Chapter 24

31 2 1
                                    

Dad eventually got discharged from the hospital after a week or so. Pinatigil namin si papa sa pagtratrabaho para makapagpokus siya sa kanyang sarili. Nung una, pinaglalaban ni papa na kakayanin niya naman daw, pero hindi kami nagpatalo ni mama. Syempre, para sa kanya rin naman yung ginagawa namin.


Napagdesisyunan nalang nina mama at papa na magtutulungan sila para mas palaguin pa lalo yung carinderia. Tuturuan ni mama si papa magluto at kung paano yung tamang pakikipag-usap sa mga customers. 


"David, pinagluto kita ng ampalaya at chopsuey," Pinaghain ni mama si papa sa lamesa.


Kumunot yung noo ni papa. "Gulay nanaman?"


"Aba syempre! Maraming bawal sayo at dapat maiwasan natin ang paghina ng katawan mo." Pagdedepensa ni mama. Marami ngang bawal kay papa, katulad nalang ng tilapia, baboy, karne, at kung anu-ano pa dahil pwede ito maging dahilan ng paglala ng kalagayan ni papa. 


"Tutubuan na ako ng dahon eh," Pagrereklamo ulit ni papa. "Kahit isang kagat lang ng chicken, bawal?"


"Papa, bawal." Sumabat ako sa kanila. "Makinig nalang kayo kay mama, hindi na po kayo bata."


"Tama anak, tama." Tumango-tango sa'kin si mama at binigyan pa ako ng thumbs up.


Sumimangot sa'min si papa pero pinilit niya ang kanyang sarili na kainin yung gulay. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain dahil may klase na ako ngayon. Natapos namin yung defense namin noong nakaraang Linggo at ngayon namin maririnig yung feedbacks nung bawat panelist na nakipagdebate sa'min. 


"Ma, pa, gusto ko sanang magpaalam sa inyo." Sabi ko habang kinakain yung chopsuey.


"Ano 'yun anak?"


"Balak 'kong kumuha pa ng shifts sa cafe, bale magiging Lunes hanggang Sabado yung pasok ko doon." Dire-diretso 'kong sinabi. "Nakausap ko na yung manager namin at pumayag na siya sa request ko."


"Hindi pwede," Sagot agad ni papa.


Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. "P-Po?" 


"Hindi kita papayagan 'nak, that's final." Sagot ulit ni papa bago ako tinignan sa mga mata. 


"B-Bakit pa? Eh kailangan din naman natin yung pera,"


"Anak, hindi ako nagtrabaho para lang makita kang masyadong nagpopokus sa pagtratrabaho; gusto kita makitang makapagtapos sa iyong gustong kurso. Ang pagtratrabaho ay dapat sa'min lang ng mama mo, dapat wala ka nang iniisip na iba pa kun'di yung pag-aaral mo."


"Mahirap maging working student, oo alam ko 'yan kasi ganyan din ako dati. Ayoko na sanang mahirapan ka pa anak," Pagpapaliwanag ni papa. "lalo na't malapit ka na makapagtapos ng pre-law."


"Tama yung papa mo 'nak, gagawan nalang namin ng paraan yung mga gastusin dito sa bahay." Pagsingit ni mama. 

A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]Onde histórias criam vida. Descubra agora