Chapter 19

4.2K 128 1
                                    

"Doc, galit ka?"

"Please, Jenny, mamaya na tayo mag-usap,"ani ni Garret sa akin.

Nandito pa rin kami sa reception ng kasal ni Bea.

"Hindi mo ako namiss? Grabe ka naman, nakakasama ng loob,"pagtatampo ko sa Kan'ya.

Humarap ito sa akin.Napabuntonghininga ito.

"I missed you," ani niya.

Napangiti naman ako.

"Uwi na tayo Doc,"pangungulit ko sa Kan'ya.

"Mamaya na, kakarating mo lang di ba? Baka magtampo si Bea sa iyo,"

Nagpaalam muna ako kay Garret para puntahan ko si Bea.

Dumaan muna ako sa lamesa ng mga boys.

Isa-isa ko silang tiningnan.

"Mga babaero, maliit naman ang mandirigma,"nakangising saad ko at tumalikod na.

"Bea, uwi na kami,"ani ko kay Bea.

"Mauna ka pa maghoneymoon,"ngising saad ni Bea.

Tumawa naman ako.

"Sige na, enjoy, baka malumpo ka,"asar ni Ann.

"Thanks,"ani ko at tumalikod na.

Lumapit ako kay Doc.Garret.

"Tara na,"ani ko.

"May pupuntahan ako,"ani ni Doc.

"Saan, work?"

"No, n-nagpapasundo si Sabby sa akin, wala kase siyang sasakyan na dala,"

"Magtaxi siya, problema ba iyon,"inis na saad ko.Kakarating ko lang, uminit agad ang ulo ko.

"Nangako na pati ako na susunduin ko siya,"

"Okay,"ani ko at tumalikod na.

Bumalik ako sa table nila Bea.

"Akala ko ba uuwi ka?"tanong ni Ann.

"Pupunta pa ng hospital si Garret, mamaya ko na siya pupuntahan,"tamad na sagot ko.

Kumuha ako ng wine sa waiter na nag-iikot.Agad ko ito tinungga.

"Are you okay?"tanong ni Jane Cassy sa akin.

"Yeah, nasaan ang anak mo?"

"Iniwan namin ni Ulysses sa mommy niya,"

Tumango lang ako.

Tumayo na ako.

"Alis na ako, may pupuntahan lang ako,"

Tumalikod na ako.

Nakita ko si Garret na hindi pa ito nakaalis.Nilampasan ko lang ito, lumabas na ako sa gate at pumunta sa kotse ko.

"Jenny?"

Napangisi ako nang tinawag ako ni Garret.

Humarap ako sa kan'ya.

"Yes Doc?"

"S-Saan ka pupunta?"

"Magliliwaliw, ayaw mo pa kase umuwi,"

Nakatingin lang ito sa akin.Lumapit ako sa kan'ya.

"Kilala mo ako Doc.Kapag ayaw sa akin, kapag sinusuka ako, kapag tinutulak ako, hindi ako namimilit, pero asahan mo, magaling ako maglaro,"nakangiting saad ko sa Kan'ya sabay halik sa kan'yang labi.

Agad na akong sumakay sa kotse ko pauwi sa aking condo.Naghilamos muna ako, tinanggal ang make up, at nagbihis ng pantalon at t-shirt.

Bumaba na ako at sumakay ulit sa kotse.Dumaan muna ako sa grocery store at namili ng mga pangangailangan sa bahay-ampunan.

Assassin's GameWhere stories live. Discover now