Chapter 16

33 5 0
                                    

Kahit alalahanin ko ang boses ni lola ay hindi ko maalala pawang mga bagong boses ang aking naririnig at hindi ko malaman kung sino sino ang nakapaligid sa akin.

"Hindi kona nakikitang lumabas sa kwarto si Rein at kapag tatawagin ko siya para siyang wala sa sarili at wala siyang energy para kumilos sa bahay kaya ibinabalik nalang namin siya sa kwarto"

"Mrs Alfonzo itatanong ko lang po kung yung mga symptoms nato ay nangyayari sa anak niyo maari po bang sagutin natin ito ng totoo"

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko at napaka liwanag ng paligid at mayroon akong lalaking nakita sa tabi ko ngunit hindi ko ito masiyadong makita.

"mayroon po bang pagkakataon na sinabi niyo na sa kanya ang totoo pero hindi niya ito matanggap at pilit niyang sinasabi na totoo ang kanyang mga sinabi"

"Ilang buwan po siyang nasa kwarto doc at hindi namin siya makausap dahil sa sitwasyon niya"

Nang imulat ko ang mata ko ay nasa hospital  na ako at naka higa sa kama pinilit kong tumayo pero pinipigilan ako.

"Sino ka nasaan si Lola? Lola nasaan ka? Lola!"

"Doc gising napo ang pasyente kailangan po ba nating pakalmahin? Tumataas po yung boses niya at nagwawala napo doc"

Hindi ko kilala ang mga taong nakapaligid sa akin pinipilit kong tumayo pero pinipigilan ako ng lalaking nasa tabi ko.

"Nasaan si Lola! Lola! Bitawan moko si Lola ang kailangan ko hindi ikaw"

"Mr Alfonzo yung mga nurses kona po ang bahala jan pwede po bang tumabi po muna kayo nurse yung pampatulog naitusok mo naba? "

Sa sobrang hina ko ay hindi kona maalis ang mga kamay na nakahawak sa akin at para akong nahihilo dahil sa itinusok nila sa pulso ko.

"Pete hindi ko kayang nakikitang ganyan ang kalagayan niya dapat mas maaga natin siyan dinala sa hospital "

"Reann kasalanan ko din nagpabaya ako sa anak natin mas inuna kopa ang kumpanya natin kesa sa kalagayan niya"

Papahina ng papahina ang boses na naririnig ko at hindi kona alam ang nangyayari sa akin.

"Mr Alfonzo excuse  ko lang uli si Mrs Alfonzo salamat"

"Mrs Alfonzo mayroon po bang pagkakataon na may binabanggit po siyan mga pangalan na hindi niyopo kilala o hindi niyo papo nakikilala mas maiintindihan niyopo itong tanong ko may pagkakataon napo bang nag Hallucinations po si Rein? "

Habang paunti unting inuubos ang lakas ko ay pilit kong inaalala si Lola.

"Opo doc may pagkakataon pong naririnig kopo siyang may kausap tinatawag niya po yung pangalang Enzo at Paul at alam po naming mag asawa na wala po siyang kaibigang ganon ang pangalan iniisip na nga po namin na baka sa internet o cellphone niya lang nalaman ang pangalan na yon pero hindi niya naman po hinahawakan o ginagalaw ang phone niya"

"Last na tanong ko napo ito mayroon po ba siyang kakaibang ginagawa o strange behavior  na nakikita niyopong nangyayari o ginagawa niya"

Patuloy ang pagiisip ko sa lola ko at hindi ko padin maalala ang pangalan niya pero si sir Paul at ang kapatid niyang si Enzo ay naalala kopa.

"Yes doc may ginagawa po siya nung nakita kopo siyang nag lalakad ng paikot ikot at sinasabing napakaganda ng beach na nilalakadan niya at sinasabi niya na may kasama siya"

"May gagawin papo kaming mga test sa kanya such as brain imaging (Like MRI scans) at kapag po talagang pasado po siya sa mga test nayon doon palang po natin malalaman na diagnosed  po siya ng schiophreniform or schizophrenia"

Not A Fairytale (BoytoBoy) Where stories live. Discover now