XXII

74 1 3
                                    

XXII - WHEN IT'S TIME TO GO


SHE wasn't sure what time is it already. Ang naaalala niya lang ay sobrang sama na ng pakiramdam niya at biglang nagkagulo sa kwarto niya. She was so sure na mamamatay na siya. Well, at least that's how it felt like. Pero ngayon na gising na siya ay sigurado siyang nakaligtas na naman siya mula sa isang sakuna. 

It's so tiring. Pakiramdam niya ay pagod na pagod na ang buong katawan niya. Kita niya ang mga pasa sa mga kamay gawa ng tusok ng karayom sa kung ano anong dahilan. Noong una naluluha pa siya sa sakit, noong tumagal parang nasanay na siya. Hindi niya na alam kung alin ang masakit at alin ang hindi. 

Nilibot niya ang tingin sa hospital room niya. Mas malaki ito sa dating kwarto and it resembles a hotel, for her at least. Pero kahit gaano man ka kumportable ang itsura ng hospital room niya, hindi nito mapapalitan ang katotohanan na nasa ospital siya. She's unwell and she's probably dying. She sighed. 

Napansin din niyang siya lang mag-isa sa kwarto. Wala ni sino man sa mga pamilya niya ang narito. Siguro ay may inasikaso ang mga ito. Panandalian niyang binasa ang labi niya at naramadman kung gaano na ito ka gaspang. She tried to smile pero humapdi lang ito. Sobrang dry na ng lips niya at nakaramdam rin siya ng uhaw. Gusto man niyang tumayo ay halos walang lakas ang mga binti niya. 

She suddenly felt frustrated. Simpleng bagay lang ang gusto niyang gawin. Tumayo at kumuha ng tubig pero hindi niya pa magawa dahil mahina siya. At dahil mahina siya, iniwanan siya ng taong mahal niya. 

Marco ... 

Gusto niyang magalit sa lalaki. Gusto niyang magtampo rito. Pero hindi niya magawa. Alam niya, all those happy endings are only found in books. Real life isn't Disney. Her problem isn't a mere lost shoe or being turned into a frog. Hindi sagot ang true love sa problema niya. Minsan gusto niya nalang maging character sa libro. O di kaya ay mag-ala Alice in Wonderland. 

Bahagya siyang natawa sa naiisip. Hindi naman kasi ganoon ka dali ang buhay. Magulo ito. Minsan, masakit din magturo ng leksyon. 

Akala niya, kapag pinaramdam niya kay Marco na mahal niya ito ay against all odds na silang dalawa. Akala niya kahit pa ba malungkot ang buhay niya ay magagawan niya rin ng paraan kasi kasama niya ito. How foolish was she to even think like that. 

Dinala siya sa Germany pero hindi naman sigurado kung makakaligtas siya. Her case may not be that special pero nakadepende pa rin kasi iyan sa katawan ng taong may sakit. At nanghihina na siya. 

Tama ang mama ni Marco sa sinabi nito. Wala na siyang pag-asa. Nakaratay na siya. Dapat ay hinayaan nalang niya na magkaibigan lang sila ni Marco. Dapat di niya na pinalagpas pa doon at ng sana ay hindi siya umasa ng ganito ngayon. 

Hindi naman makitid ang utak niya. Alam niya ang mga possibilities. Maraming complications kung magkakatuluyan sila pero lagi kasi siyang natatalo ng nararamdaman niya. Ngayon, ang nararamdaman niya ang nanakit sa kaniya. 

Gusto niya sana na nandito si Marco pero ayaw niyang saktan pa ang binata. Gusto niyang magalit dito pero hindi naman nito magawa. Alam niyang naguguluhan lang ito. Sa kanilang lahat na magkakababata, siya ang nakakaunawa ng sobra sa lalaking mahal niya. 

Nasa murang edad pa lang siya ay mahal niya na ito. She can't even remember how long. Pero naaalala niya na ang malungkot na pagkatao nito ang dahilan kung bakit siya naging malapit dito. Kaso dahil nga nagkasakit siya noon ay hindi na siya gaano lumapit. 

Alam niya 'yon eh. Noon palang. Alam niyang walang idudulot na mabuti ang paglapit niya sa taong mahal niya lalo na at may sakit siya. Why can the child her understand that but the adult her can't? Bakit hindi niya natiis ang lalaking mahal? 

Masyado na bang matagal ang pagkimkim niya ng nararamdaman sa lalaki kaya't di niya na napigilan kung kelan matanda na siya? Kaya hindi niya ito natiis? 

"Ang lalim naman ng iniisip mo." 

Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Rafa na nakatayo habang nakahalukipkip. Napaka-pogi nito at may suot na jacket. Ngumit siya ng bahagya rito at nawala na ang iniisip niya. "Rafa, kelan ka lang dumating?" 

"Kasama niyo ako pag punta rito pero mukhang hindi mo napansin kasi sobrang sama na ng pakiramdam mo. Kausap ng parents mo ang doctor. Si Jonson naman at ang bunso ninyo ay nagpaiwan sa Pilipinas." tumango naman siya sa sinabi nito.  

"Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo?" tanong niya rito, "Paabot ako ng tubig Raf, please." 

Nalukot ang mukha nito, "What am I, 15?" anito sa kaniya bago siya inabutan ng tubig. 

"Thanks." natawa naman siya, "Eto naman tinatanong lang e. High blood."

"Huwag mo na alalahanin kung hinahanap ba ako. I'm long past the stage of having curfews." ngisi nito bago sumeryoso at hinaplos ang pisngi niya. "How are you?" 

"Hm, I'm not good. Pakiramdam ko ay para akong nauupos na kandila." narinig niyang bumuntong hininga ito. "Huwag ka nga bumuntong hininga diyan. Come what may nalang 'no!" pabiro pa niyang dagdag. 

"I want you to get well. And live a life you want to live." seryosong saad nito sa kaniya. Minsan naninibago pa rin siya kapag seryoso ang kababata. Rafa is way younger than her pero kapag seryoso ito ay para bang mas matanda pa ito sa kaniya. Natutuwa rin siya kapag nakikita itong ganto sa kaniya, she finds him cute, like baby brother cute. 

"Gusto ko rin iyan. Gusto ko ring maabutan ang stage na iyan sa buhay ko." ngumiti siya rito, "Pero huwag nating pangunahan.  Like what I've said, come what may nalang muna ako sa buhay ko ngayon."

Matagal na tumitig si Rafa sa kaniya kaya iniiwas niya ang tingin rito. Pakiramdam niya ay napakaraming alam ng binata tungkol sa kaniya. 

"Why do I get the feeling that you're being this laid back because you're avoiding something?" 

Tumawa naman siya, "Avoiding what?" 

"What? More like avoiding 'who?'" 

Napayuko naman siya sa sinabi nito. "Huwag mo na siyang isali sa usapan. Kung nega man ako sa buhay ko ngayon, eh hindi 'yon dahil sa kaniya. Dahil 'yon sa katotohanan na pakiramdam ko, useless lang naman itong ginagawa ninyong pagpapagamot sa akin dito. Whether it's in the Philippines or here in Germany. Gan'on rin 'yon. Parehong walang kasiguraduhan." 

"Your doctors are trying to save you. Pero balewala ang lahat ng iyon kung hindi mo pipiliting iligtas ang sarili mo." anito at ngumiti sa kaniya bago lumabas sa kwarto niya leaving her alone again. 

Dear Marco ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon