Hypocrite

3.8K 86 1
                                    

Tahimik na nakakapit lang sa braso ni Billy si Coleen habang naglalakad sa hallway ng station papuntang parking lot.

“Parang pagod na pagod ka ah.” Mahinang sabi ni Billy sa dalaga at saka hinaplos ang buhok nito’t hinalikan siya sa sentido.

She just closed her eyes. “Sina Stacey kanina, kinausap ni Boss Mike. May guesting daw sa Apple Split.”

Diretso pa din ang paglakad ng dalawa.

“Nung isang araw, si Genelyn. May special participation sa movie na bago.”

Inulit lamang ni Billy ang kaninang ginawa at hinarap ang mukha ng dalaga. “Still searching for your break?”

“Parang ang tagal-tagal naman kasi eh. Bils, 10 years na ‘ko sa kaka-model ng kung anu-ano. Billboards, posters, flyers, TVC… mas madami pa nga endorsement ko sa mga yun eh. Pangit ba ‘ko?”

Hinawakan ni Billy ang magkabilang panga ng dalaga at tiningnan ito ng diretso sa mata. “Coleen Astorga Garcia. Maganda ka, ok? Magandang-magandang-maganda. At saka, wala naman sa mukha-mukha yan. Magaling ka rin at lahat. Baka lang hindi pa oras. Naaalala mo yung nagmu-mukmok ka sa ice cream parlor noon? Kung nabigay na sa’yo yang break mong hinihingi, malamang, hindi kita makikita. At hindi din kita makikilala.”

“Psss.” Ani Coleen na pinipilit din sa sariling maging masaya. Naiinggit lang kasi talaga siya sa mga kasabayan niya.

“Now, listen to me. God always has the best plan for everything and everyone. Good things come to those who wait.”

“Hanggang kalian naman ako maghihintay?” malungkot na sabi ni Coleen.

“Basta, alam kong darating din yan.”

“Andali sa’yong sabihin kasi ikaw, sikat na sikat ka na. Why can’t I be like you?”

He kissed her forehead and chuckled as he did so. “Ewan ko sa’yo. Wag mong ikukumpara ang sarili mo sakin because for me, you’re beyond perfect… and I’m like this. Just me.”

“Cheh! Corny mo.” Pagbungisngis ni Coleen at patampal na tinulak palayo si Billy. Pinagbuksan ng pinto ni Billy si Coleen at magkasama na silang umalis ng istasyon.

-------------

“Hello? Oh, okay. Sige, kasama ko naman sina Jas, dito na kami kakain kina Emmy.” She answers the phone while clearing her cluttered desk at kina-crumple ang mga di na kailangang papel. “Talagang sine-seryoso mo na yan ah? Pakilala mo na nga sakin at nang ma-warningan!.... ….Hahaha!” Reports January 15, 2011. Bat andito pa ‘to? Jassmine Romero “Jas, papel mo! Ang kalat-kalat oh, umaabot hanggang table ko? Hahaha!”

“Ay, yan ata kanina ko pang hinahanap, thank you!”ani Jas sabay kuha nung papel na inaabot ni Karylle.

“…OK, Kuya, sige. Ingat. Take care. Bye.” Sagot pa ni Karylle sa kausap sa phone.

“…Opo! Hahahaha!” Natatawang binaba ni K ang phone at hinarap ang mga kaibigan. “Jas, Emmy. Sabay muna ako sa inyong umuwi.”

“Huh? Sleepover?”

“Tch. Di ka pa nasanay, Jas. Makikikain lang yan.” –Emmy, fair complexion, wears glasses but looks extremely gorgeous yet intimidating.

“Kelan ka ba papayagan ng Kuya mong matulog sa ibang bahay? Grabe naman, K… 33 ka na oh.”

“Di nga ako pinagbabawalan ni Kuya… Pinapauwi niya lang ako agad.”

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon