquet ng bulaklak, agad itong kukuha ng flower vase at ilalagay doon ang mga bulaklak.

Inayos niya ang polo. Dapat maayos siyang tingnan sa kanyang marriage proposal.

Kakatok na sana siya sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwa nito si Meldred na masayang-masaya habang kinukurot sa tagiliran ang isang lalaki. He knew that man.

Napawi ang mga tawa nito nang makita siya. Namutla ito na parang nakakita ng multo. Kabaliktaran naman ang reaksyon ng lalaki sa tabi nito. Inilagay niya sa bulsa ang nangiginig na kamao. Pakiramdam niya, makakapatay siya sa mga sandaling ito.

"T-Tristan..."

"Did I interrupt something?" mahinahon niyang tanong kahit gusto nang upakan ang lalaki. Matalim ang mga mata habang tinitigan ito.

"H-hindi. Pauwi na nga si Ivan."

Inilahad ni Ivan ang kamay. Tiningnan niya ang kamay nito na puno ng disgusto. Ivan's eyes were dancing with amusement.

"Ivan Salvador." The Salvador Clan have investments including real estate, hotels, financial services, telecommunications, and utilities here in the Philippines. At ang Ivan na ito ang tagapagmana ng Salvador Group.

Tinanggap niya ang kamay nito para sa pormalidad ngunit ang pormalidad na iyon ang pinakahuling naiisip niya. "Tristan Fernando."

"The cousin of the billionaire Kadriel Fernando. I knew Kadriel but I did not know Tristan."

Sometimes, he hated carrying that surname. Gusto niyang gumawa ng sariling pangalan. Gusto niyang makilala ng mga tao hindi dahil sa isa siyang pinsan ni Kadriel kundi siya si Tristan na may ibubuga. Palagai na lang siyang anino ni Kadriel at pagod na siya. Now, he's having a drama. "Hindi mo na kailangang makilala ang Tristan na iyon."

"Ivan..." pagsusumamo ni Meldred. Kinuha nito ang braso ng lalaki. Umiwas siya ng tingin. Hindi na niya kailangang maghanap ng ebidensya. His girlfriend sided another man. At hindi siya iyon. Even if she cheated, he could not bear the sadness in her eyes. He really loved her. "Tristan, magkaibigan lang kami ni Ivan."

"That's a bull!" marahas niyang pahayag. Napakislot si Meldred. "How could you..."

Lumambot ang mukha nito at nagbabadyang kumawala ang mga luha. "Siya ang unang humalik."

Meldred the Honest. Hindi ito nagsisinungaling. But he wished at this instant that she would just lie even if the evidence is still fresh at her lips. Namamaga ang mga labi nito. Bakit? Mas magaling ba pang humalik ang Ivan na ito kaysa sa kanya? O dahil ito sa isyu ng pagiging mas kilala sa lipunan?

"But you loved it. Kung hindi ka nasarapan sa kagaguhan ninyo, hindi ko sana nakita ang mga tawa mo. Right?"

Hindi ito nakasagot. Nanginginig ang mga labi.

"We both loved it. At hindi sana kami titigil kung hindi niya alam na darating ka." Nagtext siya rito na pupunta siya sa alas sais ng gabi. Noon, siya ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan. The girls would always take his side. Masakit palang ikaw naman ang maging biktima ng kabaliwan mo noon.

An image of Meldred and Ivan...both naked came on his mind.

Nirespeto niya ang pagkababae nito kahit na hindi na siya sigurado kung birhen pa ba ito o hindi na. Gusto niyang ipakita kay Meldred na iba siya sa mga lalaking nakasama nito. Na itinuturing niya itong isang babaeng nararapat mahalin. Hanggang sa halik lang ang ginagawa niya. He wanted to do it on their honeymoon.

But I guess, it won't happen anymore.

It's just too much.

Kinuha niya sa nalukot na bouquet ang singsing bago ibinagay ang bulaklak sa babae. Mapakla niyang tiningnan ang singsing bago iwinagayway sa dalawa. "Ito sana ang engagement ring ko para sa iyo." Tears threatened to fall. Goodness. Umaakto siyang parang isang babae. Napahikbi na nang tuluyan si Meldred. Kahit na sasabog na siya sa loob, nagpatuloy pa rin siya, "You're free with him," mapakla niyang sambit bago tuluyang tumalikod.

"Tristan...magpapaliwanag ako."

Napapikit siya.

Ang sakit. Tinaraydor siya ng babaeng dadalhin na sana niya sa altar ng simbahan. He wondered how many times they laughed when he turned his back. Habang nilulunod ng dalawa ang sarili sa kaligayan, pinagtatawanan naman ang kanyang kawalang malay.

Malakas siyang napamura.

Gusto na lang niyang magpakamatay sa ginawa ni Meldred sa kanya. Bakit siya pa ang nagawang lokohin nito? He may have a lot of girlfriends but he did not play with them. He treated them with love and protection. Ayaw na niyang maalala ang gabing ito.

Inihagis niya ang singsing. Kinain ito ng kadiliman at ilang oras mula ngayon, kakainin na rin ng kadiliman ang kanyang paghkatao. Siya mismo ang nagpagawa ng desinyo sa singsing na iyon. Nawalan ng saysay ang ilang gabing pagpupuyat niya para lamang makaisip ng desinyo.

With Salvador on her side, she could afford to buy houses more beautiful than the house that he gave her. Gusto niyang sumigaw at ipabatid sa mundo kung gaano kasakit ang dinadala niya. But he's a man. He was expected to conquer this problem and he did not know if he will succeed.

Sa gabing ito, patay na si Tristan Fernando.

Calming the StormWhere stories live. Discover now