Madaming games para sa mga bata. May payaso pa nga silang kinuha kaso umiyak naman si Rycel. Mukhang takot siguro sa clown haha.




After ng party ay napagpasiyahan na naming umuwi ni Annie. Nagpaalam na kami kina Ryanne at Celestine. Si Rycel di na namin nakausap since nakatulog na siya. Kasalukuyan siyang kinakarga ni Ryanne.




"Mag-ingat kayo sa pag-uwi." Paalala pa ni Ce samin.




"Oo namam. Bye babe." Paalam ko kay Ce sabay halik sa kanya sa pisngi at ganun din ang ginawa ko kay Ryanne. I kissed Rycel din sa noo na mahimbing na natutulog sa balikat ng mommy Ryanne niya. Nagpaalam na din si Annie.




We're on our way to Annie's house and since si Annie siya eh expect mo nang maingay ang buong biyahe.


"I have a question nga pala." She said habang nakaplay ang music sa background.




"What is it?" Tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa kalsada.




"I always wonder why you're calling Ce babe and not me." She switch her position at ngayon nakatigilid siyang nakaharap sakin. Her head resting on the passenger seat while looking at me.




"Cause she's my bestfriend and my babe." Kasual kong sagot sabay kibit ng aking balikat.




"And I'm your girlfriend for almost four damn years and you never did call me babe or miloves or whatever even ONCE. Don't I deserve an endearment too?" Napatingin ako sa kanya sabay ngiti. "Wag mo nga akong ngitian. Halikan kita diyan eh." Pagbabanta niya na lalo kong ikinangiti. Kung halik lang din naman ang kapalit ng pagngiti ko edi ngingiti ako lalo haha. "Tss. Sige ngiti ka lang diyan. Asa naman na hahalikan kita."




"Ang cute mo Annie B."




"Annie B..." she mocked me na ikinatawa ko naman. Napabuntong siya ng kanyang hininga. "I know I shouldn't feel this lalo na at si Gov yun. I mean, yeah she's your bestfriend and you call her babe even before pa naging tayo pero...nakakaselos lang kasi minsan." Napakunot naman ang noo ko sa kanya kasi di ko narinig masyado yung last part. Hininaan niya kasi ang boses niya nung sinabi niya yun.



"What?"


Sinamaan niya lang ako ng tingin "Magdrive ka na nga lang diyan. Hayaan mo na lang akong mag-emote dito. Don't mind me."




"Annie, I heard you. Sa last part lang ako nabingi kasi naman ang hina ng boses mo."




"Don't mind me na nga. Focus ka na lang sa daan." Turo niya pa sa harap ng kalsada.




I can sense na she's annoyed already kaya naman I stopped the car sa gilid ng kalsada na ikinataka naman niya.




"Why did you stop?" She confusingly asked.





Hinarap ko ang katawan ko sa kanya saka kinuha ang kamay niya. She looked at me with her confused face.




"I don't think endearment is necessary. Do I need to call you such babe or miloves or whatever just for you to feel my love?" Maingat kong tanong sa kanya.



"Hindi naman yun yung pinopoint ko eh. Of course, ramdam ko yung love mo and isa pa okay lang naman na wala kang endearment for me. Nagtataka lang ako kung bakit Annie ang tawag mo sakin eh tinatawag naman kitang miloves ko." Saad niya.




Napangiti ako sa kanya. "Ang cute mo talaga Annie B."



Pinaningkitan niya ako ng kanyang mata "Annie B. Annie B." She mockingly said. "Tigilan mo nga ako kaka Annie B mo."



"Annie B." Pag-uulit ko habang sweet na nakangiti sa kanya. She just groaned "Yun naman talaga tawag ko sayo kahit noon pa, right?" Hindi siya nakasalita "Annie B... Annie B as in Annie Baby." paliwanag ko sa kanya "Oy, ngingiti na yan." She just rolled her eyes on me. Natawa ako kaya natawa na din siya.




"Ihhh, miloves!" She whined. Ang arte talaga haha.




"O?" Natatawa parin ako.




"Ayoko na sayo! Iuwi mo na nga lang ako!" Kunwaring inis niyang sabi.




"Sa bahay namin? Sure." Akmang papaandarin ko na sana ulit ang sasakyan ng magsalita siya.



"Anong 'sa bahay namin'? Sa bahay namin kasi." Diin niyang sabi.



"Sabi mo kasi iuwi na kita." Sinungitan lang niya ako. Natawa na lang ako sa kanya. "Hey..." kinuha ko yung isa niyang kamay saka hinalikan ang palad niya at inilagay ito sa pisngi ko "I love you."


She gently caressed my cheek. Inilipat niya ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko papunta sa chin saka ako binigyan ng matamis na halik sa labi. She smiled after we shared a kiss then said "Almost four years and I am still inlove with you, Villarama." Grabe talaga ang epekto niya sakin. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa kanya sobra.





Sana lang di dumating yung araw na kinatatakutan ko. Ayokong dumating yung araw na yun kasi di ko alam kung anong mangyayari pag nangyari yun.





🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now