Chapter 5

56 9 3
                                    

Exams week came by.


I wasn't able to review much because I helped my parents again. Pumasok naman na si ate Donna no'n, yung taong katulong talaga ni mama sa carinderia pero ang 'dami lang kasing tao kaya napatulong na din ako, kahit na may exams ako kinabukasan. Kaunting sakripisyo lang naman 'yun para kina mama at papa.


Si papa naman, maghapong nasa labas. Palagi siyang basa dahil sa pawis at init sa labas. Malapit naman na mag-ber months kaya sana kahit papaano, hindi na siya magpawis masyado at masama din kasi 'yun para sa kanya.


"Republic Act 9851 is the Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity..." Binigkas ko ito habang inaalala sa utak.


"Yung R.A 3720 alam mo na?" Tanong sa'kin ni Shaira. Kasabay ko siyang nag-aaral kasi mukhang hindi din siya nakapag-aral ng ayos. 'Pag nag-aral 'yan, malamang gumuho na yung mundo no'n.


"Food, Drug, and Cosmetic Act?" Sagot ko naman sa knaya. Binigyan niya ako ng thumbs up. Napabuntong-hininga naman ako.


Kanina pa kaming alas-singko ng umaga nag-aaral dito sa loob ng campus. Wala masyadong tao nung mga oras na 'yon kaya peaceful. Nakapag-aral namin kami ng maayos. Er, ewan ko lang sa kaibigan ko kasi nag-brebreak siya ng ten minutes pagkatapos magbasa ng isang page sa libro, jusko naman.


Kesyo kailangan daw ng pahinga yung mga utak namin kaya ayan. Um-oo nalang ako.


Nag-exam naman kami agad sa first class. Hindi naman siya ganun kahirap apra sa'kin kasi nabasa ko naman kaninang umaga yung mga terms 'tas mga readings. May stock knowledge naman din ako kahit papaano kasi palagi akong nakikinig sa mga professors ko. The room was quiet so I had my focus on the exam only. I could only hear people writing and turning their exam papers to the next page.


My best friend, on the other hand, kept on giving me help signs during the examination. Eh pa'no ko siya mabibigyan kung nakatingin yung prof? 'Yan siguro napapala ng may tig-ten minutes break.


"Isinusumpa ko yung taong nagpauso ng exams..." Bulong ni Shaira habang tinutusok-tusok yung pork chop na inorder niya.


"Hoy maawa ka sa pork chop," I told her.


"Sa pork chop naaawa ka pero sa'kin hindi?"


I laughed at her. Pinagkumpara niya pa sarili niya sa pagkain amp! She was that depressed about her exams. Medyo confident naman ako kahit papaano sa exams ko kanina kasi multiple choices naman siya 'tas my opinionated essay pa.


"May work ka ba ulit mamaya?" Tanong niya habang pinapanood akong ngumuya ng burger ko.


"Ah oo," Tinanguan ko naman siya. Kailangan 'kong bumawi nung Biyernes kaya papasok ako ngayong araw kahit wala naman ako shift tuwing Lunes.


Napa-pout siya. "Sayaaang! Papapanood ko sana sayo yung bagong routine namin. 'Tas magsplisplit pala ako sa dulo, gosh! Masyado nilang tinake advantage yung pagkaballerina ko dati ah!"

A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon