Excited akong yumakap at humalik ang kaniyang labi. Saglit lang sana iyon pero hinawakan niya ang likod ng ulo ko para hindi ako maka-alis. Sinara niya ang pinto bago ko maramdaman ang malambot na mattress sa aking likod.

I followed the way he kissed before parting from his lips. I laugh. Mahigpit ko siyang niyakap ng patagilid dahil naiiyak na naman ako sa sobrang saya.

Saglit kaming nasa ganoong higa bago siya tumayo at kumutan ako, "pahinga kana muna,mi. Mamayang two p.m pa po tayo aalis," ani niya bago halikan ang noo ko, tumango naman ako bago tumagilid ang higa at ipikit ang mga mata.

"Love, bili mo ako ng malunggay pandesal." Sabi ko kay Ethan paglabas ng kwarto habang kinukusot-kusot pa ang mga mata.

"Okay, mag titingin ako kung may bukas pang pandesalan." He replied before leading me to the kitchen.

Bakit naman kasi katanghaliang tapat tapos pandesal ang hinahanap ko!?

"Ate, may alam ka pa bang nag titinda ng pandesal dito?" Tanong niya kay tita Ali na akala mo ay hindi nakatira dito.

"Sa bayan, madaming nag titinda doon." Sagot ni tita bago lumingon at ngumiti sakin.

"One thirty na din naman, tara na kaya? Naka-ready na ba mga gamit niyo?" Tito Liam asked.

"Kagabi pang nasa trunk ng sasakyan ang mga gamit," sabi ni Levi bago umiling. "Sobrang excited lalo na ni mama, halos hindi mag kanda-ugaga kaka-tupi ng mga damit hahahaha."

Nag tawanan ang lahat dahil doon lalo na ang mommy ni Ethan, "nako hijo, ganoon talaga ang mga nanay. Kapag ang ate mo ay nanganak na at lumaki ang baby niya, makikita mo."

Napailing nalang din ako bago tumawa, I can't wish for more. Sobrang contented na ako sa pamilya na mayroon ako.

"Ano pa ang hinihintay niyo, tara na at baka umiyak na naman si buntis dahil sa pagkain na gusto." Saad ni Ethan bago ako akbayan at nag simulang maglakad palabas ng bahay, ngumuso lang ako dahil sa sinabi niya.

"Nasaan na ang mga kaibigan mo?" Tanong ko dito nang hindi makita ang mga kaibigan niya.

Tumango nalang ako nang sabihin niyang nauna na sa pupuntahan. Hinintay muna namin na makasakay na sa sari-sariling sasakyan ang mga kasama bago niya simulang paandarin ang sasakyan. Dalawa lang kami sa sasakyan niyang fj cruiser habang magkakasama naman sa iisang sasakyan ang mga magulang ni Ethan kasama ang pamilya ni tito Liam. Nasa iisang sasakyan naman sila mama at ang pamilya ni tita Lia.

Nakahilig lang ang ulo ko sa bintana hanggang sa makarating kami sa bayan para bumili ng pandesal. Si Ethan na ang bumaba para bumili, saglit lang din naman iyon kaya mabilis din siyang nakabalik sa sasakyan.

"Malayo ba ang pupuntahan?" Tanong ko habang busy sa pagkain ng pandesal.

"Hindi naman," tanging sagot niya habang tutok sa pagmamaneho.

Tumango nalang ako bago din ilipat ang atensiyon sa dinadaanan. Wala namang ibang mga nakikita kung hindi ang malawak na mga taniman lamang at kaunting bahay.

Sa loob ng walong taon, ngayon nalang ulit ako nakapunta dito. Kaya medyo namamangha na naman sa ganda ng mga nakikita. Puro green kasi, pero nakakabilib din dahil wala ka halos makitang bundok.

When I saw us enter the small alley I frowned, "sabi mo maganda ang pupuntahan natin?" Tanong ko.

Narinig ko ang mahinang tawa niya bago hawakan ang kamay ko, "makikita mo mamaya." Sabi niya, nag kibit balikat nalang ako bago manahimik.

Mabilis akong tumingin kay Ethan nang pumasok ang sasakyan sa malaking gate. Pag pasok palang namin sa pinaka entrance ay may mga staff nang bumungad at bumati samin.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now