Chapter 2

3K 73 0
                                    

Chapter 2

NASA terminal ng bus si Maria Angheles ngunit hindi pa niya alam kung saan siya pupunta. Tiningnan niya ang mga sign board: San Antonio, Parase, Dasmante…

            Naalala niyang doon nakatira ang isa nilang kasambahay na si Juanita. Matagal din iyong nanilbihan sa kanila. Umalis lang ito nang maisipang bumalik ng pag-aaral sa probinsya nito. Inaya pa nga siya noon na magbakasyon daw sila sa Dasmante.

            Tama. Doon siya pupunta. Sumakay siya sa bus na may sign board na Dasmante. Pagkaraan ng tatlong oras, nakarating na siya sa lugar. Bumaba siya sa terminal at pumunta sa paradahan ng traysikel.

            “Manong, saan po ba ang bahay ni Juanita Corazon?” tanong niya sa umpukan ng mga driver. Inayos niya ang bag sa likod. Sumasakit na ang katawan niya. Kailangan na niyang magpahinga.

“E,” napakamot sa ulo na simula ng lalaki. “Pamangkin ko iyon. Ano bang pakay mo sa kanya, Miss?”

Napahinga siya ng maluwag. Salamat, Dios ko at hindi na ako mahihirapan pa sa paghhanap kay Juanita. “Ako po pala si Maria Angheles.”

Nag-isip-isip ito na tila inaalala kung saan nito narinig ang kanyang pangalan. “Ikaw ba iyong pinanilbihan niya noon?”

‘‘Ganoon na nga po. Maaari po ba ninyo akong ihatid?”

“Aba’y sumampa ka na, Miss.”

Sumakay siya at pinaandar ni Manong ang sasakyan. Ilang minute mula sa kanilang biyahe, tumigil sila sa isang maliit na barong-barong. Bumaba na silang dalawa.

“Juanita, may naghahanap sa iyo,” tawag ni Manong.

“Tiyo, ano ba naman ka – “ natigilan ito at nagpakawala ng isang nakakabinging tili na halos mabingi silang dalawa. Patakbo siya nitong niyakap.

“Maam Maria…Mabuti at natunton ninyo ang bahay namin,“ nakangiti nitong turan nang pakawalan siya. Kinaladkad siya nito ngunit tumigil siya nang maalalang hindi pa pala siya nakapagbayad.

Napakamot ito sa ulo. “Maam, wala po akong panukli sa limang daan.Mahina ang kita ngayon.”

Ngumiti siya. “Sa inyo na lang po ang sukli. Tip ko po sa pagtulong ninyo.”

Three years later...

PAPALUBOG na ang araw kaya mas binilisan pa ni Angheles ang kanyang lakad. Papasok siya sa isang makipot na eskinita kung saan madaraanan niya ang mga batang naglalaro ng piko at mga grupo ng kalalakihan na nag-iinuman. Ayaw sana niyang dumaan sa eskinitang iyon ngunit wala na siyang magagawa. Sa tulong ni Juanita, nakapagsimula siya sa probinsyang ito. Bumukod na rin siya at bumili ng sariling bahay sa Barangay Pirito. Pinili niya ang barangay dahil sa bilang ng mga batang hindi na nakapag-aral bunga na rin ng kahirapan. Gamit ang perang naipon, nagpagawa siya ng isang learning center para sa mga batang kapus-palad at tinawag niyang Cortez Learning Center.

Napaatras siya nang makita ang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Nagsisimulan siyang kapusin ng hininga.

Hinga nang malalim, Angeles. Paulit-ulit niya iytong ginawa hanggang sa unti-unting kumalma ang pintig ng puso niya ngunit nandoon pa rin ang pagkataranta.

“Teacher Angheles,” tawag sa kanya ng isa sa mga lasing – si Dondon. Wala na itong atrasan. Isa siyang guro sa isang kindergarten school sa kanilang barangay kaya kilala siya ng halos lahat ng mga tao at madalas na alukin ng tagay ng mga kalalakihan. Paulit-ulit na siyang tumatanggi ngunit paulit-ulit rin siyang inaalok. “Shot po tayo. Isang tagay lang naman para sa bago naming kaibigan dito, si Pikloy.”

Calming the StormWhere stories live. Discover now