Chapter 9

29 7 0
                                    

"Sir Rein pinapagising napo kayo ni Sir Paul hinihintay ka na po niya sa labas"

"Sige pakisabi po na maghihilamos lang ako"

Bigla kong naramdaman na wala na ang lahat ng pagod ko at hindi na ako nahihilo at mas lalo akong natuwan dahil sa narinig ko na nag iintay nanaman si Sir Paul sa labas.

"Ginising mo naba? Ang tagal naman baka hindi mo ginising"

"Sir Paul andito napo ako wag napo kayong magalit "

Hindi ko ipinahalatang kinakabahan ako at nagpatuloy akong naglakad papunta sa lamesang nasa harapang ng dagat.

"Sir Paul ang ganda naman po pala sa beach niyo bakit po parang walang tao? "

"Talaga maganda ba pero wag kang mag alala Rein mas maganda ka sa lugar nato"

Bigla nanamang tumigil ang mundo ko at hindi ko alam ang gagwin ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon.

"Sir Paul hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Sir"

"Oo na ipinasara ko itong lugar nato para mas lalo mong makita ang ganda ng beach namin "

Natuwa ako sa ganda ng beach at mas lalo akong natuwa ng sinabi niya na ipinasara niya ang beach resort para lang sa akin.

"Kumain kana at pagkatapos maglalakad tayo sa tabi ng dagat mamaya"

"Opo sir pero sir wala po bang lugaw? "

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagtanong nalang ako sa kanya at para hindi niya mapansin na kinakabahan ako.

"Makakalimutan koba ang paborito mo ubusin mo muna yan bago ka kumain ng lugaw wag ka mag alala niluluto na"

"Sabi mopo Sir Paul kaya ok kakain napo ako"

Hindi ko mapigilang tignan ang mga mata niya at kapag tumitingin siya sa akin ay yumuyuko ako para hindi niya mapansin na tumutingin din ako sa kanya.

"Ok mukang napadami nanaman ang kain mo Rein haha"

"Hindi naman Sir Paul pero parang oo"

Nagtawanan kami at inaya niya akong maglakad sa tabi ng dagat kagaya ng ipinangako niya sa akin.

"Wala ka bang gustong sabihin sa akin tungkol sa buhay mo sa mga gusto mong mangyari mga pangarap wala kabang pangarap? "

"Nako Sir Paul kung alam mo lang napakadami kong pangarap sa buhay pero bobo ako hindi ko alam kung papano ko ipapaglaban ang mga pangarap ko"

Hindi ko mapigilang magkwento kay Sir Paul.

"Alam ko kaya nga andito ako para tuparin ko ang mga pangarap mo"

"Ano po Sir Paul paki ulit ang lakas ng hangin hindi kopo narinig"

Sa sobrang lakas ng alon at napakalakas din ng pagihip ng hangin ay hindi ko narinig ang mga sinabi ni Sir Paul.

"Ang sabi ko tara na kasi papagabi na at ihahatid pa kita sa kubo mo"

"Opo Sir Tara na ihatid mo napo ako sa kubo nilalamig na ako at gusto ko napaong matulog Sir Paul"

Sa sobrang pagod ko ay inaya ko na siyang pumunta sa kubo at magpahinga na.

"Oooh David andito ka den? Pinapunta ako ni tito para tignan kung ano yung ginagawa mo kasama mo naman yang baklang yan"

"Stop it! Shaira"

Nagulat ako nang makasalubong nanaman namin ang kaibigan niya at hindi ko nalang pinansin ang pang lalait niya sa akin.

"Sir Paul mauuna napo ako sa kubo wag ka napong mag alala kaya ko napo yung sarili ko"

"Wait Rein! Tignan mo yung ginawa mo ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala nga akong gusto sayo pwede ba tigilan mo na ako wala ng tayo Shaira"

Not A Fairytale (BoytoBoy) Where stories live. Discover now