Chapter 23

4.4K 147 3
                                    

Ngayong gabi ang kaarawan ni Senator Walton.Nakasuot ako ng itim na gown at may mahabang slit ito sa gilid.Sa kabilang hita ko may baril nakalagay.Nakasuot rin ako ng black mask.

"Invitation card Ma'am?"tanong sa akin ng guwardiya.

"Here,"ibinigay ko sa kan'ya ang invitation card.Mahigpit ang security ng mansion nila Ann.Ang daming CCTV.

"Pasok na po kayo, Ma'am,"

Pumasok na ako sa loob.Halos lahat naka masquerade.Pumasok ako sa loob ng mansion.Napatingin ako sa isang babae na parang nagmamatyag ito.Kakaiba ang kan'yang kilos.Susundan ko sana siya nang mahagip ang paningin ko si Garret at Sabby.Hindi sila nakasuot ng mask.

Tiningnan ko ulit ang babaeng kaduda-duda ang kan'yang kilos.

Fuck!

Nawala bigla.Dali-dali akong pumunta sa labas.Panay ang tingin ko sa paligid.Napabuntonghininga na lang ako.Ang daming tao.Tinanggal ko ang mask at pumunta ako sa buffet table.Kumuha ako ng kunting pagkain at isang boteng wine.

Umupo ako sa isang tabi.Hindi ko naman ginalaw ang pagkain ko, panay simsim ko ng wine habang nakatingin sa dalawang taong masayang nagkukuwentuhan, si Garret at Sabby.

Kung tutuusin hindi naman kami magjowa.So para sa akin walang label ang relasyon namin.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Doc.Garret, nagulat pa ito, pero agad din itong ibinalik ang tingin kay Sabby.

Tsk! Akala niya hahabulin ko siya? Siguro nga hindi niya pa ako kilala ng lubusan.Gusto nila ng laro, puwes pagbigyan ko kayo ni Sabby.

Tinungga ko ang lahat ng wine sa aking baso.Halos nakalahati ko na ang bote ng alak.Pagtayo ko agad naman ako nakaramdam ng hilo.

Lumapit ako sa table nila Sabby ay Garret, nakatayo ako sa harapan nila.

"Wow, nice couple, maghihiwalay din kayo, walang forever,"nakangising saad ko sa kanila.

Nakatulala naman si Garret sa akin.

"Thank for the compliment, maybe walang forever but we believe in eternity,"malapad na ngiting saad ni Sabby sa akin.

"Eternity? Eh paano kung patay kana bukas, so kami ni Doc ang may eternity?"nakangising sagot ko sa kan'ya.

Masama naman ako tiningnan ni Sabby.

"Hi boys,"bati ko sa mga lalaking katabi ng table nila Garret.

"Hello,"sabay-sabay na sagot nila.

Humarap ako kay Garret, umigting ang panga niya na nakatingin ito sa akin.

Ngumisi lang ako sa kan'ya.Tumalikod na ako at bumalik sa aking lamesa.Kinuha ko ang aking pouch at tiningnan ang aking cellphone.Busy pa si Ann, siya kase ang umaasikaso sa mga bisita.Mag-aalas nuebe na, napag-isipan ko ulit pumasok sa loob ng mansion.Nakita ko si Z, tatawagin ko sana, pero bigla na lang may narinig akong putok ng baril.

Fuck!

Si Senator Walton!

Agad kong nakasalubong si Ann.

"Saan si Senator?"tanong ko kay Ann.

"N-nasa taas si Daddy!"

Agad kaming umakyat sa taas.

"Daddy! Daddy!"agad na sigaw ni Ann.

Agad kami pumasok ni Ann sa isang silid.

"Daddy!"sigaw ni Ann.

Nasa likuran na rin namin sila Roice at mga security.

Siya ang babaeng nakita ko kanina, magkapareho ng suot.Dumudugo na ang kan'yang braso.I know her, siya iyong asawa ni Roice, si Nery!

Assassin's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon