2. Mission

439 35 0
                                    

His POV

" Pinapatawag daw tayo ni headmaster." Sabi ni Duke pagdating niya sa amin silid.

"Bakit daw?" Tanong namn ng isa sa kambal.

" Hindi ko din alam eh, hindi niya sinabi sa akin." Paliwanag niya.

Tiningnan nmn nila ako lahat, kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Tskk!" Asik ko sa kanila.

” Mabuti pa ay magtungo na tayo doon, para malaman natin ang gusto ni headmaster." Sabi ni Alina.

Ako nga pala si King Balevick, 18 taong gulang.. Ako ay prinsipe sa palasyo ng Fireo, ang fire kingdom. Ang kapangyarihan ko ay apoy at kidlat. Kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Duke Bentis, prinsipe ng Gresia na ang kapangyarihan ay lupa at kalikasan. Si Alina Sumiro, pinsesa ng Aquasia, kapangyarihan ay tubig. At ang kambal na sina Kurt at klenn Marvis, prinsipe ng Etherial, ang kapangyarihan ay hangin.

Matapos sabihin ng Alina yon ay nagteleport kami patungo sa silid ni headmaster.

" Ano ang nais mo headmaster?" Tanong ni Kurt.

" May bago kayong misyon at hindi dito sa magic world kundi sa mundo ng mga mortal" paliwanag ni headmaster.

Napakunot nmn ang noo ko sa sinabi ni headmaster. Napatingin ako sa mga kasama ko at ganoon din ang ekspresyon ng mukha nila.

" Mukhang naguguluhan kayo sa misyon nyo. Ang misyon nyo ngayon ay hanapin ang iba pang mago sa mundo ng mga mortal. " Paliwanag nya saamin.

" Bakit po headmaster?" Tanong ni Alina.

" Napag alaman nmin na kumikilos ang mga darkus upang magtungo sa mortal realm para paslangin ang lahat ng mga mago doon, kaya nararapat lang na magtungo kayo doon upang iligtas sila sa kapahamakan." Paliwanag nya.

" Kung ganoon headmaster. Kailan po kmi aalis?" Tanong ni klenn.

" Mamaya na ang alis niyo patungo sa mundo ng mga mortal. Mag- iingat kayo sapagkat lumalakas na ang pwersa ng mga darkus." Saad nito.

Nakikinig lang ako sa kanila dahil ayoko magtanong at hindi ako palakibo.

" Kung ganoon ay malapit na matupad ang nakatakda sa propesiya, ang muling pagkabuhay ng hari ang darkus?" Tanong ni Alina.

" Siyang tunay mahal na prinsesa, kaya mag ingat kayo sapagkat ang kabilang panig ang nagpapalakas na para sa kanilang muling paghahasik ng lagim sa mundo ng Mago." Paliwanag ni headmaster.

" Kung ganoon ay maghahanda na kmi headmaster para sa aming misyon." Sabi ni Duke. Tumango nmn kmi sa kaniya.

" Bago kayo umalis. Ibibigay ko muna ang gamot na ito. Ito ay isang gamot upang maintindihan nyo ang wika nga mga mortal". Sabi ni headmaster. Kinuha nman nmin ito at ininom.

" Bumalik kayo dito matapos nyo maghanda upang makaalis na kayo. Nakapag paalam na din ako sa inyong ibang guro para sa inyong misyon." Dagdag pa niya.

Matapos non ay nagteleport na kmi at bumalik sa kaniya kaniya namin silid upang maghanda. Makalipas ang kalahating oras bumalik kami sa silid ni headmaster.

" Pumasok na kayo sa portal, ito ay daretso sa mundo ng mga mortal. Kayo ay mag ingat sapagkat maaari may makalaban kayo darkus doon" sambit ni headmaster.

Pumasok na kami sa portal. Pagkatapos ay napadpad kami sa isang tahanan. Mukhang ito ang lugar na amin titirhan na sinabi ni headmaster.
Pumasok kami sa loob ng bahay at nilapag ang aming mga gamit.

" Kung ganoon ganito pala sa mundo ng mga mortal. Maganda din pal dito" sabi ni Alina.

" Saan tayo magsisimula lider para mahanap natin ang ibang mago dito?" Tanong ni Duke saakin.

" Pumasok tayo sa isang paaralan dito para mapadali ang atin paghahanap. Kailangan natin magmatiyag maigi bago tayo kumilos." Sambit ko sa knila. Tumango naman sila bilang pagsang ayon.

Dumiretso kami sa kniya kaniya nmin silid upang makapag pahinga na. Bukas ay magsisimula na kmi sa aming paghahanap sa mga mago dito sa mundo ng mga mortal.


Untouchable Beauty ( Power of Angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon