Chapter 12

47 6 2
                                    

I woke up with a heavy heart and eyes.


Nakita ko na halos naka-20+ missed calls si Shaira mula kagabi, pero hindi ko na 'to nasagot agad kasi nakatulog ako. I cried and cried last night, and that made my eyes tired and sleepy. Castriel left a message for me at my social media. Tumawag din sa'kin si Wyatt ng ilang beses sa Messenger 'tas puro sad face emojis and sinesend.


They were worried about me.


I bit my lower lip. I felt touched by their actions. Pero nag-alala din ako na baka nagmukha akong attention seeker sa kanila kagabi dahil tinawagan ko sila. Malamang ay naistorbo ko sila sa kanilang mga ginagawa. I'm sorry for being a baggage, everyone. I didn't mean to disturb you.


Asrow was the only one who didn't call or message me about last night.


Okay lang 'yon sa'kin. Last choice ko lang naman siya kaya hindi ako nasaktan doon. I wasn't expecting anything from him.


Mom and dad both apologized to me when I went down, but as their daughter, I told them that everything is going to be okay soon and that they don't have anything to apologize about. I reassured them that I'm also okay and that I won't get affected from ate Donna's words. Kinailangan 'kong magsinungaling sa kanila kasi ayokong mag-alala sila sa'kin. Tsaka, kailangan 'kong mas magsikap sa trabaho ngayon para makapag-ipon pa ulit.


Pumunta ako sa school ng maaga kasi may plano akong magreview ulit. Kailangan 'kong mag-advance reading kung gusto ko pumasa sa law course ko. Mahilig pa naman mga profs namin na magtanong on the spot.


"Ang sakit ng likod ko," Bulong ko sa sarili nang makaramdam ng kirot.


I stopped walking when a guy stood in front of me. He was wearing a blue shirt with his usual slacks. His hair looked a little wet because of the shower and his perfume immediately filled the air with his sweet but tough aroma. Surprisingly, he was also wearing a pair of reading glasses for some reason today.


"Oh, ano kailangan mo?" Tanong ko, halatang nasa bad mood boses ko.


"Your eyes are red,"


"O'nga, alam ko."


"They're also swollen..."


"..."


"Your cheeks look puffier than usual,"


"Ano nga meron?? Ano kailangan mo??"


"... 'Tas may panis ka pang laway sa gilid ng bibig mo," Sumilay ang isang nakakalokong ngiti mula sa kanyang bibig.


Pinanlakihan ko siya ng mata bago ko tinignan ang sarili ko sa camera ng phone ko. Shit, hindi ko napansin! May panis nga pero kaunti lang! Pinunasan ko naman ito agad gamit yung panyo ko. That was embarrassing, jeez Cally!


"Kung mang-iinis ka lang, maghanap ka ng ibang kausap." Inirapan ko siya bago ko siya nilagpasan.

A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu