Tangina! Mas namomroblema pa ata akong isipin kung bakit siya galit sa akin kaysa sa mga assignments namin!


Thankfully, though, we became groupmates. At nalaman ko rin na hindi niya ako pinapansin dahil nagseselos siya sa amin ni Melanie! Nakalimutan ko lang talaga siya noon dahil sa sobrang inis ko kay Melanie. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Hyacinth tapos kinukilit niya pa ako. Naghalu-halo tuloy ang emosyon ko.


"Look, Hyacinth. If you saw Melanie and me yesterday, It's not that I want to go home with Melanie 'no! She is just so makulit to the point that she even said na she will stand in the middle of the road if I didn't go with her. And I was very annoyed kaya nakalimutan ko na kasabay pala kita."


Hay, puta! Bakit ba ako nagiging conyo kapag kausap ang inglishera na ito?!


"Really? Pero may pa smile smile ka pa while talking to her."


Hindi ko mapigilang tumawa. Kinurot ko ang ilong niya sa sobrang tuwa. She's so cute when she's jealous!


Para akong tanga habang pinagmamasdan ang picture niya sa kanyang I.D. No doubt, okay, she's really beautiful. She has brown almond eyes, jet black hair, pink lips, and thick eyebrows that complement her resting bitch face more.


Natawa ako. Mukha lang talaga siyang masungit, pero kapag nakilala mo at naka-close, ibang-iba siya.


Ugh! Nababaliw na ako! Why can't I get her off my mind!


"Nililigawan mo 'yon?" tanong sa akin ni Caleb, ang aking pinsan na miyembro ng Moonchild, isang hapon nang mapadpad siya sa aming bahay.


Kumunot ang noo ko. "Sino?" tanong ko kahit alam ko kung sino ang tinutukoy niya. 


"'Yung nag-audition? Hyacinth, ba?"


"Ah... Hindi, ah."


Pinanliitan niya ako ng mata. Umiwas na lang ako ng tingin. Liligawan?! Hindi ko ata makita ang sarili ko na niligawan siya!


She got everything. She's pretty, smart, talented, and above all that she's really rich! Walang binatbat ang isang mahirap na si Levi sa kanya! She's too out of my league! Mahirap abutin, masyadong mataas.


"Weh? Talaga ba?" saad pa ni Caleb. "Kalat sa buong campus na sobrang close niyo. Tsk. Sino ba namang hindi makakapansin? Ang isang masungit na Levi, nagpapapansin kay Hyacinth?"


Binati ko siya ng papel. "Tigilan mo nga 'yan!"


Tinawanan lang niya ako. "Well, hindi naman kita masisisi. Maganda siya at mabait. Sa totoo lang siya talaga ang napili naming bagong vocalist."


Her joining Moonchild is not really a big deal for me. Mas gusto ko ngayon para magkaroon siya ng bagong kaibigan at magandang memories habang nandito siya sa eskwelahan namin. Sobrang ganda rin ng boses niya, parang isang anghel na kumakanta.

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now