Chapter 21

4.6K 139 5
                                    

Papunta na ako sa bahay ni Doc, nang may humarang sa akin.Bigla akong napapreno.

The hell!

May bumaba sa kotse, nakablack mask ito.Naka jacket na black at naka sumbrero.
Sa pigura pa lang, alam na agad na  babae ito.

"Who are you?"seryosong tanong ko sa kan'ya.

"Pinag-iingat lang kita, someone trying to assassinate your team,"ani niya na tumalikod na ito.

Ano daw?

Nagtataka na sinundan ko ito ng tingin, parang kilalang-kilala niya ako.

Tumigil ito at lumingon sa akin.

"Nasa paligid lang ang kaaway ninyo, be alert,"agad na itong sumakay sa kotse at mabilis itong umalis.

"Who the hell she is!"mahinang saad ko.

Agad na akong sumakay sa Ducati ko at pumunta na sa bahay ni Doc.Pagdating ko, wala pa si Doc.Akala ko ba pauwi na siya?

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ito.

"Hey Doc, where are you?"

"Nan'dito sa bahay nila Sabby, hinatid ko siya,"ani niya.

"Sabi mo pauwi kana, sana sinabi mo agad sa akin nang hindi na ako pumunta dito,"inis na sabi ko.

"S-sorry,"

"Anong oras ka uuwi? Para alam ko kung may hinihintay pa ba ako o wala,"

"Hindi ko alam,"

"Okay, bye!"

Napatingin ako sa aking cellphone na tumunog ito.Si Garret, panay ang tawag.Pinatay ko muna ang cellphone ko at umuwi na sa aking condo.

Talagang kinakalaban ako ng anak ni General Cruz.Napangisi na lang ako.

Pagdating sa condominium building nakasalubong ko sina Ross at LC.

"Nagsex kayo?"asar ko.

Napangisi naman si LC sa akin.

Nagtatakang nakatingin si Ross sa akin at kay LC.

"Magkakilala kayo?"tanong ni Ross.

Malapad akong ngumiti kay Ross.

"Isang babaero, at isang badass, welcome to hell Ross Walton,"ani ko sa kan'ya at tumalikod na.

"Witch!"narinig kong saad ni Ross, napatawa naman ako.

Pagdating sa aking unit , agad na akong dumiretso sa shower, after kong magshower, nagbihis na lang ako ng malaking t-shirt at nakapanty lang.

Pumunta muna ako sa kusina para magluto ng makakain.Kumuha na lang ako ng cup noodles.Habang naglalagay ako ng mainit na tubig sa cup noodles ko, bigla na lang may nagdoor bell.

Agad ko naman ito binuksan.

Napangisi ako sa lalaking nakatayo, at titig na titig ito sa akin.

"Magandang gabi sa iyo, Doc Fournier,"malapad ang ngiti na sabi ko sa kan'ya.

"Kanina pa kita tinatawagan, pero naka off ang cellphone mo,"seryosong saad niya.

"Pasok ka muna,"ani ko.

Sumunod ito sa akin hanggang sa kusina.

"Jenny?"

Humarap ako kay Garret.

"Pinakaayaw ko ang maghabol na mukhang tanga, pero ibang laro ang gusto ko doc,"kinindatan ko ito."Kumain kana?"tanong ko sa kan'ya.

"Y-yes,"

Assassin's GameWhere stories live. Discover now