Chapter 20

27 4 2
                                    

"Huh? Ikaw ninenerbyos? Bago 'yun ah,"


Pang-aasar ko sa kanya habang nakikita ko siyang inaayos ng paulit-ulit ang suot niyang damit. Naka-pormal itong suot ngayon dahil ipapakilala ko na siya kina mama at papa bilang opisyal na nobyo ko. May dala-dala pa itong bulaklak at tsokolate para kina mama at papa. 


"N-Normal lang 'to," Nauutal na sinabi nito.


Kita ko ang pamumula ng tainga niya habang nakatitig sa dala-dala niyang bulaklak. Yung kanang paa niya ay hindi na tumigil sa kakatapak ng ilang beses sa sahig dahil sa kaba.


"Kaya mo 'yan," I told him and gave him a small kiss on his right cheek.


Sumimangot siya sa'kin. "Mas lalo akong kinabahan, pinabilis mo 'to eh," Parang batang nagrereklamo habang nakaturo sa dibdib niya.


Humalakhak ako bago ko siya hinila papasok ng bahay. Kumatok muna kami bago nagpakita sina mama at papa, na formal din ang mga suot. Dad looked stricter than before while mom looked neutral. Sinabihan ko naman na sina mama na sinagot ko na siya, para hindi sila magulat at magpanic 'pag nandito na yung binata. Syempre, panget din kasi yung biglaan.


"G-Good morning po," Bati ni Asrow sa kanila bago iniabot yung bulaklak at tsokolate sa kanila. "B-Binilhan ko po kayo ng pasalubong,"


"Bakit? May importanteng ganap ba, hijo?" Striktong tanong ni papa at talagang pinagdiinan yung salitang importante.


Nahihiyang ibinaba ni Asrow yung kanyang dinala, "Ahh, sabi ko nga po pa-advance happy birthday ko po 'to sa inyo,"


"So hindi importante yung araw na 'to?" Tanong ulit ni papa.


"A-Ay! Importante po tata- s-sir!" 


Inismiran siya ni papa bago kami pinapasok sa loob. Pa-kunwari pa 'tong si papa pero ang totoo niyan, boto siya sa binata dahil nakikita niya naman na maayos siya na tao. Pinaupo kami nina mama sa hapagkainan. Mga lutong bahay na ang nakahanda sa ibabaw nito katulad ng adobo, puchero, at iba pa.


Habang kumukuha kami ng pagkain, biglang nagtanong si papa ng nakakahiyang tanong.


"Kelan mo pa nagustuhan anak ko hijo?" 


"Last year pa po," Diretsong sagot ni Asrow.


Tinitigan ko siya habang nakahalumbaba. Hindi ko alam na last year niya pa pala ako natitipuhan! Maasar nga mamaya.


Kinunutan siya ng noo ni papa, "Oh last year pa pala, bakit hindi mo siya niligawan?"


"Some things happened po, I don't want her to see me as a pathetic person." 


"Ano ulit course mo?"


"Architecture po," Sagot si Asrow ulit. "Mauuna po akong mag-graduate kaysa kay Cally, pero kaya ko po siyang antayin."

A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]Where stories live. Discover now