VIII

98 6 0
                                    

VIII - DILEMMA


HABANG sa isang kilalang ospital sa Makati ay nakahiga sa isang hospital bed ang isang magandang babae. Nakapikit ang mga mata nito at kitang-kita ang halos papel na complexion nito. Napabuntong hininga si Rafael habang tinitingnan ang babaeng nasa harapan. Tulog na tulog ito kaya't sinamantala niya na hawakan ang kamay nito.

"Hey, Rafa." Bati ng dalaga kay Rafael. "What are you doing here? Diba may meeting ka pa?"

"As if that meeting is more important than you?"

Isang matamis na ngiti lang ang ibinigay ng babae sa kaniya bago nagpa-alalay na uupo.

"Dahan-dahan lang." Ani Rafael.

"Opo sige," natatawang sagot ng babae. "Pwede na raw ako umuwi diba?" Tanong nito kalaunan.

Nangasim ang mukha ni Rafael sa tinanong ng babae sa kaniya. Bakit ba gustong gusto nitong umuwi agad? "Ano ba kasi ang pinagmamadali mo? Dito kana muna mamalagi para masigurado ng mga doktor na ayos ka lang."

Umiling lang naman ang babae sa tinuran niya. "I can't stay here. Hindi ako mapakali. Even mom and dad knows that."

"Yun ba talaga? O dahil hindi mo kayang malayo sa kaniya ng matagal?" Mapait na tanong ni Rafael. Humirap siya sa gilid upang hindi makita ng dalaga ang sakit na bumalatay sa mga mata niya.

Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Rafa. "I'm sorry kung matigas ang ulo ko, Rafa. Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? You never know kung kelan ako—"

"Stop right there, young lady. Hindi ki gusto ang pupuntahan ng mga salita mo." Nakasimangot na puna niya rito.

Kagaya ng dati ay ngumiti lang ito sa kaniya. "Huwag ka ng magalit, Rafa. Tanggap ko na naman e. Tanggap ko na maaaring hindi ako makasurvive at mauna na. That's life you know?"

"Kaya ba hindi ka na nakatiis at pinaalam na kay Thoren na matagal mo na siyang mahal?" Sarkastiko niyang tanong rito.

Yumuko naman ang babae at nakita niya ang pagkagat nito sa labi nito. Bumuntong hininga siya.

"Hindi ba parang mas sinasaktan mo naman ang sarili mo sa ginagawa mo? Saka paano kung magkagusto na nga rin si Thoren sa'yo?" Tanong niya rito.

Umiling naman ang babae, "Malabo."

"Jacob called me and said that nanggaling si Thoren sa opisina niya. Tinatanong nito kung kilala ka ba daw ni Jacob." Iiling iling na saad niya. Ngumisi naman ang babae.

Matalino ang kaibigan niyang si Thoren. Pero siguro ganun talaga kung mataas nga siguro ang IQ nito ay mababa naman ang EQ nito. Obvious clues are there pero hindi parin nito magets.

"Your personalized envelopes are so obvious. Malalaman niya rin yun."

Umiling ulit ito. "No. Kilalang kilala niya ako pero hindi niya alam na mahilig akong mangolekta ng envelope na pinapasadya ko pa. Dalawa lang naman kayo na nakakaalam nun."

"He's stupid, then."

"Rafa."

"Fine. Only slightly stupid."

**

HINDI na namalayan ni Marco ang oras dahil halos subsob na siya sa trabaho. It's been... what? Days? Weeks? Two weeks to be exact mula ng malaman niya na si Leila ang nagbibigay ng sulat sa kaniya. Patuloy parin ang pagdating ng sulat pero hindi niya na ito masyado napagtutuunan ng pansin.

Hindi niya maintindihan kung bakit nagbibigay parin ng sulat si Leila sa kaniya eh alam naman na niya na sa  dalaga ito nanggaling. Kaya para saan pa?

He slightly massaged his stiff shoulders due to reading stuffs and burrowing his nose in his paperworks whole day. Nag-angat naman siya ng tingin sa relo at nakitang maga-alas otso na pala ng gabi.

Looks like he won't be coming home again.

Tinext na lamang niya ang ina na hindi ulit siya makakauwi at sa condo na muna matutulog. Hindi niya na inantay ang sagot nito at ibinulsa na muna ang cellphone.

He got his coat from the back of the swivel chair, ipinatong niya ito roon dahil bahagya siyang naiinitan sa suot, saka kinuha ang mga natirang papeles sa table niya. Sa condo na laman niya ito tatapusin.

Habang naglalakad siya sa hallway ang napansin niyang wala na ring katao tao maliban sa mga guard na on duty. Binati siya ng mga ito na tinanguan niya lamang.

Sumasakit na ang ulo niya. Ilang gabi na rin siyang ganito ang oras ng pag-uwi dala ng sobrang daming ginagawa.

I sit in that damn table for atleast 8 hours a day since the day I took over the position and still the paperworks are a lot.

Hindi na nga yata siya masasanay sa sobrang daming papel na kailangan icheck at mga potential clients and business partners na kailangan i double check.

Habang nasa car park ay napatigil siya ng makita ang isang pamilyar na envelope. Nakaipit ito sa wiper ng kaniyang sasakyan.

He didn't know whether to laugh or cry sa itsura ng letter. Parang ang lagay eh tiniticket-an siya because of wrong parking. Napailing na lamang siya at hindi napansin ang mumunting ngiti na sumisilay sa labi niya.

Binuksan niya ang sulat at sumandal sa sasakyan upang basahin ito.

Dear Marco,

You only live once, they said. May mga pagkakataon sa buhay natin na nagdadalawang isip tayo. For me, deciding whether I should be meeting you in person was a dilemma.

But I want to try the odds.

Napakunot ang noo niya sa nabasa. Meeting him in person? "Hindi ba't—" napatigil din siya sa sariling iniisip.

Leila lied to him. Hindi ito ang sumusulat sa kaniya!

But I want to try the odds.

Hindi na siya nagdalawang isip at pinaharurot ang sasakyan. He's not stupid. Makikipagkita sa kaniya ang babae at mukhang alam niya kung nasaan ito ngayon.

Sana maabutan kita.

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now