"Anyare sa'yo?"

Napaismid ako sa tanong niya saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib, handang handa ng magsumbong.

"Eh kasi hindi ako sinabihan na gagala sina Liah at Paris ngayon! Parang hindi mga kaibigan ah, tsk!"

"Deserve," bulong niya pero rinig na rinig ko naman. Aba Tito ah!

* * *

"Mag-text ka na lang kung magpapasundo ka na," ani Tito nang makarating kami sa parking ng mall. Tumango naman ako.

"Mauuna na po ako Tito," paalam ko sa kaniya pero nanatili itong tahimik, which is usual for him. My Tito Verilio is the type of guy who's silent most of the time. He doesn't like wasting his saliva so he rarely talk.

Bumaba ako sa sasakyan at nagsimulang maglakad papasok sa entrance. Alangan namang sa exit ako pumasok—oh shut up, Kiezara! Enough with your witty comebacks!

Napailing na lang ako. Nababaliw na ata ako at nakikipag-away na ako sa sarili kong isipan. Dumiretso ako sa section kung saan nandoon 'yong mga school supplies. Inuna ko 'yong mga kailangan ko bago ang kay Aaron.

Tsk! Ang swerte naman ata niya kung pati sa pamimili ay uunahin ko yung kanya. Kumuha ako ng dalawang bundle ng bondpaper, isang long at isang short, tatlong pack ng colored paper, coloring materials,  glue, sharpener pati na rin lapis. Alangan namang daliri ang ipasok ko sa sharpener 'diba?

Hindi ako sigurado kung kakailanganin ba namin ang yellow pad, pero dahil nakakaakit 'yong kulay ay bumili na rin ako hehe.

Nang matapos ako sa akin ay sa kapatid ko naman ang sinunod ko. Siyempre naka-separate siya ng basket, baka mag-away pa 'yong mga gamit namin ano. Mahirap na! Nang matapos sa lahat ay dumiretso na ako sa counter pero agad ding napangiwi ng makita ang napakahabang pila.

Ano ba naman 'yan

Ayoko talaga sa mga ganitong pila kasi nakakatamad tumayo—but thanks to my utak na gold, hindi ko na kailangan pang magtiis. Nilagay ko yung dalawang basket sa likod ng ale saka umupo sa malapit na upuan.

I am tamad but I have a gold na utak kaya ang mga basket ang pinapila ko. I am such an alpha kid! Lalapitan ko lang ang mga yun sa tuwing gagalaw ang pila upang iusog din. Subukan lang talaga nilang patirin paalis sa pila ang mga basket ko at sisiguraduhin kong mag-e-early reunion sila ni San Pedro.

Charizz.

Umabot ng isang oras ang paghihintay ko pero hindi naman ako gaanong nabagot kasi kahit papaano ay natuwa naman ako sa pagshe-share ng mga meme sa Facebok. Expert ata ako sa field of sharing. Magaling ako sa paghahanap ng mga nakakatawa at relatable memes. Hindi ako nagshe-share ng mga memes na pangmatalino. Duh? Bobo ako tapos magshe-share ako ng mga ganoon? No thanks. Sapat na sa akin ang manirahan lang sa mundo.

Pero...ano ba talagang ibig sabihin no'ng H20=Peroxide? Or tama ba? Ay ewan basta may utak ako, hangin nga lang yung laman hehe.

Nang matapos ako sa counter ay agad akong napasimangot nang makita ang limang malalaking plastic bag. Paano ko bibitbitin ang mga 'to?! Kahit nakakahiya ay lumapit ako sa isang cashier. Kinalabit ko siya kaya napalingon siya sa direksiyon ko.

"Ano po 'yon?" mahinahong tanong niya.

"Ahm, pwede pong hiramin ko ulit yung cart na ginamit ko kanina? Wala po kasi akong ibang kasama and I can't carry them all."

"Iyon lang ba? Sige, walang problema!"

"Talaga po?"

"Oo, iwanan mo na lang sa guard paglabas mo."

"Thank you po!" magiliw na sabi ko saka ngumiti. Ibinalik naman niya sa akin ang ngiting iyon.

Nagpatulong pa ako sa kaniya sa pagkarga ng mga plastic bags sa cart saka muling nagpasalamat at umalis na.

"Hello?" tawag ko sa tao sa kabilang linya.

(Ang sabi ko mag-text ka hindi tumawag.)

"Eh sinagot mo rin naman kaya ayos na po yun!"

"By the way, nandito na po ako sa parking lot. "

(Diyan ka lang maghintay dahil kapag hindi kita nakita kaagad, mapipilitan ka talagang maglakad pauwi.)

Sasagot pa sana ako pero pinatay na niya ang linya. Kainis! Tumabi ako sa guard para mabilis akong makita ni tito, tinext ko na rin siya para mas sigurado. Isusumbong ko talaga siya kay lol kapag iniwan niya ako dito.

Hindi naman nagtagal ay natanawan ko na ang pulang kotse ni tito. Tahimik lang ako buong biyahe habang binibilang ang mga signage sa gilid ng kalsada. Nang makarating sa bahay ay si tito na ang nagbuhat ng mga plastic bag kaya pasayaw-sayaw na lang ako habang papasok ng bahay.

"I'm home! Ma—" natigilan ako sa paglalakad nang makita sina mama at papa na mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Chismis ba 'to? Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero iba ang pakiramdam ko dito. Parang meron akong kinalaman.

"Richard you know that I can always tell my mom to just let Kiezara study in America," sabi ni mama. 

I knew it! Tungkol nga sa akin ang pinag-uusapan nila.

"I know, Loraine. Pero si mama na mismo ang humiling nito. At saka pumayag ka na diba? What's with the sudden change of decision now?"

"I can't just leave my daughter behind!" medyo pasigaw na sabi ni mama kaya napaigtad ako. Nakita ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni papa bago muling magsalita.

"Hindi naman masasamang tao ang makakasama ng anak natin, Loraine. They are your parents."

"Alam ko naman 'yon Richard. Ang sa akin lang, papaano tayo magpapakamagulang sa kaniya kung gayong nasa malayo tayo? Gusto kong subaybayan ang paglaki ng anak natin."

"Loraine listen, sa susunod na taon ay lilipat na naman tayo dito. Mauuna lang naman ng isang taon ang anak natin. At saka, mas maayos na siguro 'yon."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni mommy. Kahit ako ay naguguluhan!

"Alam natin pareho na palaging hindi nagkakasundo sina Dale at Delvin. Mami-miss nila ang isa't-isa kapag nagkalayo sila, and by the time na magkakasama na ulit sila ay hindi na sila mag-aaway parati. They will bond more to cover up the months that they were apart from each other."

"Hayy naku! Ewan ko ba sa dalawang iyon at palagi na lang nagbabangayan. Wala ni isa ang gustong magpatalo."

"Hayaan mo na Loraine. As long as hindi sila nagkakasakitan ng pisikal. Mga bata pa 'yon eh, natural lang sa kanila ang mag-away."

Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si mama bago tumayo. Nanlaki ang kaniyang mata nang magtama ang aming paningin. She gasped but I smiled like I did not heard their conversation.

"Hello po, good afternoon!" bati ko sa kanilang dalawa. Pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit pa ang totoo ay masama talaga ang loob ko at walang ibang gustong gawin kundi ang umiyak.

How could they do this to me? Iiwanan talaga nila ako dito all for the sake of my brother!? Nakakainis na talaga kasi si Aaron na naman ang iniisip nila! Lagi na lang si Aaron, simula ng dumating siya sa buhay namin ay nasa kaniya na lahat ng atensiyon ng mga magulang namin. Pwede naman pala akong sa America na lang mag-aral, pero nang dahil sa kabalastugan ng isip ng kapatid ko ay  mas pinili ng mga magulang kong iwanan ako dito!

  PHILORINA

Strings Between UsWhere stories live. Discover now