Chapter 6

210 43 6
                                    

Chapter 6

Audition


From: Levi

Anniversary ng TENDER JUICY HOTDOG NGAYON. Ipasa moto sa 10 tao bago matapos ang araw, kung hindi, magiging hotdog ka. Wag kang tumawa yung tita ko hotdog na. Ayaw kitang maging hotdog. Pls pass


I threw my phone on the other side of the bed when I read Levi's message. Sinong matutuwa na ang aga aga ay 'yan ang bubungad sa'yo? He really has his ways to make my day the worst, huh?


I ignored my thoughts and rose up from bed. Dapat ay huwag kong hayaan si Levi na sirain ang araw ko. Dumiretso na ako sa bathroom. After taking a bath, I wore my uniform and Levi's ID. Naamoy ko pa ang pabango niya sa lace nito. I smell like Levi and I don't know why I like it kahit na inis na inis ako sa kanya.


I am eating my breakfast right now while scrolling through facebook. Nakita ko pa 'yong post tungkol sa audition sa Moonchild.


So, Kairi is right. If their bet yesterday was continued, he'll surely win. Tsk.


Nag toothbrush ako at kinuha na ang bag. Lumabas na ako. Pagbukas ko ng gate ay nanlaki ang mata ko nung nandoon si Levi. He looks so clean and so damn handsome. I saw him smirked because of my reaction.


"Good morning, buti hindi ka naging hotdog."


"There's no good in morning." sabi ko, naiinis.


Iniwan ko na siya doon. Ramdam ko namang sumunod na ito sa akin, natatawa padin. Hindi ko ito pinapansin hanggang sa makapunta kami sa school. Panay lang ang asar nito na hindi ko naman binalingan.


Pagkadating sa classroom ay naabutan ko silang nag uusap-usap tungkol sa Moonchild. Looks like it's really famous?


"Sabi ko naman sayo, Eli eh! Ayaw pa maniwala, Kairi na nagsabi oh? Dahil natalo ka sa pustahan, lilibre mo ko mamaya!" rinig kong sabi ni Kairi nung nakaupo na ko sa pwesto ko. Kasunod ko naman si Levi.


Nagtatalo ang dalawa sa harapan namin ngayon, ang pinagtatalunan nila ay 'yung paring kahapon.


"Wala akong maalalang pumayag ako sa pustahan!" Elisha shrugged her shoulders. Umambang sasagot pa si Kairi ngunit bumaling na ang kausap niya sa akin.


"Hyacinth! Samahan mo ko mamaya ah? Ipasa natin yung project."


Ipasa...


Naalala ko 'yung text ni Levi dahil sa salitang binanggit ni Eli. Wtf! Ba't ba iniisip ko 'yon? Umiling iling ako para mawala sa isipan ko 'yon. Kala mo naman talaga.


"Huh? Ba't ka umiiling? Ayaw mo ba?"


"Ako nalang, Eli. Tapos ilibre mo na din ako." si Kairi


Sinamaan ng tingin ni Eli si Kairi. Ramdam ko ang titig sa akin ng katabi ko kaya binalingan ko siya.

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora