Chapter 1

224 12 6
                                    

Cally's POV

"Order for table #5 is ready," Chef Luiz handed me a tray with a cup of coffee, a strawberry milkshake, and two slices of blueberry cheesecake on top of it.


"Thanks," Sabi ko sa kanya at binuhat yung tray papunta sa table #5.


Binati ko yung mga customers habang nakangiti at 'saka ko ibinigay yung kanilang mga order. Umabot sa ilong ko yung amoy ng mga pawis nila sapagkat galing pa daw ng Batanes. Halos isa hanggang tatlong oras din ang kanilang naging byahe papunta dito sa Manila. I didn't mind the smell because I'm already immune to it.


"Ang ganda mo naman miss," He complimented me before snickering. "Ano name mo?"


Nginitian ko siya at itinuro yung name plate ko sa left chest ko. "Kung nakakabasa ka, congrats may mata ka at alam mo na."


Tinalikuran ko sila at bumalik ulit sa may counter para mag-antay ulit ng susunod na oorder.


"Uy 'teh, sungit ah." Tinawanan ako ng co-worker ko na si Suzy. "Kita ko 'yon,"


"Gusto mo din ba na i-congrats kita dahil sa mata?"


"Jusko, bahala ka nga diyan!"


I rolled my eyes before letting out a short laugh. Ito ang buhay ko: Waitress ako sa isang bikers' cafe sa Manila. Hindi ko ito ginusto ngunit gusto ko matulungan ang mga magulang ko na nag-kakaryenderya lamang. Hindi gaano kalaki yung naiipon ko dito pero ito lang kasi yung workplace na maayos yung pakikitungo ng may-ari sa kanyang mga katrabaho.


"Miss, paorder po!"


Nilapitan ko agad yung customer at nginitian ko siya, "Yes po? Ano po order nila?"


"Isang caramel macchiato," Sabi nung customer.


"Noted. Please wait for a couple of minutes for your order because there are other pending orders too. Thank you for choosing Sweet Tea Bikers' Cafe!" I smiled even wider at him before I left and gave the order to the kitchen.


While walking back, my alarm suddenly rang inside my pocket. Malapit na din kasi mag-end yung shift ko ngayong Sabado. Pagkatingin ko sa phone ko, nakakuha pala ako ng message galing kay Clark.


-----


Clark
Hey, otw na ako.

Cally
Ok.


-----


Nagpaalam na ako kay Suzy bago ako pumunta sa room for employees lang. I changed my clothes into my normal ones. I wore a simple yellow shirt and a white skirt with a heart-shaped belt. Niready ko na din yung backpack ko at nilagay doon yung mga iuuwi ko ngayon. Sinuot ko din yung sumbrero ko bago ako lumabas ng room.

A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]Where stories live. Discover now