Chapter 25

4.5K 128 3
                                    

Napatingin kami kay Gaia na palabas ba ito galing ng emergency room.

Nilapitan ito ni Z

"Kamusta siya?"

"Patay na siya,"blangkong mukha na saad ni Gaia.

"Review niyo ulit ang CCTV' footage,"utos ni Gaia kay Z.

"Bakit?"

"May mali sa CCTV, bantayan maigi si Senator.Selene? Tawagan mo si kuya Drake na umuwi muna sa Mansion, kailangan may kasama sila doon,"ani Gaia.

Nakikinig lang ako.Kung i-review ang CCTV, baka makita kami ni Savannah na magkasama.Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at nagsend ng email kay Savannah.Kailangan mahack ni Savannah ang CCTV footage.

"Kuya Drake? Bakit kuya ang tawag mo kay Drake?"tanong ni Ann.

"Kailangan makausap ko kayong lahat! Follow me!"diin na sabi ni Gaia sa amin.Napairap naman ako.Kung hindi ko lang ito kapatid, akala mo mapapasunod mo ako? Tsk!

"Roice, puwede umuwi ka sa mansion, kailangan ka ni baby Gavin, nandoon rin si kuya,"ani Gaia na humarap ito kay Roice.

"H-ha? Pasaan ka?"

"Sundin mo ako o walang sex hanggang pagtanda mo!"galit na sabi ko sa kan'ya.

Napatawa naman ako ng mahina nang makita ko ang reaction ni Roice.Puta! Mukhang sex na itong kapatid ni Ann.

"Shit! Oo na, pero please lang Gaia, bumalik ka sa amin ni baby Gavin, hihintayin ka namin,"

"Babalik ako,pangako,"

Napaismid naman ako.Himala tiklop ang putang-ina sa kapatid ko.

Humarap naman si Gaia sa akin

"Sumunod kayo sa akin,"ani niya.

Agad naman itong tumalikod.Humarap naman ako kay Roice.

"Bakit ka nagpapa-under? Nakakabawas ng pagkalalake mo,"nakangising saad ko sa kan'ya.

"Wala kang pakialam Jenny!"

"Roice, may gayuma akong binibinta, kapag gusto mo na gawin sunod-sunuran ang asawa mo, magsabi ka lang sa akin, bibigyan kita ng discount,"kinindatan ko ito.

"Magbayad ka muna ng utang mo, kain ka ng kain sa restaurant ko, hindi ka naman nagbabayad!"galit na saad niya.Napahalakhak naman ako.

"Bumili ka muna ng pang gayuma,"ani ko at tumalikod na.

"Jenny, sundan niyo na lang ang kotse ko,"saad ni Z sa akin.

Si Ann at Bea, sa kotse ko na sila sumakay.Pagdating sa hideout nila Gaia, agad na kaming bumaba.Malaki  ang bahay.At malayo sa kabahayan.

"Umupo kayo,"ani ni Gaia sa amin."Buhay si Grace,"

Nagulat sila sa sinabi ni Gaia.Tama nga hinala ko.Buhay siya.Matagal kong nakasama si Grace, ang babaeng bumaril sa akin ay walang tattoo.At natandaan ko pa na bago ako barilin ng pekeng Grace, mali ang unang paghawak niya ng baril.

"W-what?"gulat na sabi ni Z.

"Paano nangyari? Patay na siya!"ani naman ni Bea.

Huminga ng malalim si Gaia.

"Ang pinatay niyo ay kakambal ni Grace, noong gabi sa party ni Senator, ang kasa-kasama ni Roice na si Tanya ay hindi si Tanya kundi fake na Tanya.Nasa ibang bansa si Tanya, nagulat lang siya na dinampot niyo agad siya!"

"Naisahan tayo ni Black Panther! Tayo-tayo ang pinag-aaway niya, si Tanya isa siyang Assassin, miyembro rin siya ng Black Mafia,"

"Jenny, si baby Althea na kay Father Romero, anak siya ni Tanya, sa iyo niya inahabilin ang bata,"ani ni Gaia sa akin.

Assassin's GameWhere stories live. Discover now