Chapter 28

4.6K 126 2
                                    

Umuwi muna kami ulit sa mansion ni Selene.Nagpahinga lang ako ng kaunti at umalis.Nagpaalam lang ako na may bibilhin.

Pinuntahan ko si Savannah sa ibinigay niyang address.

"Savannah,"ani ko.Kay Selene din na kotse ang dala-dala ko.

"Halika,"ani niya na pumasok kami sa isang basement.

Nakita ko na nakatali si Grace sa upuan.May mga tauhan din si Savannah.

"Sino siya?"tanong ko kay Savannah.

"Siya si Mariel Fernando, ex girlfriend ni kuya Damon,"

Nanlalaki ang mga mata ko.

"What!"gulat na saad ko."Paanong nangyari?"

"Magkaibigan sila, of course! Nakaplano na ang lahat.Alam ni Grace na magkaibigan sila Gaia at kuya Damon, para makalapit si Grace, si kuya Damon ang ginamit niya,"

Napahawak naman ako sa aking ulo.

"Ako na ang bahala dito, Jenny,"

Tumingin ako kay Savannah.

"Huwag mo ako traidurin Savannah, alam mo ang kahihinatnan nito,"ani ko sa kaniya.

"No.Maasahan mo ako,"

Napatango naman ako.

"Pagsabihan mo ang tatay mo, na huwag niya galawin si General Fuentebella!"

Nagtatakang napatingin si Savannah sa akin.

"Pinapapatay ni Daddy si General?"

"Yes.Wala iyan sa usapan namin!"

"Don't worry akong bahala,"sagot niya sa akin.Pero duda pa rin ako kay Savannah.

"Baka ikaw naman ang gagawa?"inis na saad ko sa kaniya.

"Kapag ikaw nasa sitwasyon ko Jenny, lahat gagawin mo para protektahan ang mahal mo sa buhay, tama?"

"No.Itutuwid ko ang lahat.Huwag kang sunod-sunuran sa mga utos ng iyong tatay, dahil ikaw rin ang kawawa sa bandang huli,"ani ko at tumalikod na.

Pero tumigil ulit ako at humarap sa kan'ya.

"Dahil hawak mo ang pekeng Grace, saan matatagpuan ang totoong Grace?"diin na sabi ko sa kaniya.

"Don't worry ako na ang tatapos sa kaniya, magbabayad siya sa pagpatay kay Tanya!"

"Siguraduhin mo lang Savannah, ang alam ng lahat, wala na si Grace,"

Tumalikod na ako at sumakay sa kotse.Nauna na umuwi sila Z.Naabutan ko sila Ann at Ziena.

"Uuwi na rin ako,"ani ko sa kanila.

Si Ann pupuntahan siya ni Lance.Kaya mag-isa akong umuwi sa Pilipinas.

Ala-una ng hapon ang flight ko, at kinabukasan ng tanghali ako dumating sa pinas.

Dumiretso ako sa condo ko.Naligo muna ako at agad akong pumunta sa hospital.

"Hi Sam,"

"Hi Jen, sa loob si Doc,"nakangiting saad niya.

Dumiretso na ako pumasok sa clinic ni Doc.

"Love?"nakangiting bati ko sa kaniya.

Tumayo ito at sinalubong ako ng yakap.

"I miss you,"ani niya na hinalikan ako sa labi.

"May sasabihin ako sa iyo,"nakangiting saad ko sa kaniya.

Kinuha ko ang kaniyang kamay, at dinala sa tiyan ko.

Assassin's GameWhere stories live. Discover now