“Kung ayaw mong maniwala sa akin, well I need to have a condition also.” Sambit nito.

Napakanuot siya ng noo sa narinig. What does he mean? He got her attention. Naisip niyang dahil sa gusto niyang makasiguro kung susunod ito sa kanya ngayon ay hahainan siya ng Exist ng sarili nitong kondisyon. Ano kaya iyon?

 

“Susundin ko lahat ng kondisyon mo sa isang kondisyon ko.” Hindi man lang niya narinig ang paghakbang nito. Nasa gilid na niya ito sa gawing kanan. Hindi siya nagpahalatang nakaramdam siya ng kakaibang kuryente ng halos magdikit ang kanilang mga braso.

“Kung gayon sabihin mo kung ano ang iyong kundisyon.” May pag-aalinlangan man ay lumabas pa rin iyon sa kanyang mga labi. Her eagerness was powerful than her doubts. Unti-unting bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kakaiba na nga ng pagtibok nito mas lalo pang naiba.

Para pa rin silang mga artista o nakatataas na antas na mga tao dahil sa wala man lang lumalapit sa kanila sa mga taong nasa paligid. Nakikiusyoso lamang ang mga ito. Pirming nakatingin sa kanila. Dahil sa sobrang tahimik ng paligid na tanging mahinang pag-ihip lamang ng hangin ang maririnig kaya naman narinig niya ang paglunok ni Jorizce.

“Kapag nasunod ko ang lahat ng kondisyon mo ay bibigyan mo na ako ng chance para magkaayos tayo. Magkaayos upang maging magkaibigan and eventually mahalin ako.” Ipinihit nito ang ulo sa direksyon niya. She saw that on her peripheral eye view lalo pa’t nasa tagiliran niya lang ito.

Hindi alam ni Miah ang tamang reaksyon sa sinabing iyon na kondisyon nito. Magkaayos?

“Magkaayos. I’m willing to do everything para mapatunayan ko sayong seryoso akong gusto kong humingi ng tawad at makabawi sa iyo sa lahat ng ka-kahayupang nagawa ko sayo noon.” Nauutal pa ito ng halos sagutin na nito ang nasa isip nya. It was courage to admit a mistake, most importantly when that mistake left a mark on someone’s life. She somehow appreciated his courage. Mas naramdaman nya ring sinsero ito sa pagkakataong ito.

Matagal siyang nag-isip. Kapag sumasagi sa kanyang isipan ang lahat ng pinagdaanan mula sa lalaki ay may kakaibang sakit na kumikirot sa kanyang puso. Tama ba’ng bigyan nya ng pagkakataon si Jorizce na maayos ang mga sinira nito sa kanya noon?

Siya naman ang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. “Payag na ako.” Biglang napapunta sa kanyang harapan ang lalaki saka mahigpit na hinawakan ang kanyang mga balikat. She saw his manly and seductive smile. Walang halong pagpapanggap ang mga ngiting iyon. Napakasarap pagmasdan habang may kakaibang indayog na naman sa kanyang puso.

“Thank you Jeremiah. Thank you.” Madiin ang pagkakasabi nito habang naroon pa rin ang mga ngiti sa mga labi. Kahit ang berde nitong mga mata ay parang nakangiti rin.

“Huwag ka na munang magpasalamat. Patunayan mo na muna na kaya mong gawin ang mga kondisyon ko bago ko sundin ang kondisyon mo.” Umiba siya ng tingin. She was so distracted by their eye contact. Binaba niya ang kanyang ulo saka tiningnan ng masama ang mga kamay nito na nakahawak sa kanyang mga balikat. “Simula na n gating kasunduan. Pwede mo ng tanggalin ang mga kamay mo sa balikat ko.” Utos niya rito.

Inalis naman nito ang mga kamay saka umiling-iling. “Hindi pa.” Saka nito inabot ang kanang kamay sa kanya. “Ngayon palang magsisimula ang ating kasunduan.” Kinuha naman niya ang kamay nito. They shook their hands as the official seal of their deal.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now