Nakita kong gumalaw ang panga noong tinawag niyang Joshua bago nagdesisyong magsalita.

"Who is Mark?" he asked calmly, but when the girl didn't answer he started freaking out.

"Fvcking shit! Baby, who is Mark!? Tell me who is that fvcker and I'm going to crush his bones!"

"Bobo ka ba, huh!? Hindi mo kilala si Mark?!"

"And now you sounded so proud of that guy huh? Damn it! Ako itong pinagbibintangan mong manloloko eh ikaw naman pala itong may Mark!"

"It's Mark Zuckerberg I'm talking about you idiot!"

"Tss! Kinompleto pa nga talaga iyong pangalan. Sino ba yang Sakoberj na 'yan huh?"

"It's Zuckerberg, you dummy!"

"I don't care! Is he your new boyfriend? Damn it, you are mine Cheska!"

"Joshua, tanga ka talaga! Siya iyong creator ng Facebook kung saan ka naglanding hayup ka!"

"I don't care kahit siya pa ang creator ng Facebook, what's mine is mine! Hindi ka niya pwedeng kausapin!"

"Eh ikaw nga may abunjing abunjing!"

"It wasn't my account for Pete's sake!"

Patuloy lang sila sa pag-aaway habang ako naman ay hindi agad namalayang nakahinto na pala sa harapan nila at matamang nakikinig. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang sabay silang napalingon sa akin.

"Hehehe h-hi po," napapahiyang bati ko.

"Were you listening to our fight?" tanong noong lalaki sa akin kaya mabilis akong umiling-iling. Aba'y siyempre hindi ako aamin!

"H-hindi ah! Napadaan lang ako."

"Napadaan? May napadaan bang nakatayo lang sa isang puwesto and even had her arms crossed over her chest?" Nanlaking muli ang aking mga mata bago mabilis na binaba ang mga braso.

"Eh k-kasalanan k-ko bang nandiyan kayo sa harap ng tindahan ni Aling Rosa nag-aaway?"

"So you were really listening?" muling tanong nang lalaki. Shuta naman nito eh. Ang kulit!

"Oo! Nakiki-chismis ako eh ba't ba!? Hmp!" tanging sagot ko nalang bago eksaheradong tumalikod at naglakad paalis.

Shocks! Nakakahiya ka Kez, sa harapan ka pa talaga nila huminto! Panay ang pagsaway mo kay Aling Rosa sa utak mo ta's isa ka pa palang marites shuta!

Pero maya-maya lang din ay mahina akong natawa. Seriously? Who uses abunjing abunjing as their endearment? What the f- lang ah. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Naging tahimik ulit ako habang binabaybay ang daan papunta sa susunod na tindahan. Samo't-saring mga tanong at palaisapan na naman ang pumasok sa aking utak. Kung malaman kaya ni papa ang mga kasalanan ni Aaron sa akin, will he consider our mother's suggestion?

Malalim akong bumuntong ng hininga. Ang sabi ni daddy ay hayaan na lang kami as long as hindi kami nagkakasakitan ng pisikal. Ang hindi nila alam ay ilang beses na kaming nagkakasakitan ng pisikal-though hindi naman talaga ganoon kalala, but still, we hit each other physically.

Pagdating ko sa tindahan ay basta ko na lang na tinuro ang kailangan ko. Hindi kaagad nakuha noong bantay ang ibig kong sabihin kaya sinabi ko na lang. Epal naman nito, wala pa naman ako sa mood magsalita.

"Anong sa'yo miss?" tanong nito.

"I said I need a pack of silver swan soy sauce." I heard him chuckle. Anong tinatawa-tawa nito? Abnormal.

"Oh heto," pagkabigay niya ay basta ko nalang 'yon dinampot at tumalikod agad.

"Teka hoy, 10 pesos lang 'yan may sukli ka pa!" pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa ulit.

"Miss! Foreigner ka ba? Watch your name!" I rolled my eyes in annoyance. Simpleng what's your name lang 'di pa alam tsk.

"Bakit ang tagal mong nakabalik Kez eh ang lapit lapit lang naman ng tindahan nila Aling Rosa," bungad sa akin ni Jayzelle nang makarating ako sa bahay.

"Oh! Sa wakas at nandito ka na. Akala namin ay nadaganan ka na ng toyo sa tagal mo," sabi naman ni lola. Napanguso ako.

"Hindi ako kela Aling Rosa bumili, masyadong maraming asungot sa tindahan niya kaya dumiretso ako sa kabila kaya ako natagalan," paliwanag ko.

"Pumunta ka pa sa tindahan nila Ate Mirna?" Imbes na sumagot ay nagkibit balikat lang ako. Aba'y malay ko ba kung sino ang may-ari ng tindahang 'yon. Hindi naman kasi ako palalabas ng bahay kaya hindi ko kilala ang karamihan sa kapitbahay namin.

"Oh siya sige, Kiezara ihatid mo na sa kusina 'yang toyo nang matapos na si Hannah sa pagluluto at makapaghapunan na tayo." Tumango lang ako kay lola saka tinungo ang daan papuntang kusina.

***

Lunes ngayon at unang araw ng pasukan. Tanaw ko mula sa aking kinauupuan ang tatlong magkatabing building. Ang sabi sa akin ni Hannah, iyong nasa gitna ang building ng highschool. Iyon namang nasa kanan ay sa elementary, habang sa college naman iyong nasa kaliwa.

Malalim akong napabuntong ng hininga. Kanina pa akong nakaupo dito habang hinihintay si Hannah na matapos sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Alangan namang maki-join ako sa kanila eh hindi ko naman kilala 'yang mga kaibigan niya. And besides, I don't really like blending myself in others circle. Mas gugustuhin ko pang manahimik na lang sa isang sulok at makinig sa ingay ng paligid.

Yesterday was a painful day for me. My family went back to America and left me with my grandmother. Imbes na sumama ako sa paghatid sa kanila sa airport ay mas pinili ko na lang ang manatili sa bahay at magkulong sa loob ng aking silid. I was just there, crying the whole day. Kaya noong lumabas ako kinagabihan ay grabe ang pang-aasar ni Jayzelle sa akin dahil sa namamaga kong mga mata. Who wouldn't be sad being away from her family, right? I mean, this is the first time that I'm going to be away from my family. Iyong malayong malayo talaga na kahit mag-jeep ka pa ay hindi pupwede kasi milyon-milyong milya ang layo niyo sa isa't-isa.


Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan nang maramdaman na naman ang nagbabadyang luha. Nami-miss ko na agad sila, lalong lalo na si mommy. I'm such a crybaby and I'm aware of it. It's just that, I really don't know if I can survive without my mother on my side. I know that my grandmother is going to guide me but a mother's care hits different. I want my mom beside me.

"Tara na Kez. Magsisimula na 'yong school year opening program at required na dumalo ang lahat ng estudyante lalong lalo na ang freshmen." Dinig kong sabi ni Hannah kaya mabilis kong pinalis ang namumuong luha sa gilid ng aking mata.

"Umiiyak ka ba?" Tanong nito nang makalapit ako sa kinatatayuan niya.

"Huh? Hindi ah." I faked a laugh. She eyed me suspiciously but didn't ask anymore. She started walking and I followed her from behind. I just hope that I can make friends in this school.

PHILORINA

Strings Between UsWhere stories live. Discover now