Chapter 23

24 2 0
                                    

"M-Mama?"


Napatigil si mama sa pagsusulat at gulat na gulat akong tinignan. Agad niyang hinawi yung mga papel na nakakalat sa floor at tinulak ang mga ito papunta sa ilalim ng kama.


"O-Oh, a-anak! Nandito ka na pala, h-hindi ko napansin!" Pilit na ngiti ni mama. "Nagugutom ka na ba? Ano gusto mo? Ipagluluto kita, 'nak."


"Mama, ano po yung mga 'yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakaturo sa mga papel na tinago niya.


"W-Wala lang 'yan anak, problema 'yan namin ng tatay mo. Huwag ka na mag-alala at magpokus ka nalang sa pag-aaral." Nakangiting saad niya.


"Ma, malapit ko na matapos pre-law course ko. Nasa tamang edad din naman ako para malaman yung sitwasyon ng pamilya natin. Hindi naman na ako bata para pagtaguan niyo pa, ma." Nalulungkot na pagtatanggol ko sa kanya.


Mom and dad have always kept me in the dark, ever since I was a kid. Gusto kasi nilang mabuhay ako ng walang pinoproblemang iba kun'di pag-aaral lang. Gusto nilang isarili yung mga problema nila, kaysa na ipaalam nila sa'kin. Gusto nilang ilihim sa'kin ang lahat kasi alam nilang mangingielam ako.


But I also have the right naman, diba? Anak nila ako, matagal na akong naninirahan sa bahay na 'to pero palagi nalang ako walang alam.


"Hindi niyo po ba ako pinagkakatiwalaan, ma?"


"A-Anak, hindi naman sa ganun. Mahal ka namin ng papa mo, kaya ayaw namin na nakikita kang nahihirapan. Problema namin 'to ng papa mo, sarili naming katangahan 'to kaya dapat lang na hindi ka na madamay."


"Anak niyo ako diba? Parte ako ng pailya diba?" Nasasaktang tanong ko kay mama. "Ang pamilya ay dapat magkapit-bisig at dapat walang tinatago sa isa't-isa kasi kahit anong mangyari, tanggap ko kayo at tanggap niyo ako, pero ano 'to mama?"


Si mama ay napakagat sa ibabang labi bago humigpit ang hawak niya sa kanyang pajamas na suot. "P-Pasensya na anak, pasensya na..."


May gusto pa sana akong sabihin kaso natigilan ako nung may tumawag na numero kay mama. Unknown ito pero sinagot it agad ni mama.


"H-Hello? Sino po sila?"


Hindi ko naririnig yung sinasabi nung nasa kabilang linya pero base palang sa itsura ni mama, mukhang masamang balita ito. Halata sa kanyang mga mata na gusto niya nang magwala, magpanic pero pinipigilan niya lang kasi gusto niya maging kalmado lang.


"M-May proof ba talaga kayo n-na ospital kayo? Hindi po magandang biro 'yan ha," Mom said while forcing a smile on her face. "... M-Mang Tony, ikaw po 'yan?... Pasensya na po, akala ko kasi prank lang... M-Mang Tony, please. Pakiantay po kami ng anak ko, p-papunta na po kami diyan..."


Nanghihinang ibinaba ni mama ang tawag bago niya ako tinignan habang tulala. "A-Anak... Y-Yung t-tatay mo... i-inatake sa puso..."


Parang binagsakan ako ng langit nung narinig ko yung mga salitang 'yon. Hindi ko maprocess sa'king utak yung mga nangyayari ngayon. Marami pa akong tanong kay mama kaso kailangan na rin namin puntahan si papa para tignan yung kalagayan niya.

A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]Where stories live. Discover now