Chapter 15

21 4 0
                                    

"Pete? Saan tayo nagkulang? Bakit ba tayo ang pinili para parusahan ng ganito hindi kona alam ang gagawin ko sa anak natin"

"Hon wag mo sisihin ang sarili mo wala tayong kulang at mas lalong hindi tayo nagkulang sa pagpapalaki sa anak natin"

Hindi ko maintindihan kung ano ano ang mga tunog o boses na naririnig ko at alam ko lang na kasama ko ay ang aking lola.

"Pete dadalhin kona si Rein sa doctor ilang araw, ilang linggo, ilang buwan ang titiisin ko? Hindi kona matiis yung nakikita ko sa anak ko"

"Ilalabas kona siya sa kwarto niya hindi kona kaya ang nakikita ko at naririnig ko ayoko na pati si Rein mawala pa sa akin hinding hindi ko hahayaang mangyari yon"

Parang tinatamlay ako at hindi ko maimulat ang aking mga mata pero natatandaan kopa ang nangyari sa akin at naalala kopa ang pangalang Paul.

"Mrs and Mr Alfonzo wag po kayong magugulat sa sasabihin ko dahil ang anak niyopo ay mayroong sakit sa pagiisip pero hindi pa naman po sigurado kung tama po ang nakuha base sa test"

"D-doc? Ano po yung dahilan? Bakit po nangyari? Ano po yung mga dapat gawin maagapan pa poba doc"

Sa sobrang hina ng katawan ko ay hindi kona kayang kontrolin pa o buksan pa ang mga mata ko at hindi ko alam kung papaano ko papagalawin ang katawan ko sa sobrang hina ng katawan ko.

"Mr Alfonzo pwede niyo po bang bantayan ang anak niyo gusto ko lang po makausap si Mrs Alfonzo"

"Sige po doc pero pakibilisan po dahil baka magising po tong anak ko at hanapin yung nanay niya"

"Ok Mr Alfonzo"

Hindi ko alam at kung sino ang mga nasa tabi ko wala akong maintindihan kung bakit hindi ko maigalaw at maimulat ang mga mata ko.

"Mrs Alfonzo ipapaliwanag kopo kung ano talaga yung case ng anak niyo base sa test na isinagawa namin"

"Diagnosed po ang anak niyo ng schizophreniform kung saan po ay mayroong ginagawang process ang utak niya at naglalagay ng mga tao o pangyayari na hindi naman nangyari sa past o present na buhay niya"

Pinakikinggan ko lang ang mga boses na parang lumalapit sa akin at hindi ko maalala ang boses ni lola dahil iba na ang mga boses na naririnig ko.

"Doc ano po yung mga nangyari o ano po yung dahilan kung bakit nagkaroon ng ganoong sakit ang anak ko"

"Mrs Alfonzo may mga normal na causes po tayo maaaring namana o napasa sa kanya ang sakit nato o di kaya ay mayroon pong problema o mayroong disturbance sa brain circuits kaya hindi niya na manage ng maayos ang kanyang thinking or perceptions o di kaya ay mayroong events na nangyari sa kanya na hindi niya makalimutan kaya na develope ang ganitong uri ng sakit sa kanya"

"Naaalala kona doc sabay na namatay ang lolo at lola niya sa car accident at hindi niya matanggap at nagkulong nalamang siya sa kwarto at hindi niya din sinubukang makita kung papaano ilibing ang lolo at lola niya simula ng pangyayaring yun hindi na siya lumabas ng kwarto niya"

Not A Fairytale (BoytoBoy) Where stories live. Discover now