Chapter 2

72 11 0
                                    

"Lola napaka sarap naman po ng mga niluto niyo sa uulitin po Lola mas damihan niyo papo para mas madami pa po akong makain "

"Aba oo naman ang Rein ko talaga napaka bait na bata"

Habang nakikita ko ang mga ngiti ni Lola ay paunti unti ko naring nakakalimutan ang nakaraan na bumabalot sa akin.

"Oh siya magiingat ka sa pagsakay mo Rein "

"Opo Lola hindi na po ako bata para hindi magingat"

Pabiro kong sinabi kay Lola.

Habang nag aantay ako ng bus ay mayroon akong nakitang lalaki na panay ang titig sa akin.

"Hoii! Sasakay kaba layo ng tingin mo ahh! Bilisan mo lahat tayo nagmamadali"

"Opo manong sasakay na po ako!"

Nagulat ako dahil biglang sumigaw sa harapan ko ang driver ng bus pero nagtataka ako nang makasakay na ako sa bus ay hindi kona makita ang laking tumitingin sa akin.

"Hayyyy! Nakalimutan kona ang sasabihin ko mag aaply pa naman ako nasaan na iyon wait baka nalaglag ko"

"Ito ba hinahanap mo nahulog mo kanina habang nakatulala ka sa akin"

Bigla akong nagulat dahil siya ying lalaking tinititigan ko sa labas nagulat ako dahil tumabi siya sa akin.

"Ayy! Akina salamat sa pagpulot ng gamit ko"

"Paul David nga pala ikaw ano pangalan mo? Ok lang kung ayaw mong sabihin"

Hindi ko maigalaw ang katawan ko ng sinabi niya ang pangalan niya at hindi ko inaasahang magpapakilala siya sa akin.

"A-ako si Rein Alfonzo sa-salamat sa pagpulot ng gamit ko"

"Bakit ka nauutal ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo bakit ikaw maganda ka naman lalaki kaba o babae muka ka kasing babae"

Mas lalo akong kinabahan ng sinabi niya na maganda ako sa buong buhay ko ay wala pa akong nakilala na sasabihing maganda ako.

"Napaka yabang naman nito"

"May sinasabi kaba? Teka hindi mo pa sinasagot yung tanong ko"

Nagpapasalamat ako na hindi niya narinig ang sinabi ko napaka yabang na nga bingi pa hindi ko alam kung titigil ba ang mundo ko dahil totoo naman na gwapo siya pero di ko alam kung maganda talaga ako.

"A-ako lalaki ako hindi ako babae!"

"Ahh ok wag kang sumigaw naririnig kita muka ka talagang babae ehh pasensya na"

Hindi ko alam na bababa na siya ng bus pero napangiti ako ng lalaking yon na hindi ko naman ginagawa.

"Oh sige na Rein Alfonzo bababa na ako sana magkita ulit tayo masaya akong nakilala kita!"

"Ako ang masmasaya dahil ikaw lang ang lalaking kumausap sa akin dapat ako ang magpasalamat dahil napangiti mo ako"

Hindi ko alam kung magkikita pa kami pero sana mag kita pa kami.

"Manong! Para po diyan lang sa malaking building!"

"Bayad mo bababa kana hindi kapa nagbabayad! "

Nakalimutan kong magbigay ng bayad dahil sa lalaking yon.

"Opo manong "

"Sandali bago ka bumaba wag ka nang tutulala baka mabundol ka"

Natawa ako sa sinabi ni manong pero kinakabahan ako sa pagpasok ko sa opisina dahil ngayon palang ako mag tratrabaho.

"Rein Alfonzo ipakita mo na kaya mo ang lahat at wag na wag kang susuko tandaan mo na maganda ka sabi ni Paul"

"Kuya sino pong kausap niyo? "

Nakakahiya na hindi ko na pala namalayan na sumisigaw na pala ako sa harap ng maraming tao.

Not A Fairytale (BoytoBoy) Where stories live. Discover now