Chapter 29

650 17 18
                                    

It had been five weeks, but Zenith still did not even bother to visit Era in the hospital. She lost count on how many times she called him using the number solely for her, but to her dismay, it was not operational. Ganoon din ang personal number nito, kahit sa opisina ay hindi siya makalusot sa sekretarya nito.

Madi-discharge na lamang siya ngayon ay ni anino nito ay hindi nagpakita. Her emotions were bottling up. Hindi na ba ito interesadong maging pamilya sila? Paano na ang pangako nitong iiwan ang asawa, dahil siya ang tunay na mahal nito? Ang mga pangako nitong isang kinabukasan na masaya na magkapiling, kasama ng kanilang magiging anak.

Halatang iniiwasan siya nito. She could feel that he was closing their chapter, but she wouldn't let him get away. Not this time, ipaglalaban niya ang anak at ide-demand rito na panagutan sila nito ng kanilang anak. She cannot let him get away and let him eat his cake.

"Argh!"

Inis niyang inihagis ang smartphone sa ibabaw ng hospital bed.

"What is that for?" nag-aalalang tanong ni Vernon sa kaniya pagkapasok nito ng kwarto.

"Nothing. What time are we going to leave?" Her voice lacked enthusiasm.

Nang palapit si Vernon para yakapin siya ay mabilis siyang umatras at umiwas. Nagtungo siya sa bintana at sumilip doon. Mataman niyang pinanood ang mga sasakyan, as if those passing cars could give an answer to her dilemma. She heaved a sigh.

Nilingon niya si Vernon na tahimik na inaayos ang kanilang mga gamit. Sa mahigit na isang buwan ay puno ito ng pasensyang initindi pati ang tantrums niya. Kapag hindi niya nakukuha ang gusto ay tahimik itong sumusunod, kahit pa ang mga pagkaing in moderation dapat ay pinipilit niya. He would always try to reason out ngunit pinagbibigyan pa rin siya nito.

"Ready?" He smiled warmly at her. All she did was nod.

She used to swoon with those expressive eyes. Those smiles that used to give her warmth right through her heart, but she couldn't feel it anymore. God knew how much she tried to love Vernon back, to be fair with him. Lahat ay ginagawa nito. Talagang bumabawi, at nararamdaman niyang mahal na mahal sila nito ng kaniyang anak.

Ngunit ang puso niya ay iba ang gusto. Pinilit niyang ipinapasok sa sistema niya na iyon ang nararapat, na iyon ang tama para sa kanilang lahat. Hindi na niya dapat pang guluhin si Zenith dahil ito naman ang pinakatamang gawin sa sitwasyon noon.

But a side of her couldn't take the idea wholly. May parte ng pagkatao niya na sumasalungat. Na bakit kailangan niyang magbigay? Why did she have to give way all the time? Why would she need to sacrifice her happiness again?

Kung sa tutuusin ay puwedeng-puwede naman ni Zenith na piliin sila dahil siya ang mahal nito. Naging saksi siya kung gaano naging kasaya sa piling niya si Zenith, kung paano ito naging tuliro sa pagpili kung ang asawa at ipinagbubuntis nito o ang kasiyahan sa piling niya ang mananaig.

It was time na dapat pakawalan na nito ang sarili sa tanikalang ibinigay ni Michelle rito.

"I will help him break down those chains," she whispered to herself.

Inalalayan siya ni Zenith habang pasakay ng sasakyan. They were both silent on their way back home. She had decided. Tama na. It was also unfair for Vernon. The man deserved only the best.

"Vernon, please iuwi mo ako sa condo ko."

Mabuti na lamang at naka-seatbelt siya, kung hindi ay titilapon siya sa biglang pagdiin nito sa break. Narining niya ang mga mahahabang busina mula sa ibang sasakyan. Marahas siya nitong nilingon. Nakita niya ang pagtagis ng mga bagang nito. She saw him take a deep breath multiple times. Ibinalik nito ang tingin sa kalsada at nagmanehong muli. She knew na pinipigilan nito ang ano mang emosyon habang nagmamaneho.

A Sinful Forbidden AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon