10. First day in Magi Academy

356 35 0
                                    

Angel's POV

This is it!! Dahil first day ko dito sa academy ay maaga ako nagising. Dumiretso na ako ng banyo para makaligo. Matapos ay nagbihis na ako, sinuot ko ang uniform, isang skirt na may green linings sa gilid. Pambabae ang binigay saakin sabi ksi ni HM eh baka mapagkamalan pa akong tomboy dahil ang features ko nmn daw ay babaeng-babae kaya ito ang binigay nila. Matapos makapagbihis, naglagay nmn ako ng konting polbo at liptint para hindi ako magmukhang haggard mamaya.. Nilugay ko nalang ang mahaba kong buhok, until now ay naninibago pa rin ako sa pagbabago physical ko, though some part of it ay tanggap ko na baka ksi ganito talaga ang mga Mago.

Kumatok ako sa kwarto ni Sarah para sabay na kmi magpunta ng cafeteria.

Tok! Tok!

" Sarah, halika na. Magbreakfast na tayo sa cafeteria." Anyaya kong tawag sa kniya. Bumukas nmn ang pinto at nakabihis na rin siya. Pareho ang suot nmin at bagay na bagay sa knya ang suot niya.. Ganda!

" Good morning, Angel. Wow!! Bagay na bagay sayo yan uniform natin.. Perfect! Para kng dyosa,  For sure marami magkakagusto sayi dito." Exaggerated niyang sabi. Napailing nalang ako at nauna na mglakad.

Dumiretso kmi ng cafeteria at napansin ko na bawat madaanan nmin ay napapatingin sa amin, sa akin. May mali ba sa suot ko? Tanong sa isip ko.

" Naku, Angel! Tignan mo kung paano sila tumingin sayo, napaka pretty mo ksi ." Bulong nito. Marami kaming naririnig na bulungan sa bawat madaanan nmin.

" Naku wala na talo na tayo sis, super ganda niya!"

" Goddess ang beauty niya!"

" Nasa langit na ba ako?"

"Miss pwede manligaw"

" Slut!"

" Fame whore"

Marami pa kming naririnig pero hindi na namin pinasin. Dumiretso kmi sa Cafeteria at nkita nmin ang maraming estudyante. Naku! Pati ba nmn dito? Bakit ganyan sila makatitig sa akin? Medyo conscious kong tanong sa sarili.

" Angel, hanap ka na ng pwesto natin ako naang binili, treat ko na din." Wika ni Sarah. Umalis nmn agad siya at ako ay naghanap ng pwesto nmin. May nkita akong table sa malapit at agad akong pumunta doon at umupo. Nakayuko ako habang papunta sa table dahil sa nahihiya ako sa titig ng mga estudyante saakin. Bigla nmn ako na-out of balance at natumba ng may pumatid sakin.

" Bagay lang yan sayo!! Slut!" Sabi ng babae. Tumingin nmn ako sa kanya at nakita ko siyang malademonyong  nakangisi. Pati ba nmn dito meron din bully? Ani ko sa isip. Tumayo nalang ako at akmang tatalikuran ko siya ng bigla niyang hinila ang braso ko..

" Kinakausap kita, bitch! " Galit nito wika. Hindi ko siya pinansin at hinila pabalik ang kamay ko.

" Kilala mo ba ako huh? Kung ako sayo ay lumuhod ka sa harapan ko kung ayaw mo mapahiya!."  Pasigaw nito. Nakukuha na nmin ang atensyon ng ibang estudyante.

" Hala girl, nagalit niya ang queen dito"

" Siya na ang next target ng queen bitch na Yan!"

" Lagot na siya!"

Ilan lamang sa mga bulungan dito. Bully pa la talaga siya dito.

" Wala akong pakialam kung sino ka man dito at hindi ako natatakot sayo." Matapang na saad ko sa kniya. Narinig ko nmn nagsinghapan ang mga tao dito. Akmang sasampalin na sana niya ako ng may pumigil sa kamay niya. Nagulat ako dahil si sa pulang buhok nito. Si King! Saad sa isip ko.

" Stop this nonsense, Megan!" Bulyaw nito sa babae. Megan pla pangalan niya. Nabigla nmn ang lahat sa nangyari lalo na si Megan na yon..

" Prince King hindi ako ang nauna siya ang may kasalanan". Medyo malanding paliwanag nito. Tumalikod nmn sa kniya si King at hindi ito pinansin at bigla nalang naglaho. Grabe!! Prinsipe pala ito.. Tumingin ulit ako sa harap at nakita kong tulala itong si Megan. Hinayaan ko nlang siya don at pumunta sa table na walang tao.

Untouchable Beauty ( Power of Angel)Where stories live. Discover now