XXI

66 3 0
                                    

XXI - THE WINLESS FIGHT


He kept on staring at the white sheets while processing the nurse's words. Habang nagchicheck ang nurse at patuloy naman ang mga orderly sa paglilinis, parang estatwang nakatayo siya sa may pinto.

Lumapit ang nurse sa kaniya, "Excuse me po sir pero ididisinfect po muna namin itong room kaya hindi po pwede ang ibang tao." Saka lalabas na sana.

"Wait," pigil nya, "Lumabas na ang pasyente dito, right? Saan sila nagpunta?"

"Sorry, sir. Hindi po kami pwede magdisclose ng information ng patients basta basta. Kaano-ano po ba sila? May ID po ba?"

Umiling naman siya kaya ngumiti lang ang nurse at nag-excuse na muli sa kaniya.

Parang wala sa sarili siyang naglakad pababa ng Hospital. Halos wala na siyang matandaan maliban sa minsanang tinatanong siya ng guards at mga staff ng ospital na nakakasalubong niya kung ayos lang ba siya.

Binuksan niya ang cellphone at hinanap ang numero ng kasintahan.

Kirsen
+930*******

Pinindot niya agad ang dial ng walang pagaatubili. His breathing was ragged and his heart pounding so loud that he could almost hear it.

Please, sagutin mo.

"Hello?"

May sumagot naman sa kabilang linya pero hindi ito ang inaasahan niya. Boses ito ng kapatid ni Kirsen, si Jonson.

"Bakit ikaw ang sumagot? Nasaan ang kapatid mo?" tanong niya rito.

He heard his friend scoff on the other line, "Ang kapal din naman talaga ng apog mong tumawag pa sa kapatid ko matapos mo siyang iwanan?"

"Hindi ko siya iniwanan!"

"Bullshit!" Sigaw ni Jonson, "Duwag ka, Thoren. Duwag ka kaya hindi mo pinanindigan na sasamahan mo lagi ang kapatid ko. Ngayon magpasalamat ka kasi wala na siya!"

Wala na siya!

The last three words made him pause.  Parehong walang nagsalita sa magkabilang linya. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Natatakot siyang kumpirmahin ang lahat. Baka totoo.

Bumuntong hininga si Jonson sa kabilang linya, "Dude, kaibigan kita. Alam mo 'yan. Pero hindi ka muna gustong makita ng pamilya ko. Wala na si ate. Kaya siguro tama nga ang nanay mo. Sinasayang mo lang ang buhay mo."

"Anong wala?" Mababa ang boses na tanong niya. "Anong ibig mong sabihin sa wala, Jonir!"

"Wala na ang ate ko, Thoren! Wala na!"

He staggered the moment he heard those words.

"No. No. No! Hindi totoo 'yan! Inilalayo niyo lang siya sa akin kaya kayo ganiyan! Pupuntahan ko kayo sa bahay niyo." Aniya at nagmamadaling sumakay ng kotse niya para pumunta sa bahay nila Kirsen.

Ngunit bago pa man siya makapag-drive ay nagsalita na ulit ang kaibigan.

"Wala ka nang aabutan dito, pare. At hindi ka gusto makita ng mga magulang ko." Saka nito pinatay ang linya.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang cellphone na hawak. Ganun na lang ba 'yon? Wala man lang silang ipapaliwanag sa kaniya na para bang hindi siya naging parte ng buhay ni Kirsen? Na para bang wala lang siya?

Ganoon nalang ba talaga 'yon?

Hindi niya maintindihan at hindi siya naniniwala. Malamang sa malamang ay tinatago lang ng mga ito sa kaniya ang nobya. Imposibleng sa ganon ka bilis na panahon ay...

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now