Chapter 34

83 3 1
                                    

Chapter 34

Official


Nang dumating kami sa Taguig ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Nandoon si Tita Beth at ayaw kong makita niya na maga ang mga mata ko kaya agad akong um-oo nang sinabi niya na may dinner daw ang buong pamilya mamaya.


I know what I did was wrong. I remember Levi disagreeing when I said I can help him to find his brother and now that I still did it even though he said 'no', he probably felt disrespected. Dahil sa ginawa ko ay parang hindi ko ni-re-respeto ang naging desisyon niya... dahil sa ginawa ko ay parang minamaliit ko ang kakayahan niyang hanapin ang kuya niya.


But that's not really the reason why I did it. It's purely an act of help. Maybe... my determination to pay back his kindness and the efforts he exerted for me, drives me to do that even without considering his decision. And I'm so wrong about that.


I didn't even look back when we left that place. Nagsisi lang ako sa ginawa ko nang kinausap ako ng aming driver.


"Miss Hyacinth, may sinabi po iyong lalaki na kausap niyo kanina."


Nakalayo na kami at tumigil na ako sa kakaiyak. Ngayon lang siguro naisipan magsalita ng driver namin dahil ayaw niya akong istorbohin sa pag-iyak.


"What is it?"


"Pasensya raw po sa sinabi niya at nadala lang ng damdamin. Sana raw ho huwag kayong magalit... at mag-iingat daw po kayo."


After hearing that, I just want our driver to go back there so I can hug Levi but I know I can't do that. Minsan lang pumunta ang lola namin dito sa Pilipinas, ang pagkakataon na ito ay hindi dapat pinapalagpas.


"Kung ano man po ang pinag-awayan niyo, sana maayos niyo po iyan."


Our driver's last words keep coming back into my mind even when I've reached my room. Nang maramdaman ko ang malambot na kama ko ay gusto ko na lang matulog mag damag pero may dinner pa kami mamaya.


Kaya naman ng sumapit ang alas syete ng gabi ay nakabihis na ako ng isang simpleng floral dress. Hindi naman daw kami lalabas at dito lang maghahapunan ngunit kailangan disente pa rin, lalo na't nandito ang lola.


Nasa hapag na kaming buong pamilya, bumalik na rin si Ate Blair mula sa audition na sinasabi niya. Nagtaka lang ako ng unti dahil hindi pa kami nagsisimula kumain kahit nandito na lahat. Hindi na lang ako nagtanong dahil mukhang may hinihintay sila. Siguro ay nag-imbita ng mga kakilala.


"Oh, he's here!"


Tumingin ako kay Oma, ang aming lola, na masayang nakangiti habang nakatingin sa bukana ng aming dining area. Napabaling din tuloy kaming lahat doon.


My jaw dropped as I watch Levi, wearing white long sleeves folded in his arms and tucked in his black jeans, dashingly enter our dining area. Pormal na pormal itong tumayo at tumingin sa aking mga kamag-anak.

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now