Chapter 40

1.1K 16 38
                                    


Last POV of Vien (:

"Ash... Ash, wake up." Alam kong kakatulog niya lang sa dami nang binasa kanina pero may gusto kasi akong kainin. "Ash... Love, gising ka. Nagugutom kami ni baby."

He groaned and opened his right eye. "Hmm?"

"We're hungry," I repeated what I sad earlier and started brushing his hair. Isinandal ko rin ang pisngi ko sa braso niya. "Gusto ko ng turon na may ube 'tsaka langka. Pati egg pie, Ash." Niyugyog ko ulit 'yong braso ni Ash no'ng pumikit siya.

Mapungay ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. "Bakit?" tanong niya.

Sumimangot ako. "Naguguto-"

"Bakit ang ganda-ganda mo?" he cut me off. Niyakap niya ako at isinubsob ang mukha niya sa tiyan ko. He kissed me there, too, before he looked up at me.

"Ang higpit mong yumakap, Ash. Baka maipit si baby." Sinubukan kong alisin siya ro'n sa ibabaw ng tiyan ko. Bago siya maupo sa kama, pabiro niyang pinisil ang kaliwang dibdib ko. "Ash! Sisipain talaga kita!"

"Sus, kunwari pa... gusto mo rin, eh." I glared at him. I was so ready to throw at him the lampshade when he held my hand and kissed me on the lips. "Inis kaagad, 'di pa nga magaling 'yong kagat mo sa akin last week, oh." Inangat niya 'yong sando niya at ipinakita sa akin 'yong kagat ko malapit sa dibdib niya.

Lumabi ako. Siya naman ang may kasalanan, eh... Ang cute-cute niya palagi 'tsaka ang bango. Lagi ko tuloy siyang napanggigigilan. Pero... Pero bakit niya ako kinokonsensiya?

"Fine. Ako na lang bibili ng turon ko. Sana 'di mo na lang ako binuntis kung kokonsensiyahin mo 'ko bago mo kami bilhan ng pagkain." Agad nag-init ang sulok ng mga mata ko habang hinahanap sa ilalim ng kama 'yong kapares ng tsinelas ko.

He sat beside me, chuckling. "Hey, I was just joking. Bibilhan ko naman kayo, eh. Nagpapalambing lang naman ako sa 'yo." He pouted when I looked at him.

"I already said sorry last night. Ba't inaaway mo pa rin ako tungkol sa kagat ko sa 'yo?" His face immediately filled with guilt when he saw tears falling down my cheeks. Inis kong pinunasan 'yon at umupo ulit sa kama. I covered my face with my hands and cried silently. "Parang bibilhan mo lang kami. Kung kaya ko naman, 'di ko ipapagawa sa 'yo."

"You really sound like a mom now," he even teased as he wrapped his arm around my shoulders. Sinubukan ko siyang itulak kaso isinubsob niya ako sa dibdib niya. He planted a kiss on my head, too. "Sorry na. Ano ba'ng gustong kainin ng dalawa kong mahal?"

Sinabi ko sa kaniya ang gusto kong kainin. Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa ibabaw ng bedside table at tiningnan ang oras. "Ala dos pa lang ng madaling-araw, love. Sa'n ako maghahanap ng turon n'yo?"

I tried to push him again but he didn't let me. "'Wag na. Matutulog na lang ako," nagtatampong sabi ko.

I didn't want to hate the sensitivity I was feeling lately but I couldn't help but to feel bad... Palagi kasing ganitong oras ako may gustong kainin... Kung saan-saan na nga napapadpad si Ash para lang bilhin 'yong gusto ko... Naaawa na nga ako minsan but even I couldn't do anything about it.

I saw how he tapped Aivanns' number from his contacts. "Mamaya mo na ako murahin, samahan mo ako... Yeah... Oo, turon na may ube raw at langka 'tsaka eggpie... Hindi ko rin alam that's why I'm asking for your help... Sa bayan na lang... Ikaw na lang tumawag kay Squidward... Ge, bye." Nagbaba siya ng tingin sa akin matapos i-end ang call.

"Bibilhan mo na kami?" He nodded and wiped away the tears off of my face.

"Can you wait a little longer? Mahaba-habang hanapan 'to," sabi niya habang inaayos ang buhok ko.

When The Flower Withers (Fleur Series #1)Where stories live. Discover now