Chapter 15

4.7K 148 1
                                    

Dumiretso na agad ako sa presinto,nandoon na si Lewis.Nasa Munisipyo si Mayor Sancho at nandoon na ang mga pulis para aristuhin siya.

Pagkapasok ko sa presinto sinalubong ako ni Lewis.

"Ito na mga nakuha ko na lalong  madiin si Mayor sa kaso"-ani ni Lewis.

Napatango na lang ako.

Pumunta muna kami sa table ko.

"So hindi lang rape ang isasampa ng kaso  sa kanya"-nakangising saad ko.

Sangkot din si Mayor Sancho sa mga Illegal na Droga.

Naalala ko si Dos,ang kaibigan ni Z.Well,ganun talaga, kung siguro close kami ni Mayor baka ako pa protektor.

"Sigurado na mananalo na tayo sa kaso at makukulong  na siya"-ani ni Lewis.

"Okay,thank you,"-

"Sige, uuwi na ako"-

Umalis na si Lewis,masaya ako dahil matatapos na rin sa wakas at mabigyan ng hustisya si Sierra.

Panay ang inat ko sa aking upuan, nakakapagod!

Kailangan ko na talaga magbakasyon.

Napatayo ako nang makita si Mayor Sancho na nakaposas at nasa likuran naman ang mga pulis na humuli dito.Nakangising akong tumingin dito habang galit na galit itong nakatingin sa akin.

Nilapitan ko ito.

"Wow,ganda ng bracelet mo Mayor,kasya ang dalawang kamay!"-

"Pagbabayaran mo ito,Rivas!"-

"Wala akong utang Mayor,ikaw ang may utang sa batas, kulang pa pambayad ang buhay mo"-

"Pagnakalabas ako dito,ikaw ang una kong sisislngilin!"-

"Hala,bakit hindi mo pa ginawa noong hindi ka pa hinuli,eh panigurado hindi kana makakalabas"-nakangising saad ko sa kanya.

Nagbabaga ang mga niya na nakatingin sa akin.

"Pasok niyo na iyan sa silid niya,sa magandang silid niya"-utos ko sa dalawang pulis.

Bumalik na ako sa lamesa ko,binasa ko ang mga files na binigay ni Lewis.Sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas Mayor,kung sakali na makalabas ka, papatayin na kita.

Tumayo na ako,at lumabas na ng presinto.Sumakay na ako sa kotse ko, pupuntahan ko muna si Drake,dahil may pinapasabi si Z dito.

Malaki ang bahay ni Drake sa subdivision pero nasa Condo niya lagi ito.pagdating sa Condominium building,nagpark lang ako sa harap, hindi naman ako magtatagal.

Ilang beses ako nag doorbell pero hindi niya pa rin ito binubuksan.

Maya maya lang nagbukas ang pinto,

"Putang ina!ang tagal bago buksan!"-naiinis na saad ko dito.Napataas ang kilay ko sa itsura niya,wala itong damit pero nakapantalon ito,bukas ang zipper at hindi naka butones.

"May laban ka yata"-nakangising saad ko at pumasok ako sa loob.

"Wow,parang si Kier,nagsiliparan rin ang mga gamit"-

Nakita ko ang isang morenang babae, maganda ito at hindi masyado matangkad.

"Hi"-nakangiting bati ko dito.

"H-Hello"-nahihiyang saad niya.

"Ano ang kailangan mo Jenny?"-inis na tanong sa akin ni Drake.

"Kunin mo daw ang mga baril sa Condo ni Z,alam mo naman ang password sa Condo niya,"-

Assassin's GameWhere stories live. Discover now